C4-A #39: Double Hang

890 20 1
                                    


"How many bloods? How many lives do I need to kill in order to satisfy my needs?"

-----------------------------------------------x

ASHLEY's

PATAY NA SI Mariel. Napakawalang-hiya ni Mr. Mizaki. Tama ang lahat ng sinasabi niya patungkol sa guro naming iyan, pero hindi kami nakinig. Mas inuna namin ang pagtingin sa maamo at inosenteng itsura ng guro namin.

Nagbukas muli ang mga ilaw ngunit nagulat kami nang wala na siya sa loob ng gym.

"Nasaan na si Mr. Mizaki?!" sigaw ni Jiro.

"Wag mo na siyang hanapin,pwedeng kalagan niyo na lang kami dito? Mga traydor din kayo eh," maangas na sabi ni Justin. Alam kong wala ngayon ang tamang oras para makipag-away pero automatic na nag-init ang dugo ko.

"Hinay sa pagsasalita. Tinakot kami ni Mr. Mizaki na papatayin niya si Katherine kapag hindi namin ginawa ang bagay na iyon," sagot ko agad.

Pumagitna sa amin si Remo at agad na inalis sa pagkakatali si Juston. Gayon din ang ginawa namin sa iba, pati kay Katherine.

"Kailangan na nating umisip ng paraan para makatakas dito," sabi ni Precious.

Nanahimik kaming lahat, pero agad itong binasag ni Katherine. "May problema tayo," Napatingin siya sa malapit sa pinto, kay't sinundan namin siya ng tingin at nagulat kami sa aming nakita.

Nakakalag na sa pagkakatali si Jenica at nakahandusay siya sa isang tabi. Unti-unti itong gumising at napansin din niya ang tali sa kanyang leeg, pilit niya itong tinatanggal ngunit hindi niya magawa. Nagsipuntahan din kami sa kanya at pilit tinatanggal ang tali sa kanyang leeg.

"Ano'ng nangyari? Paano ka napunta diyan?" naguguluhang tanong ni Precious. Nagkibit-balikat lamang si Jenica at nagsimulang maglingid ang luha sa mata niya.

"Tulungan niyo, pakawalan niyo ko," iyak niya.

"Mukang mahirap putulin ang taling iyan, masyado itong makapal at matigas," sabi ni Ivan.

Nag-isip kami ng paraan. Kailangan naming makaalis dito. Sinundan ko ang taling nakakabit dito sa taas at nakita ko na tuloy tuloy ang tali nito na nakakabit sa isang pulley. Sinundan ko ito ng paningin ko hanggang sa kabilang bahagi ng gym. May isa pang pulley. Sinundan ko ang patutunguhan nito at nagulat ako sa taong nakabitin dito.

"CHIE!" sigaw ko. Wala itong malay. Napalingon silang lahat sa akin at sinundan ang paningin ko. Nagulat din sila at hindi namin alam ang dapat naming gawin ngayon.

Ang kabilang dulo ng taling nakasakal kay Jenica ay siyang nakatali sa mga paa ni Chie. Nakabitin ito patiwarik, at sa oras na magising at gumalaw siya, siguradong. . .

"Ayoko pang mamatay," walang tigil na pag-iyak ni Jenica.

"Wag kayong gumawa ng kahit anong ingay, hindi pwedeng magising si Chie. Ano'ng gagawin natin?" saad ni Raymond.

Masyadong mataas ang pinagtatalian kay Chie, at kapag gumalaw siya ay may posibilidad na bumagsak siya at aangat si Jenica at masasakal, dahil masyadong magaan ito kumpara kay Chie. Anong gagawin namin?

Lumipas ang ilang minuto. Iyak pa rin nang iyak si Jenica dahil sa takot habang wala pa ring malay si Chie. Kami ay natatahimik lamang at sinusubukang mag-isip ng paraan.

"Wala pa ba kayong naiisip na plano?" tanong ni Yanna. "Jiro, mag-isip ka. Iligtas mo kami, kailangan nating makalabas dito."

Nagulat si Jiro. "B-bakit ako? Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin."

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now