C4-A #45: Black Candle of the Pact

866 15 1
                                    

"A pact they thought that will give them everything they want." Seven Secrets, One Reason

---------------------------------------------x

JIRO's

PAGLABAS KO NG Room 306, dala-dala ang mga papel na nakuha ko rito ay mabilis akong tumakbo sa hallway ng floor na ito. Ngunit bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa itaas. Isang sigaw ng galit na galit na tao, at kung hindi ako nagkakamali.. si Ace yun.

Dali-dali akong tumakbo sa hagdan at umakyat sa itaas. Isa-isa kong sinilip ang lahat ng kwartong nasa hallway, ngunit lahat ay sarado maliban sa isang naabutan kong nakabukas. Dahan-dahan akong sumili dito at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nanlumo. Nataranta. Natakot.

Hindi ako nagkakamali.. si Justin yung taong yon na nakahandusay sa sahig. May butas ito sa noo na sigurado akong sinaksak ng nakatayong lalaki sa harap niya—si Ace. Bumaligtad ang sitwasyon, naiba ag misyon. Naalala ko sa nabasa ko kanina.. si Justin ang dapat pumatay kay Ace, ngunit ngayon.. naiba.

Wala na akong magagawa, patay na si Justin. Kailangan ko na lang balikan ang iba sa gym—kung nandoon pa sila.

Tumakbo ako sa hallway. Dahil sa takot ko ay hindi ko na nagawa pang dumaan sa kabilang hagdan. Dire-diretso lang ako. Sa pagkakaalam ko'y may hagdan sa kabilang parte ng building na 'to.

Naguguluhan na ako. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko, kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para mailigtas ang mga kaibigan ko.

Pagkakita ko sa hagdan ay agad na tumakbo ako dito, ngunit napatigil ako nang muli akong makarinig ng sigaw. Sigaw na nanggaling sa isang pinto na kaharap ng hagdan bago ka pa man makababa dito.

Dali-dali akong pumunta sa harap nito at idinikit ang tenga sa pinto. Tanging sigaw lang ang naririnig ko. Sigaw ulit ng isang lalaki.

"Tulungan niyo ko! Tuloooong! Aaaaah!!"

Mula sa kinatatayuan ko ay halos manlaki ang mata ko sa naririnig ko. Hindi ako nagkakamali.. si Ivan ang nasa loob ng pintong ito.

"Ivan! Ivan! Ayos ka lang ba? Ivan, buksan mo ang pinto!" sigaw ko habang kinakalabog ang pinto dahil hindi ko mabuksan mula sa doorknob nito. Sinimulan kong pwersahin ang pagbukas dito, sinipa, binunggo. At nang mabuksan ang pinto ay muli akong nagulat sa aking nakita.

Nakahiga siya sa sahig at may mga kadena sa mga kamay at paa niya. Maging sa tiyan niya, sinigurado ng taong gumawa nito sa kanya na hindi siya makagalaw. Sa ibabaw niya ay may mga nakasabit na mga itim na kandila. Nakasindi ang mga ito at patuloy ang pagtulo ng natutunaw na kandila sa muka nito at sa iba pang parte ng katawan niya.

"AAAAARRRRRRRRGGGGGHHHHHHHH!!" isang malakas na sigaw ang umalingawngaw mula sa kanya kaya mabilis na tumakbo ako papalapit sa kanya upang tulungan siya. Ngunit hindi ko napansin ang pagsulpot ng isang taong nakaitim na kapa sa harap ko.

"Ivan!" napasigaw ako. "Ivan! Mr. Mizaki, pakawalan mo siya!"

"J-jiro! Jiro! T-tulungan mo ko!" narinig kong sigaw ni Ivan nang nakabaling ang tingin sa akin ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang ulo.

Gusto kong lumapit sa kanya ngunit hindi ko magawa dahil nakaharang sa harap ko si Mr. Mizaki. Dahan-dahan siyang naglalakad papalapit sa akin kaya't napapaatras ako.

"Tigilan mo na 'to! Alam ko na ang lahat, alam ko na ang dahilan sa bawat pagpatay mo sa mga kaklase ko! Napakawalang-hiya mo. Itinuring ka naming parang isang ama, Mr. Mizaki. Ikaw ang dapat na may alam ng tama, hindi ka na dapat maghiganti," matapang na sagot ko.

Sa dami ng sinabi ko ay bigla lang siya napatawa. "Jiro.. alam mo na pala ang lahat. Hahahaha! Wala talagang sikreto ang hindi nabubunyag."

"Tigilan mo na 'to. Walang saysay ang paghihiganti mo kung pumapatay ka ng buhay," saad ko.

"Sigurado ka ba sa lahat ng sinasabi mo, Jiro? Wag mong gawing anghel ang sarili mo dahil isa ka rin sa amin. Isa ka ring demonyo, isa ka ring binigyan ng misyong maghiganti sa mga taong pumatay sa taong mahalaga sayo," seryosong sabi niya.

Agad na napantig ang tenga ko, at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi.. hindi totoo ang lahat ng sinasabi niya.

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!" agad na napalingon ako nang sumigaw nang malakas si Ivan. Nakita kong punung-puno na ang mukha niya ng mainit na natunaw na mga itim na kandila dito. Hindi na siya gumagalaw, hindi na siya humihinga.

"Paalam, Ivan. At ikaw, hindi ka pwedeng umalis sa grupo," napatingin ako kay Mr. Mizaki nang sabihin niya yun at agad na nakaramdam ako ng pananakit ng batok ko nang may pumalo dito.

Nandilim ang buong paligid.

- - -

RAYMOND's

Paikot-ikot lang ako sa buong campus at hindi ko na alam kung nasaan ako. Nakakarinig ako ng mga sigaw ngunit hindi ko masundan kung saan nagmumula ang mga ito. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin nahahanap si Jiro mula nung mawala siya sa paningin ko.

Habang naglalagalag ako sa buong campus ay naisip ko ang lahat ng kasalanan namin sa kanya. Ang bagay na buong taon naming sinikreto sa kanya. Ang bagay na hindi namin sinadya, ang bagay na maaaring makatapos sa pagkakaibigan namin. Pero naisip ko, kung malaman man niya ang lahat ng nagawa namin.. sana maintindihan niya. Sana ay mapatawad niya kami.

Sa paglalakad ko ay napadpad ako ngayon sa harap ng isang building. Papasok na sana ako dito nang muli kong makasalubong si Ace na puro dugo ang kamay at mga damit. Nakakatakot ang aurang bumabalot sa kanya dahil muka na siyang nababaliw sa itsura niya. Ni hindi ko siya makilala kung hindi lang dahil sa buhok niyang hawig ni Anthony.

Gusto kong tumakbo. Gusto ko siyang takasan, ngunit nagtama ang mga mata namin. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay bigla niya akong pinalo ng kung anong matigas na bagay sa likod ko kaya't agad akong natumba. Napahawak ako sa ulo ko at nagulat ako nang may makita akong dugong tumutulo rito. Napagtanto ko na hinampas niya rin ako sa ulo ko. Napahiga na ako sa lupa at bago pa man magdilim ang paningin ko, nakita ko si Mr. Mizaki na bitbit si Jiro.

xxx

The Class 4-A of Seihoudo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon