C4-A #42: Photographs

884 15 4
                                    


"Real eyes, realize, real lies."

---------------------------------------------x

PRECIOUS'

NASAPO KO ANG ulo ko. Iminulat ko ang mata ko at nagpalinga-linga sa buong paligid. Nakakapagtaka. Bakit nandito pa rin ako sa loob ng gym? Ang nangyari kanina ... ang usok. Alam kong pakana na naman nila ito, pero bakit nandito pa rin ako? Hindi ba nila ako papatayin? Ang huling bagay na naaalala ko lamang ay ang usok na bumabalot sa paligid. Bago ako mawalan ng malay, nakakita ako ng dalawang taong nagbubukas ng pinto. Malayo ito sa kinaroroonan ko kaya't sobrang labo para sa akin ang makita sila. Tanging anino lang nila ang natatanaw ko, at nagdilim bigla ang paligid.

"P-precious?"

Agad akong napalingon sa likuran ko nang makita ko si Ashley na halos kababangon lang din. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin at nagtataka rin. Mabilis akong tumakbo sa kanya para yumakap. Kung hindi lang siguro ako nasa ganitong sitwasyon, hindi ko gagawin 'to.

"Teka, ano ba'ng nangyari?" tanong niya.

Humiwalay ako ng yakap at saka sinagot siya. "Hindi ko din alam, Ash. Bakit tayo nandito? Tayong dalawa lang ba?"

Nagkibit-balikat siya. Nagpalinga-linga din siya sa buong gym at maya-maya ay nanlaki ang mata niya.

"Ayun! May mga kaklase tayo du'n!"

Napatingin ako sa stage na tinuro niya at nakita ko nga dun ang ilang mga kaklase naming nakahiga na tila walang malay. Kung sino man sila ay hindi ko pa alam, masyado kaming malayo sa kinaroroonan nila. Sumunod na lang ako kay Ashley nang tumakbo papunta doon.

"Remo! Shy, Katherine! Mille!" sigaw niya at nagsimula namin silang gisingin.

"A-anong nangyari? Pano kami napunta dito?" nagtatakang tanong ni Remo habang hawak ang kanyang ulo.

Umiling ako. "Hindi rin namin alam. Nagising na lang din ako na nasa isang sulok ng gym na 'to."

"Nakakapagtaka. Napakatuso nila Mr. Mizaki at Ace. Paano nila nagagawa ang lahat, ganon na ba sila kalakas?" saad ni Shy.

"Wala na akong pakialam sa kanila. Kailangan na nating makatakas dito! Nasaan ba ang iba? Si Jiro at Raymond? Nasaan ang dalawa?" natatarantang sabi ni Katherine.

"Kailangan natin silang mahanap!" sigaw ni Ashley.

"Pero paano? Paniguradong may ginagawa na ang mga demonyo sa kanila. Hindi ko na alam, pero wag naman sana. Gusto ko pang mabuhay. Ayoko na dito!" sigaw ko.

Napalingon naman kami nang mapasinghap si Mille. Bigla siyang napatakip ng kanyang bibig. Tila natatakot siya, kinakabahan.

"Ano'ng nangyari, Mille?" tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "S-si Jiro ..."

- - -

JUSTIN's

Mga litrato. Mga pamilyar na tao. Sigurado akong kilala ko ang lahat ng mga ito.

Kanina pa ako paikot-ikot sa buong kwartong ito at hindi ako mapakali dahil sa dami ng larawang nakapalibot sa akin. Maraming larawan ang nakadikit sa pader, nakasabit sa isang tila sampayan, mga nakakalat sa sahig, mga nakalagay sa mga mesa. At lahat ng ito'y napakapamilyar. Lahat ng nasa larawan, pamilyar. Ngunit hindi ko magawang maalala. Masakit sa utak.

Muli kong inilibot ang paningin ko sa buong kwarto. Napatingala ako at nakita ang iba pang mga larawan. Hindi ko masyadong maaninag ang lahat dahil sa panlalabo ng mata ko, napapagod na ata ako.

Kumuha ako ng isang silya, umakyat ako dito at pinagmasdan ang mga larawan na nasa kisame. Nang makita ko ang mga ito nang malapitan ay nanlaki ang mata ko—kami ito. At ayun siya.

