C4-A #15: Black Roses

1.5K 31 3
                                    

Black is the color of night. White is the true color of death.” 

-------------------------------------------------------x

ANTHONY's

Liliko na sana ako sa building namin nang may makita akong familiar na tao sa harap ng kabilang building.

Nakakapagtaka. Ano namang ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?

Tumingin-tingin ako sa paligid, at nahagip ng mga mata ko sina Jiro, Shy, at Katherine na nasa canteen. Napansin ko na nakatingin din si Jirosa kabilang building at parang gulat na gulat sa taong nakikita nya. Lumingon na rin ako sa taong yun at binalewala na lang si Jiro saka nagmadaling tumakbo sa kinatatayuan ng taong yun.

"Kuya!" sigaw ko rito nang makarating ako sa bandang likuran niya.

Hawak-hawak niya ang puting maskara at nilalaro ito sa mga daliri niya. Nakatalikod lang siya sakin at di lumilingon, pero nararamdaman ko na nakangiti siya.

Ano naman kayang problema ng taong to? -_- Tss.

Lalapitan ko na sana sya nang may mapansin akong isang bagay. Ang tindig nya. Ang galaw niya. Parehong-pareho kami ng galaw ng kuya ko. Tila nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Parang Siya ay Ako. Hindi maipagkakaila na tunay ko syang kapatid, di tulad ng sinasabi ng ibang tao na di ako isang tunay na Arcilla.

Buong buhay ko iniisip sa sarili ko na ampon lang ako dahil s mga naririnig ko sa ibang tao. Na hindi ako tunay na anak nila Mommy at Dad. Pilit akong inilalayo ng mga tao sa kanila. Hindi ko alam kung saan galing ang mga sabi-sabing iyon. Ayokong maniwala sa kanila.. pero kapag nakikita ako ng mga ibang tao na kasama ko ang pamilya ko, magbubulungan sila ng kung anu-anong tungkol sa akin.

Lumingon siya sakin nang nakakaloko nung marinig nya ang paghakbang ko.

"UY KAPATID! Nandiyan ka pala. Bakit di ka pa pumapasok sa klase niyo?"

"Ikaw ang dapat na tinatanong ko nyan, Kuya. Bakit ka nandito sa campus namin? Wala ka bang klase?" tanong ko.

"Aba, aba! Kung makapagsalita ah. Naging campus din namin to ah!" tapos nag-pout siya na talaga namang nakakainis. - ,- Parang bata kahit kailan. "Bakit nga ba ko nandito?" pagpapatuloy niya sa sinasabi niya. "Hmm, wala naman. Namiss ko lang din tong dati kong school eh. Saka, wala pa yung prof namin eh. Na-late sya ng 20 minutes, so automatically.. wala nang klase. WOHOOO!"

"Tch! Ganun ba yun? Sige, alis na ako." pagtalikod ko sa kanya ay humarap ulit ako dahil sa naalala kong bagay na gusto kong malaman at itanong sa kanya. "Para saan ba iyang puting maskara na yan?"

Nang marinig niya ang tanong na binitiwan ko ay mabilis na naipinta ang gulat sa mukha niya. Nakita kong hindi rin mapakali ang tingin sa mga mata niya.

The Class 4-A of Seihoudo HighDär berättelser lever. Upptäck nu