C4-A #31: Bloody Night

1K 22 3
                                    

"Blood is really warm. It's like drinking hot chocolate but with more screaming." 

----------------------------------------------x

JIRO's

NAGKAGULO SA BUONG classroom dahil sa pagkamatay ng mga ilaw. Pero gulong-gulo ang isip ko dahil sa nakita ng dalawang mata ko. Si Ely. . . anong ginawa niya kay Raffy?

Puno ng dugo ang kanyang kamay. Halos wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Nagtititgan lamang ang lahat kahit na halos wala kaming makita. Tanging maliit na liwanag lang ang ibinibigay ng cellphone na hawak ni Ashley.

"A-anong ginawa mo kay R-raffy?" takot na takot na tanong ni Justin sa kaibigan niya. Nagtatakang binigyan naman nito ng tingin si Justin at gulong-gulo na tiningnan ang mga kamay niya.

"Hindi. Hindi ko ginawa ang bagay na iyan?" pailing-iling niyang sabi. "Wala akong kasalanan—" biglang naputol ang kanyang sinasabi nang biglang nanlaki ang mga mata nito't napatingala saka sumuka ng dugo. At laking gulat naming lahat nang bumagsak ang katawan nito at makita si Chris na nakatayo sa likod niya na may hawak na isang kutsilyo. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa aming lahat at kumislap ang hawak nito.

"Para sa mga kaibigan ko. . ."

Muling nagsigawan ang lahat at nagkakagulo. Tumakbo ang ilan sa pintuan at pilit na binubuksan ito ngunit hindi nila magawa. Ang ilan ay nagsasama-sama sa isang sulok at umiiyak. Nagwawala si Chris at iwinawagayway ang kutsilyong hawak niya na hindi niya alam kung may matatamaan ba siya o wala.

"Tumigil ka na Chris!" sigaw ng isa.

"Chris! Maawa ka! Wag mong gawin iyan!"

"PARA ITO SA MGA KAIBIGAN KO!! PINATAY NIYO SILA! PINATAY NIYO SILA! AAAAARRRRRGGGGGGHHHHH! MAMATAY NA KAYONG LAHAT! MAMAMATAY KAYOOOOOOOO!"

Sa bawat oras na pagsigaw niya ay hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Si Chris? Siya ba ang isa sa kanila?

"Lumapit kayo sa akin! Wag kayong magtago! Papatayin ko kayo! Nandito lang siya sa loob at uunahan ko siya sa lahat ng gagawin niya." itinutok siya sa amin ang kutsilyong hawak niya at nagulat kami nang hawak niya na si Bee. Yakap niya ito habang nakaharap sa amin si Bee at nakalapat ang matalas na bahagi ng kutsilyo sa leeg nito.

"T-teka. . . Chris, ano bang gagawin mo? Baliw ka na ba" nanginginig na tanong ni Justin.

"Ano pa ba sa tingin mo?" marahas na sagot niya dito.

"Pare, wag mo nang ituloy iyan! Pare, tama na." pagpigil dito ni Carlo. "Wag mo nang ulitin ang nakaraang nagawa mo, natin!! Pakiusap, tama na!"

Halos maputol ang lahat ng ugat ni Carlo sa kanyang leeg dahil sa kanyang pagsigaw upang mapigilan ang gagawin ng kaibigan. Napatigil sandali si Chris dahil doon. Akala naming lahat ay matitigil na ang lahat ngunit laking gulat namin nang sumigaw ito nang sobrang pagkalakas-lakas at tuluyang idiniin ang kutsilyo sa leeg ni Bee. Nanlalaki ang mata ng lahat at nang bumagsak sa sahig ang katawan nito ay muling napuno ng sigawan ang classroom.

Hindi na namin alam ang gagawin. Maging ako ay nakatayo lamang. Pinaanood kung paano magpatayan ang lahat. Dahil.. paano? Ano ba ang dapat kong gawin?

Narinig ko ang kalansing ng kutsilyo sa sahig nang bitawan ito ni Chris. Napayuko siya at sa hindi namin inaasahan ay bigla itong humagulhol. Kitang-kita namin kung paano masinagan ng liwanag ng buwan ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng luha mula sa mga mata nito. Nanghina ito at bigla na lamang napaupo sa sahig.

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now