C4-A #41: Flower's Fall

932 19 3
                                    

"Sinner or saint. All of us did a mistake. If only those memories are sweet, then I will do it paint. But hell no it's not. That's why I paint it with blood."

---------------------------------------------x

RAYMOND's

NAGULAT NA LAMANG ako nang makaamoy ako ng kakaibang amoy. Napuno ng usok ang buong paligid. Nandilim ang paningin ko ngunit pinilit kong lumaban sa antok na muli kong naramdaman tulad ng nangyari kaninang umaga. Inisip ko, hindi na 'ko dapat maging mahina. Kailangan kong makaligtas.

Ubo nang ubo ang lahat habang hinang-hina na, samantalang ako ay nanliliit ang mata at nakatakip sa ilong ko ang uniform na hinubad ko. Lakad ako nang lakad at naghahanap ng kahit anong pwedeng makatulong.

Napadpad ako sa pinto. Ngunit bago pa ako makarating dito ay nakakita ako ng isang tao na nagbubukas din nito. Dahan-dahan akong lumapit dito para tulungan siya.

"J-jiro?" sambit ko nang makita ko siya. Nahalata ko ang pagkagulat niya pero agad naman itong naalis at nagsalita na siya.

"Tulungan mo 'kong buksan 'tong pintuan. Kailangan nating makalabas bago pa tayo makatulog dito," sabi niya habang pilit binubuksan ang pinto. Mabilis naman akong lumapit sa kanya at tinulungan siya.

Pilit lang namin itong binubuksan at unti-unti nang sumasakit ang ulo ko dahil sa usok, pero pilit ko lang itong nilalabanan. Hanggang sa tuluyan na naming mabuksan ang pinto ng gym. Sabay kaming napatakbo palabas at napahiga sa lupa. Pareho naming hinahabol ang paghinga namin.

"Makakaligtas na tayo," sabi ko habang nakatingin sa itim na kalangitang walang bituin. Mukhang uulan pa ata. "Kailangan nating tulungan ang iba. Sigurado akong nakatulog lang sila tulad ng nangyari kanina."

Napabuntung-hininga ako. "Jiro. Gusto ko na'ng matapos ito. Gusto ko nang manahimik. Jiro, may kailangan akong ipagtapat," dire-diretsong sabi ko. Hindi ko alam ang sinasabi ko, dahil tuloy tuloy lang ang pagsasalita ko. Siguro, kailangan niya na ring malaman ang totoo.

"Jiro ..."

Nagulat ako nang mapalingon ako sa kinhihigaan niya. Wala na siya at walang yapak man lang niya ang naiwan. Nasaan na 'yun?

Napabangon ako. Nagpalinga-linga sa buong school. Walang katao-tao at sobrang tahimik. Maya-maya ay nakaramdam ako ng pagtulo ng tubig sa muka ko. Naulan na nga. Tumakbo ako sa kabilang building para sumiling kaya lang ...

"Saan ka pupunta?"

Nagulat ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Ace. May hawak siyang palakol at nakatutok na ito sa'kin.

"A-ace!" sigaw ko. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Pinagpapawisan ako at sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. "Wag na wag kang lalapit sa'kin."

Napatawa siya bigla. "Teka? Utos ba 'yon o ano? Pakilinaw nga. Ang narinig ko kasi eh, 'Lumapit ka sakin'. Tama ba?" sabi niya saka siya tumawa na parang nababaliw.

"H-hindi! Lumayo ka! Nababaliw ka na, Ace!" sigaw ko. Unti-unti ako umaatras habang siya naman eh papalapit sakin. Ang atensyon niya ay nasa hawak niyang palakol at hinihimas-himas ito. Nakaisip agad ako ng paraan, habang umaatras ako ay naghahanap ako ng maaaring makatulong sakin. Hanggang sa makakita ako ng mahabang bakal, dahan-dahan ko itong pinulot.

"Hahahahaha!" napatigil ako nang bigla siyang tumawa, pero mabalis ko ding nakuha ang bakal na nasa gilid ko lang. "Hindi ako nababaliw, Raymond! Kailangan ko lang tapusin ang misyon ko kaya ko 'to ginagawa. At ang misyon ko ay ang ipaghiganti ko ang mga kaklase kong pinatay niyo. Mga walang-hiya!"

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now