Si Bee.

Napangiti ako. Hindi ko alam pero bigla akong natuwa. Bigla akong nakaramdam ng saya. Marahil siguro ay alam ko na ang kahihinatnan ko sa lugar na 'to—ang kamatayan ko. Makakasama ko na siya. Makikita ko na siya. At alam ko, mas natutuwa ako ngayon dahil nakuha ko na ang hustisya para sa kanya. Patay na si Chris, hindi man ako ang gumawa ng bagay na iyon, atlis alam kong napaghiganti ko na siya.

Pwede na ang mamatay.

Naibaling ko ang paningin ko sa isang sulok. At nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko, tila maraming nagbalik na mga ala-ala sa isip ko. Napadaming nangyari. Mga patay. Dugo. Mga estudyante. Maskara. Itim na kasuotan. Ang... ang... section namin.

Lumapit ako sa mga larawan na nagpagulat sa akin at tama ang hinala ko. Ang mga kaklase ko... mga larawan nila noong namatay sila. Nakakakilabot. Tila ayoko nang makita, ngunit may nagtutulak sa akin tingnan ang lahat ng ito. Parang may gusto akong malaman.

Nakatitig lang ako sa mga larawan ng mga kaklase ko—kung paano sila namatay. Kumpleto. At unti-unti. Unti-unting bumabalik ang lahat ng ala-ala ko—mga naburang ala-ala.

Ngayon, alam ko na ang dahilan ng lahat ng nangyayari. Ang dahilan ni Mr. Mizaki, at ni ... Ace—ang natira sa dating Class 4-A na dapat ay ako ang tumapos. Ako ang dapat na tumapos ng trabaho namin, ngunit hindi ko nagawa. Hindi ko kinaya. Hindi ako pwedeng pumatay.

Umalis na ako sa harapan ng mga larawan ng kaklase ko at pumunta sa ibang mga larawan na nakakalat sa mesa. Tama nga, sila nga ito. Sila ang dating Class 4-A.

Mga larawan nilang lahat, mga masasaya sila. Bawat isa ay may ngiti sa labi. Inaamin ko, bigla rin akong napangiti. Ngunit nagulat ako sa nakita kong isang litrato. May tatlong tao dito, at may mga takip ang bibig nila at hindi mo agad makikilala. Ngunit sigurado ako ... si Mr. Mizaki at Ace ang dalawa dito, pero yung isa, sobrang pamilyar. Sobrang namumukhaan ko. Siya si— napatigil ako sandali ng makita ko ang maliit na pirma sa ibabang bahagi ng larawan.

Morthan.

Morthan? Sino si Morthan? Pero sigurado ako. Siya si— "Argh!"

Napasigaw ako nang makaramdam ako ng pananakit sa likod ko. Tila may tumusok dito. Napaluhod ako sa sahig at sumigaw dahil sa sobrang sakit. Kinapa ko ang likod ko at nagulat na lamang ako nang makahawak ako ng isang bagay na nakabaon sa likod ko. Napatingin ako sa kamay ko, puro dugo. Napakadaming dugo.

Napapikit na lang ako sa sakit. Maya-maya ay nakarinig ako ng mga yabag ng sapatos. Nagpalinga-linga ako sa paligid ko at nagulat ako sa nakita ko. Kahit sobrang nanlalabo na ang mata ko ay sigurado akong papalapit sa akin si Ace, may sugat siya sa tiyan. Napalingon ako sa mga kamay niya na napakaraming hawak na kutsilyo.

At bigla akong binalot ng kaba.

xxx

Author's Epal Note.

Ayan, unti-unti niyo nang malalaman ang mga reasons ng killers. :) And still, ang corny pa rin. Wahaha.

Nakakalat na ang mga clues, at maraming pampagulo diyan. Hahaha, si Morthan, kilala niyo na? Kapit lang. Makikilala niyo rin siya. (Obvious na nga eh) Hehe, matatapos na to. Mga 4-5 chapters na lang. :) Please support pa rin, thanks. Ciao.

~wattyfandude

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now