C4-A #44: Deadly Pact

871 18 0
                                    

"Today, I am wearing my favorite white dress. I am walking down the aisle, seeing him standing and waiting for me. But then, he, my fear, suddenly appeared with a knife, and killed him. Then I found myself running away." —Camille Castellano

--------------------------------------------x

JIRO's

KANINA PA AKO naglalakad nang nanglalakad sa buong building na to at hindi ko mahanap si Raymond. May bigla kasing humila sa akin at hindi ko kilala kung sino, bigla niya akong pinunta sa lugar na to at iniwan na lang basta. Di ko nga alam kung bakit eh. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon, may dahilan siya kung bakit niya ko dinala dito.

Naglalakad-lakad lang ako sa hallway ng building na 'to at bawat room na madadaanan ko ay sinusubukan kong buksan ngunit halos lahat ay sarado.. maliban sa isa. Napatingin ako sa taas ng pintuan nito at binasa ang nakasulat sa taas.

"Room 306."

Mabasa ko pa lamang ay agad na nakaramdam ako ng kaba, dahil sa buong pagkakaalam ko ay isa itong kwarto na hinding-hindi binubuksan ng kung sino sa school na 'to. Sinasabi nila na nakakakilabot ang nasa loob nito dahil sa mga bangkay na nandito. Marami na'ng dugo ang natuyo dito, at malamang ay masangsang ang amoy na ilalabas nito oras na mabuksan.

Nang mapihit ko yung doorknob ng isang kwarto ay agad na pumasok ako dito. Nagtaka ako dahil wala naman akong naamoy na kakaiba. Pero.. malakas ang kutob ko na may kailangan akong malaman ngayon. Marami na ang nangyari, marami na ang namatay. May nadamay na, at maaaring may mawawala pa rin ngayon kahit na ano'ng mangyari.. kahit na mamatay si Mr. Mizaki.

Pumasok ako sa kwarto. Napakadilim, ngunit may kaunting liwanag na sa loob dahil sa mga kaunting nakabukas na mga bintana. Naglakad-lakad ako sa loob ng kwarto at agad nakakita mg switch ng ilaw kaya pinindot ko ito. Nagkailaw sa buong kwarto.

Bumungad sa akin ang mga lamesa at silya, ilang mga gamit ng estudyante, mga libro, itim na cabinet at mga gamit na maaaring pumutol ng isang buhay tulad ng mga patalim na iba't iba ang laki. May mga nakakalat ding mga papel sa sahig at ilang mga syringe na hindi ko alam kung para saan.

Bakit may mga ganito dito? Bakit ganito ang nasa loob ng kwartong ito? Akala ko ba..

Isang kasinungalingan.

Naglibot ako sa buong kwarto at pinulot ang lahat ng papel na nasa sahig. Inilagay ko ang lahat sa lamesa, at naupo ako sa isa sa mga silya.

"My mission is to cut the life of Vanezza Genoria. I will kill her as a promise in this pact. I, Yanna Escote, the black flower of the pact, is signing," halos manlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakasulat sa isang papel na nasa ibabaw. Hindi ko maintindihan, pero malakas ang kutob ko na may kinalaman 'to sa lahat ng nangyayari. Si Vanezza Genoria, kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa dating Class 4-A na namatay at sa binasa ko, sigurado akong si Yanna ang pumatay sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ang lahat ng ito?

"Hades Dela Fuente, Jayson Jeroñes. I will kill them as a part of my mission. I, Chris Sentai, the black mask of this pact, is signing," Mission? Pact? Isang samahan? Isang samahan na may misyong pumatay. Hindi ko pa rin lubos maisip ang lahat ng nababasa ko. Sinimulan kong isa-isahin ang lahat ng papel na nakakalat kanina lamang, at bawat isang papel ay may lagda ng mga kaklase ko. Bawat isa sa kanila ay may misyon—misyon na makapatay ng tao. At kung hindi ako nagkakamali ay lahat ng taong balak nilang patayin ay isa sa klase ng dating seniors namin, ang Class 4-A.

At bawat isa ay matagumpay na nagawa, bukod sa isang natira.. si Ace—na dapat pinatay ni Justin. Napagduktong-duktong ko na ang lahat  Ngayon alam ko na.. alam ko na ang dahilan ni Mr. Mizaki sa lahat ng ito. Alam ko na ang gustong makuha nilang dalawa—hustisya. Hustisya para sa isang klase ng estudyanteng namatay, na kagagawan ng ilan sa klase namin.

Kinuha ko ang lahat ng papel na nasa harap ko at tumayo na. Pumunta sa harap ng itim na cabinet. Isa-isa kong binuksan ang mga drawers nito at naghalughog ng mga bagay na maaaring may kinalaman dito. At tama nga ako, nakakuha ako ng isang litrato. Litrato ng ilan kong mga kaklase na may hawak na mga itim na rosas, bawat isa may hawak ding blade sa kabilang kamay na sinusugatan ang hintuturo nila. Ang ilan sa kanila ay pinapatulo sa itim na rosas ang kanilang dugo.

