C4-A #20: Welcome to Hell, Bernice!

1.3K 31 1
                                    

“Never trust every angel. Even they were once a devil. Not everyone who talks tells the truth.”

------------------------------------------------x

SHY’s

“BERNICE?”

NANLAKI ANG MGA mata ko sa taong nakatayo sa mismong harap namin. Narinig ko ang pagbagsak ng katawan ni Abby sa lupa na ngayo’y nakabalot sa itim na sako ng basurahan. Alam kong nagulat din ang iba. Napairap ako nang makita ko siyang muli, ang babaeng iyon. Ano bang ginagawa niya rito? Bakit siya muli pang nagpakita sa akin, sa buong klase? Hindi niya ba alam ang maaari naming gawin sa kanya? Isa nga talaga siyang bobo, walang alam.

“Hello guys…” sambit niya kasabay ang pagguhit ng isang ngiti sa kanyang mga labi. Isang ngiti na makikita mong matamis, ngunit alam kong isang kasinungalingan ang ngiting iyon. May halong kakaiba. Kasinungalingan.

“Bernice? Anong ginagawa mo dito?”  madiin na tanong ni Jhem sa kanya.

Tila nanliit si Bernice sa kinatatayuan niya dahil sa ginawa ni Jhem. Bakas sa mukha niya ang pagkatakot ngunit agad na nagbago ang ekspresyon niya. Na inaasahan ko nang mangyayari.

“Pakialam mo? Hindi ikaw ang pinunta ko dito kaya’t wag kang umarte na parang may pakialam ka sakin.” mataray na sabi niya dito saka umirap. Magaling siya.

“Bobo ka rin no? Tss. Isa ka ring feelingera eh. Anong akala mo? May pakialam ako sayo? HAHAHAHAHAHAHA. Nakakatawa ka.” tumawa nang malakas si Jhem. Agad naman itong sinundan ng mga tawanan ng iba pa naming kaklase.

Napatingin ako kay Bernice na ngayo’y nakabusangot na ang mukha. Narinig ko rin ang pagbulong niya sa salitang ‘bitch’ kahit na lumalakas ang tawanan. Napangiti ako sa bagay na ginawa niyang iyon. Nararamdaman kong magiging Masaya ang mga susunod na araw na ito, ngayong nagbalik na siya. Ang taong nagsimulang sumira sa klase.

“Jiro..”

 

Biglang nagsipagtahimik ang lahat at napatingin kay Bernice. Si Jiro.. anong sinabi niya? Ang kapal ng mukha niya para banggitin ang pangalan ng kaibigan ko.

Napatingin ako kay Jiro at nakita kong napayuko siya. Alam ko kung anong nararamdaman niya. Kalungkutan. Alam kong hindi pa niya nakakalimutan ang lahat ng nangyaring iyon. Ramdam ko sa bawat pagbuntong-hininga niya. Agad kong hinawakan ng kamay niya at napatingin naman siya sa akin kasabay din ng pagtingin ni Katherine.

“Ayos lang iyan..”  bulong ko sa kanya. Tumingin naman siya at saka ngumiti. Sinuklay niya ng kamay niya ang kanyang buhok at inayos ang uniform nito na tila ba parang walang nangyayaring kakaiba ngayon. Iniangat niya ang ulo niya at diretsong nakatingin lang sa babaeng nasa harap niya.

Tahimik lang ang klase. Para bang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Jiro. Alam kong alam nila ang lahat ng nangyari. Halos nababasa ko ang lahat ng iniisip nila. Ang nakaraan. Ang  panloloko. Ang paglalaro.

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now