C4-A #43: Unfinished Business

898 21 2
                                    


"The ghost of the past shall return. There's still something undone, and by this time, everything will be finished. Everything will be completed."

---------------------------------------------x

JUSTIN's

NAKABUKAS NA ANG pinto ng kwartong kinaroroonan ko at nagulat ako nang wala naman akong taong kasama dito. Nanghihina man ay sinubukan kong tumayo. Kung sino man ang nagbukas ng pintong yon, maraming salamat sayo. Makakatakas na ko.

Ngunit maglalakad na sana ako nang bigla akong mapatigil. Hindi ko maigalaw ang paa ko, hindi ko maihakbang. Nakita ko na lang na may itim na tali ang nakabuhol dito. Sinundan ko ang dulo nito at nagulat ako lalo nang makita si Ace na tinatali sa isang bagay ang dulo ng taling nakakabit sa akin.

"Kamusta?" tanong niya nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya.

Hindi ako umimik. Hindi ako nagsalita. Bahala na siya, kung ano man ang gusto niyang gawin sa buhay ko. Basta ang alam ko, tapos na ako sa mga bagay na dapat kong tapusin—isa na don ang paghigantihan si Bee.

"Bakit hindi ka makapagsalita? Dahil ba natatakot ka? Natatakot kang mamatay? Tch! Ngayon ka pa talaga natakot, ano?" saad niya.

Natawa ako bigla na naging dahilan ng pagka-asar niya. "Sino ba'ng may sabi na natatakot ako? Hahahaha! Hindi ako natatakot mamatay, dahil alam kong nagawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin. Natapos ko na."

"Talaga, Justin? Sigurado ka ba'ng natapos mo na ang LAHAT? Baka may nakakalimutan ka?" ngumisi siya at ipinakita sa akin ang isang matalim na kutsilyo. Nakita ko pa ang pagkislap ng talim nito. Ibinato niya ito sa harapan ko.

"Ano'ng gagawin ko diyan?" tanong ko.

Sa oras na 'to ay siya naman 'tong natawa. "Ang slow mo, pre. Hahaha, may hindi ka pa natatapos. Iyon ay ang misyon ng gagong samahan niyo. Natatandaan mo na?"

Nagpantig agad ang tenga ko nang marinig ko iyon. Kusang binalot ako ng kaba, at tila huminto sa pagtibok ang puso ko. Tama siya, hindi ko pa siya natatapos.

"Ikaw ang dahilan ng lahat, Justin. Ikaw ang naging susi namin sa lahat ng ito. Hahahaha! Napakahina mo naman kasi eh. Kung tinapos mo na ko dati pa, edi wala na ako ngayon sa harap mo. Wala sanang papatay sa'yo ngayon. Wahaha. Ganyan ka kasi katanga eh no? Hindi mo pa ko pinatay dati. Pero wag kang mag-alala, nagpapasalamat ako sa'yo, kasi alam mo? Ang taong dapat na papatayin mo ay ang taong gagawa nito sa'yo. Na-gets mo, pre? Hahahaha," saad niya.

Napangisi ako sa lahat ng sinabi niya. "Baliw," tanging nasabi ko lang.

Pero bigla akong nagulat nang hawakan niya ang lahat ng kutsilyong dala niya. Tila nagkaroon ng itim na aura sa paligid niya. Ganun ba siya nainis sa sinabi ko?

"Hindi ako baliw!" sigaw niya at ibinato niya ang isang kutsilyo sa akin. Nagulat na lamang ako nang tumama ito sa braso ko. Napasigaw ako sa sakit.

"HINDI AKO BALIW!" sigaw niya pa at muling bumato ng isang kutsilyo na tumama naman sa hita ko.

Napa-aray ako sa sobrang sakit dahil sa bawat pagtusok ng kutsilyo sa akin ay tumatama ito sa buto ko. "Tama na! Nababaliw ka na, Ace!"

"Hindi ako nababaliw! Kailangan ko silang ipaghiganti! Kailangan kong makita sila ulit! Kailangan ko sila!" sigaw niya at sunod-sunod niyang ibinato ang mga kutsilyo sa akin. Mabilis ang naging pangyayari kaya't hindi ko namalayan na tila naging isang voodoo doll ako na maraming nakatusok na karayom. Walang tigil ang pagdaloy ng dugo sa mga sugat ko. Kung saan-saang parte ako tinamaan kaya't nanghihina na ako. Napaluhod ako at nanlalabo na ang mga mata ko. Napayuko ako sa sobrang hapdi ng nararamdaman ko.

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now