Nanlumo ako sa mga nakikita ko. Nagulat. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't napaatras ako. Napaupo sa harap ng itim na cabinet.

Sa mga oras na nasayang, iniisip ko na walang kasalanan ang lahat. Na walang kagagawan ang lahat sa nangyayaring patayan. Na inosente ang lahat. Oo nga't lumabas ang mga sikretong itinatago ng bawat isa, lumabas ang mga krimen na nangyari. Ngunit alam kong hindi iyon sapat na dahilan para mangyari ang lahat, at ito.. nalaman namin na si Mr. Mizaki ang may pakana ng lahat. Sa oras na ito, nalaman kong may kinalaman pala talaga kaming lahat. Tama, KAMI. Hindi man ako kasama at ang mga kaibigan ko sa samahang ito, damay na rin kami sa gulong pinasok nilang ito. Dahil kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Damay-damay na.

Isa lang ang kailangan kong gawin ngayon, kailangan ko silang balikan. Kailangan nilang malaman ang lahat.

Tatayo na sana ako nang mahagip ng paningin ko ang isang drawer sa baba mg cabinet. May nakaipit na papel dito kaya't kinuha ko ito at binasa.

"Morthan.." at sa likod nito ay ang listahan ng mga kaklase kong kasali sa pact at katapat nito ay ang mga pangalan ng seniors namin na pinatay nila.

Dali-dali ko itong inilagay sa bulsa ko at lumabas ng kwarto.

- - -

MILLE's

Natatakot ako. Natatakot akong makita siya. Natatakot akong malaman niya ang lahat, dahil alam kong papatayin niya ko. Isa siya sa kanila.

"Paano na tayo makakalabas dito?" tanong ko. "Gusto ko nang tumakas. Gusto ko nang makaalis dito!"

Napatingin silang lahat sakin. Hindi ko na kailangan pang itago ang gusto kong mangyari ngayon, hindi ako pwedeng maging mahina. Kailangan din nilang malaman ang nakita ko kanina.

"Tumakas na tayo, hindi tayo nila pwedeng abutan dito. Si Mr. Mizaki, si Ace, at si Jiro," sabi ko nang walang pag-aalinlangan. Nagulat sila. Alam kong hindi sila makapaniwala dahil maging ako, hindi rin makapaniwala nung una. Pero naisip ko.. sa lahat ng lumabas na sikreto, siya lang ang wala. Siya lang ang inosente. "Kailangan niyong maniwala."

"Stop making stories, Mille! Una, niloko mo siya, tapos ngayon, sisiraan mo naman siya sa amin. Pano ka nakakasiguro na kasabwat siya?" nagtama ang paningin namin ni Shy. Kung nakakamatay lang ang titig, siguro'y kasama ko na ngayon si Aldrin.

"Nakita ko siya kaninang inihagis niya ang mga bagay na naging dahilan ng pagkakaroon ng usok dito. Siya ang sinasabi nilang ikatlong kamatayan," matapang na saad ko.

Napalapit sa akin si Remo. "Teka, teka. Hindi naman ata tama 'yan, Mille. Paano ka namin papaniwalaan kung ngayong alam na namin ang ginawa mong kasinungalingan sa lahat. Nawala na ang tiwalang binigay namin sa'yo kaya't paano ka namin paniniwalaan?"

"Tama si Remo. Nagawa mo kaming mapaniwala, kaya't hindi na namin pwedeng hayaan na mangyari ulit yun. Sinungaling ka, Mille," saad naman ni Ashley.

Natawa naman ako. "Mga tanga kasi kayong lahat. Kung ayaw niyong maniwala, okay. Bahala kayo, basta ako, gagawa na ako ng paraan," umalis ako sa harap nila at nag-ikot sa buong gym.

Kailangan kong makahanap ng malulusutan. Hindi naman na nila ako pinansin. Pumunta ako sa pinto at pinagtutulak ito, hinubad ko rin ang sapatos ko at pinagpupukpok ito.

At habang ginagawa ko iyon ay may biglang kumalabog ng pinto na galing sa labas kaya't nagulat ako. Napatigil at napaatras ako. Napansin ko ring napatingin sa kinalalagyan ko sila Shy, at nagulat ako sa sumigaw galing sa labas. Huminto ng isang tibok ang puso ko nang marinig ko ang boses ng taong kinakatakutan ko.

"May tao pa ba diyan?! Sumagot kayo.."

Si Jiro.

xxx

Author's Epal Note.

Yo. Sorry sa matagal na update. Prelims na namin eh, at alam na.. masyadong busy. Hehehe. Malapit na ang katapusan, please support at kapit lang.

~wattyfandude

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now