C4-A #21: Friendship or Hatred

1.3K 28 1
                                    

The past that flashes in my mind, makes me not to forget with the faces to remind."

----------------------------------------------x

REMO's

HINDI KO ALAM kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Tila may tumutulak sa akin na  puntahan siya ngayon sa harapan. Gusto ko rin sana siyang kamayan para mahawakan ko ang kamay niya. Ngunit alam kong hindi maari, hindi pwede. Malaki ang galit ng klase sa kanya,  kaya dapat akong makibagay para hindi nila ako kainisan. Mahirap na. Dahil sa mga panahong ito ay unti-unti nang lumalabas ang tunay na kulay ng mga tao sa loob ng silid na ito.

Bernice...

Kahit hindi ko aminin, alam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Kahit na alam kong sasaktan din ako ng katotohanan.

Ang katotohanang walang ibang ginawa kundi ang manakit.

Una sa lahat, ang katotohanan na ang lahat ng nangyari sa nakaraan ay isang laro. Isang laro na nagdala sa buong klase ng sakit.  Nagkaroon ng lamat sa pagitan namin dahil sa ginawa niyang larong iyon. Inisa-isa niya kami, ginamit niya ang kahinaan namin. Alam naman namin na pinaglalaruan niya lang kami pero nangyari pa rin ang lahat. Na lahat kami ay nagpakatanga dahil sa kanya. At kahit anong gawin ko eh pakiramdam ko ay tanga pa rin ako. Hindi ko pa rin siya nakakalimutan at matagal ko na siyang napatawad sa lahat ng nagawa niya.

Pangalawa ay ang katotohanan na ang dahilan ng pagbalik niya ay ang kaibigan ko.. si Jiro. Simula pa lang kanina sa harap ng Computer Room, kitang-kita ko sa mga mata niya na sabik na sabik siyang makita ito. Nasaktan ako nun.. lalo na nang banggitin niya ang pangalan ng kaibigan ko. Gusto kong manapak ng tao, pero hindi ko magawa. Nagagalit ako sa ginawa ni Jiro sa kanya kanina. Gusto ko siyang suntukin, ngunit kaibigan ko siya.. ayokong mag-away kami nang dahil lang sa kanya. Ayokong mangyari yun.

"JIRO? Teka, huy, anong nangyayari sayo?" nawala ang tingin ko sa kanya nang nabaling ito kay Shy na natataranta at pilit niyuyogyog si Jiro sa upuan niya. Tulala lang si Jiro at hindi man lang kumukurap. Halos kumikintab na rin ang muka niya dahil sa pagbalot ng pawis dito na sunod-sunod ding tumatagtak. Napalingon ang lahat sa kanya at halos mag-unahan sa pagpunta sa upuan ni Jiro. Hindi ko alam ang sunod kong ginawa pero parang kusang napatingin ako kay Bernice at inabangan ang magiging reaksyon nito. At nang makita ko ito ay pinagdasal ko na sana hindi ko na lang ito nakita.

Binuhat siya ng iba kong mga kaklase para dalhin sa clinic pero ako.. heto at nakatayo lang. Pinapanood lang silang nagpapanic. Ewan ko. Ano bang dapat kong maramdaman? Hindi ako dapat tumayo lang dito at panooring nagkakaganun ang kaibigan ko. Pero parang may pumipigil sa aking gawin ang dapat kong gawin.

"Tara Remo, sunod tayo sa kanila sa clinic." Kung hindi pa ata ako hilahin ni Raymond ay hindi ko pa maiisipang pumunta dun at tingnan ang kalagayan ni Jiro.

Pagdating namin sa clinic ay isa-isa nang naglalabasan ang iba naming kaklase sa naging kwarto ni Jiro. Pagpasok namin ay tanging sila Precious, Ashley,Katherine, at Shy na lang ang nandon. Pati pala siya, eh nandito. Nakahiga na si Jiro sa kama at natutulog.

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now