C4-A #40: Dead End

864 18 2
                                    


"Death is a turncoat; first an enemy, and then a friend."

---------------------------------------------x

SHY's

HALOS TUMALON ANG puso ko nang unti-unting bitawan ng lahat ang taling nakasakal kay Jenica at tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Chris. Napatingin ako sa kanila at bigla ko ring nabitawan ang tali dahil sa hindi ko alam na dahilan ay bigla akong napatakbo papunta sa kinaroroonan nila. At ang huling bagay na alam ko na lang ay bigla akong napasigaw nang makita ang pagbagsak ni Chie sa sahig. Nagtalsikan ang mga dugo at tuluyang dumaloy sa sahig. Nagkagulo ang lahat. Si Jenica na hindi na namin maabot ay nasakal na at binawian na rin ng buhay. Si Chris, walang tigil ang pagbula ng bibig niya, nangingisay at halos tumitirik na ang mata.

"Chris! Chris!"

"Anong nangyayari sa kanya?!" narinig kong sigaw ni Ashley na kakalapit pa lang sa amin.

Hindi namin siya napansin dahil sa patuloy na pangingisay ni Chris. Sobrang natataranta na ako at ngayon ko lang naramdaman 'to. Bakit ganito? Parang ... natatakot ako lalo? Si Chris ... hindi siya pwedeng mamatay.

"Chris! Ano bang nangyayari?!" sigaw ni Ashley.

"H-hindi namin alam, Ash! Bigla na lang siyang nagkakaganyan!" sabi naman ni Precious.

Nakapalibot lang kami kay Chris habang nakakapit sa buong katawan niya. Sobra kasi ang panginginig niya at pakiramdam namin na kapag binitawan namin siya ay bigla na lang siyang mawalan ng malay.

"Ano'ng gagawin natin?" pag-iyak ni Yanna.

Napailing ako. Nagulat na lang kaming lahat nang tumigil sa pangingisay si Chris. Unti-unti itong nawawalan ng malay at pumikit na ang mga mata nito.

"A-anong nangyari sa kanya?" tanong ni Katherine kay Justin.

Napatingin kami sa kanya na pinulsuhan sa leeg si Chris. Nagulat kami nang umiling siya bilang pagtugon. Wala kaming nagawa kundi ang mapaiyak. Napaupo ako sa sahig at nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

"Patay na sila. Kailangan na nating makalabas sa gym na 'to," saad ni Jiro.

"Pero paano? Sigurado akong naka-locked ang pinto dito? Wala tayong malalabasan," sabi ni Ivan.

"Tsk!" napatingin kami kay Remo. "Gumawa tayo ng paraan."

- - -

MORTHAN's

Patay na si Chris.

Nang pulsuhan siya ni Justin, napansin ko ang ngiti sa labi nito. Alam ko. Alam ko ang dahilan. Dahil may lihim na pagkamuhi siya sa taong yon—na pinatay si Bee. Ngayon, tapos na siya sa kanyang misyon, at kailangan na niyang tanggapin ang kapalaran niya.

Bakit nga ba namatay si Chris? Pinutol ni Mr. Mizaki ang dila nito dahil sa sobrang daldal ng lalaking yon. Ang hindi alam ng lahat, ang gunting na pinangputol sa dila nito ay may halong kemikal na maaaring ikamatay ng kung sino man. Hahaha! Napakatalino rin ng matandang yun eh—kahit nababaliw na.

Ano na nga ba'ng plano niya? Nababagot na 'ko. Gusto ko na'ng matapos ang larong ito, hindi na 'ko makapaghintay. Gusto ko na silang tapusin. Gusto ko na'ng ipaalala sa kanila ang lahat ng ginawa nilang kasalanan—ang ginawa nila kay Thania.

Nagmumukha na silang tanga dito, at pagod na 'kong magpanggap. Kailangang matapos na 'to, ako na ang gagalaw.

Unti-unti kong isinuot ang kamay ko sa bulsa ko at kinapa ang maliliit na bagay na kapag itinapon ko sa sahig ay maglalabas ng usok na ikakawala ng malay nila. Simple lang naman ulit ang mangyayari, katulad ng ginawa nila Ace kaninang umaga sa amin.

Ihahagis ko na sana ang tear gas nang mahagip ng mata ko ang isang tao na nakatingin sa akin habang ang iba ay nag-uusap. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang maglapat ang paningin namin. Napangit ako sa kanya at tuluyang hinagis sa sahig ang mga bagay na hawak ko.

"Mille ..."

xxx

Author's Epal Note.

Isang masabaw na update. :) Ayan, mukhang kilala niyo na si Morthan. Hahahaha, konting kembot na lang at magwawakas na 'tong larong sinimulan ko. Cliché ang ending nito kaya ... alam na! Wag mag-assume. ^o^

The Class 4-A of Seihoudo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon