C4-A #36: Their Sin

996 22 1
                                    

"Hate the sin, love the sinner." -Mahatma Gandhi

------------------------------------------------x

MARIEL's

NAMAMANHID ANG MGA kamay ko, hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ngayon ko lang narealized na nakaupo ako sa isang upuan. Nakatali ang dalawa kong kamay sa likod ng upuan, maging ang dalawa kong paa ay nakatali din sa paa nitong inuupuan ko. Naramdaman ko rin ang sakit sa kaliwang balikat ko at napansing may sugat pala ako. Nanlalabo pa ang paningin ko nang ilibot ko sa paligid. Napakadilim. Wala akong makita bukod sa maliit na liwanag na pumapasok sa nakabukas nang kaunti na pinto.

Nang maalala ko ang huling nangyari sa classroom ay nakaramdam ako ng kaba at takot. Tila pinapalangin ko na lang na sana ay hindi na ako nagising.

"Tanga ka, Jiro! Alam ko sa sarili ko na alam niyo rin na may ginawa rin ang grupo mo. . . isang kasalanan."

Napaupo ako sa tabi ng bangkay ni Bernice nang lumakas ang boses ni Katherine pagkasigaw niya ng mga salitang iyon.

Ang grupo ni Jiro? Si Precious, Ashley, Remo, Raymond, Shy, at si Katherine. Ano'ng ginawa nila? May pinatay din ba silang kaklase namin? Pero sino? 4 lang ang nabalitang namatay noong isang taon, at alam kong sila lang ang kaklase namin.

Napansin ko ang di mapakaling si Shy na pilit inaayos ang sarili niya sa pagkakatayo. Sabi na nga ba eh, simula pa lang na mangyari ang lahat. . . may tinatago na sila. At pakiramdam ko ay may kinalaman sila sa lahat ng nangyayari dahil ngayon, grupo na lang nila ang kumpleto sa klaseng ito.

"May kinalaman sila Jiro sa mga nangyayari. . ."

Naalala ko ang sinabi ni Anthony noong bago pa namin siya layuan. Sinabi niya sa akin ang mga linyang iyon, ngunit naguluhan ako. Nakakuha rin daw siya ng ilang ebidensya na nagpapatunay na may kinalaman ang pito sa nangyayari. Pero. . . ano-ano ang mga iyon?

Nagulat si Jiro sa sinabi ni Katherine, ngunit parang hindi siya makapaniwala. Parang hindi niya alam ang sinasabi ng kaibigan niya.

Tinitigan ko lamang siya. Napansin kong napatingin siya sa sahig malapit sa pinto at biglang nanlaki ang mga mata niya. Napatingin din ako dito at parang biglang napatalon ang puso ko sa kaba. Napatayo ako. . . at biglang napuno ng usok ang buong classroom.

"Ano 'to?! Ano'ng nangyayari?!" narinig kong sigaw ni Ivan.

"Teka! 'Wag na 'wag niyong sisinghutin ang usok na iyan!! Mawawalan kayo ng—" hindi na natapos ni Raymond ang sinasabi niya nang bigla akong nakarinig ng pagbagsak ng isang katawan sa sahig. Dahilan para mapasigaw ako. Narinig ko rin ang sigaw ni Yanna na 'di kalayuan sa'kin pero nakarinig ako ng sunod-sunod na kalabog sa sahig.

T-t-teka. . .

"G-guys?" sabi ko nang nanginginig pa rin at nakatakip sa ilong ko.

Walang sumasagot. Ibig sabihin ba nito. . . a-a-ako na lang ang m-mag-isa dito?

Tatakbo na sana ako sa pinto ngunit wala akong makita. Nang bigla akong makakita ng isang pigura ng tao na nakatayo sa 'di kalayuan sa'kin. Tila nakatingin ito sa'kin.

The Class 4-A of Seihoudo HighUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum