C4-A #34: Birthday Gift

1K 21 2
  • Dedicated to Sensui Zukuchi
                                    

"The best revenge is to kill your enemy on the day of his birth."

-----------------------------------------------x

SOMEONE's

LUMAPIT AKO SA walang buhay niyang katawan at napangiti. Ang galing, talagang nagagawa niya ng bagay na to.

Si Morthan.

Nakakatuwa talaga ang taong yun, gustong-gustong ipaghiganti ang nangyari sa syota niya. Nakakatawa rin kasi siya ang tipo ng taong hindi mo aakalaing gagawa ng ganitong bagay.. ang pumatay.

Noong una, ang akala ko eh siya yung magiging isang good boy ng klase. Yung magiging leader sa lahat ng bagay. Pero tama nga ang sabi nila.. don't judge the book by its cover. Hahahaha!

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa harap ng bangkay niya. Pagtayo ko ay nakaramdam ako bigla ng inis kaya't nasipa ko nang malakas ang isang braso niya, dahilan para tumalsik ang kamay nito. Kagabi kasi, pagkatapos siyang tuluyan ni Ace ay pinaglaruan niya pa ito. Tuwang-tuwa pa ang gago sa pagchopchop sa ilang bahagi ng katawan nito.

Napatingin ako sa tumalsik na kamay sa isang sulok saka ngumisi.

"Ayan ang mga nababagay sa iyo. Sa inyo. Dapat rin kayong mamatay tulad ng ginawa ninyo sa klase ko. Mamamatay din kayong lahat! Mamamatay kayo!"

Dahil sa sobrang galit ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at madali kong kinuha ang pahabang bakal sa isang sulok malapit sakin. Sinimulan kong pagbuntunan ng galit ang wala nang buhay niyang katawan. Sinasaksak ko nang paulit-ulit ang hita niya na nagba-violet na sa pagka-ubos ng dugo. Hindi ako tumitigil. Galit na galit ako sa ginawa nila. PARA 'TO SA KANILA!

Ang mga taong yun.. mga walang ibang ginawa kundi magpabida. Walang ibang alam kundi magpaka-anghel sa buong campus. Walang mga puso. Walang mga kasing sama! Mga demonyo sila na nagpapanggap.

Ilang buwan akong nalungkot dahil sa ginawa nila. Dahil sa pagkawala ng mga mahal ko. Malapit na eh, ilang buwan na lang sana ay makakamit na nila ang mga inaasam nila. Kung hindi lang dahil sa walang hiyang samahan na yan! Kung hindi sana sila gumawa ng nakakagagong kalokohan, wala sanang nangyari! Hindi sana sila nawala!

"Oh, boss. Nag-eemo ka na naman diyan?"

Napatigil ako sa pagsaksak ko sa walang buhay niyang katawan nang marinig ko si Ace na pumasok sa kwartong ito. Napatingin ako sa kanya saka pinunasan ang mga namumuong luha sa mata ko.

"Anong balita?" tanong ko na parang walang nangyari.

Napangiti siya bigla. "Nangyari, boss? Wala pa naman. Pero baka bukas, meron na."

Napangiti ako sa sinabi niya. Tumayo ako at pinagtulungan naming buhatin ang katawan niya paakyat sa classroom namin. Malalim na ang gabi kaya't wala na ang mga tanga dito, panigurado'y nag-uwian na ang mga iyon.

Nang naitapon na namin sa loob ng classroom ang bangkay ay ni-locked na namin ito.

"Tawagan mo na siya," utos ko kay Ace. Kinuha naman niya ang cellphone niya sa bulsa niya at ginawa ang inutos ko.

"Okay na, boss," sabi niya sabay ngisi. Napangiti naman ako.

Good luck sa panibagong pagsubok, Class 4-A.

- - -

JUSTIN's

Simula kaninang umaga paggising ko, hindi pa rin nalalagyan ng ngiti ang muka ko. Bukod kasi sa paggising ko na wala si Ely, ay alam kong alam na ng lahat ang nangyayari. Simula sa pagkamatay ni Cindie hanggang sa sabay sabay na pagkamatay ng iba kagabi.

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now