C4-A #4: Man with a White Mask

1.8K 39 0
                                    

"Tadeul jukeotda.."

------------------------------------------------x

(Click the external link to see the picture.) --->

JIRO's

"Si Chris..." tanging sagot ni Yanna at bigla na lang siyang umiyak muli.

"HA? SI CHRIS?!!" napatayo kaming lahat dahil sa binanggit ni Yanna. Umiyak ulit siya. Tumingin kami kay Chris na kasalukuyang nakatulala pa rin sa malayo sa labas ng bintana.

"P.tang.na pare! Ba't mo ginawa kay Bryan yun? Akala ko ba magkakaibigan tayo?" sigaw ni Carlo kay Chris habang hawak-hawak siya sa kwelyo ng polo nito. Inaawat naman sya ng iba naming kaklase.

Hindi lumilingon si Chris. Sinisigaw-sigawan sya ni Carlo at hinihigpitan ang pagkakahawak nito. Maya-maya rin ay nainis si Chris at tinulak ito. "Ano ba?!! Wala akong alam!! Wala akong kasalanan!"

"Saglit lang, guys. Di nyo ko naiintindihan. Si Chris.. Siya ang nakakaalam ng buong pangyayari. Nakita nya.. Nakita nya ang taong gumawa nun kay Bryan."

Nagtinginan kaming pito sa sinabi ni Yanna.

"Alam daw ni Chris." bulong sakin ni Shy. Tumango naman ako sa kanya. Tiningnan ako ni Remo pati ni Ashley. Sa pamamagitan ng tingin, sinasabi nila sakin na mag-iimbestiga na sila.

Lumapit kaming pito sa harap ni Chris, habang ang iba ay nakapalibot sa'min. Nakatingin ang lahat sa kanya. Nanatili si Yanna sa upuan na kinauupuan nya at nakatulala.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Kathryn, isa sa kaibigan nila Paula.

"Maskara.."

"Maskara?" bulungan namin. Nakatulala pa rin si Chris. Puno ng takot ang mata nya. "Ano'ng meron sa maskara?"

Nang marinig nya yun, humarap sya sa'min at tiningnan kami. Maya-maya rin, nagsimula siyang magsalita.

- - -

CHRIS'

Tumakbo ako mula sa bahay nila Yanna. Nakakuyom ang kamao ko at gusto kong suntukin lahat ng taong nasasalubong ko.

Nang mareceive ko ang text na yun, biglang may kung anong kumirot sa puso ko. Pero inisip ko na may nantitrip lang sa'kin at inisip ko rin na may gustong manira sa'min. Inisip ko na joke lang, pero mali pala.. Totoo ang lahat.

Naiinis ako. Nakakainis silang dalawa. Alam ni Bryan na nililigawan ko si Yanna, at alam nyang mahal na mahal ko sya. Kaibigan ko sya pero ginanto nya ko. Kahit kailan, hindi ko maimagine na kaya nyang gawin ang bagay na yun sakin. Trinaydor nila ko.. silang dalawa ni Yanna. Pinagmuka nilang tanga. Pagbabayaran nila to.

Tumakbo ako nang tumakbo para hanapin si Bryan. Lagot sya sa'kin. Mararamdaman nya ang sakit na nararamdaman ko.

Pumasok ako sa school, saka dumiretso sa gym.

"Bryan.." tawag ko sa kanya mula sa pintuan ng gym. Inaayos nya ang gamit nya. Mukang katatapos lang nilang magpractice.

Itinaas nya ang ulo nya at lumingon sakin. "Oh tol, bakit?"

Ngumiti ako sa kanya. Isang pilit na ngiti. "Wala lang. May hindi ka pala sinasabi sa'kin ah."

"Ah? Ano yun tol? Haha. Wala ah." lumapit siya sa'kin at inakbayan ako.

Sige lang Bryan.. Magkunwari kang walang alam pre. Lagot ka sa'kin.

"Oo nga pala tol. May naiwan ka pang gamit sa taas." pagsisinungaling na sabi ko.

"Sa classroom?"

"Yup."

"Oh tara tol. Kunin natin."

"Sige, una ka na. May gagawin pa ko eh. Susunod na lang ako."

"Okay, okay." tumakbo na sya palabas ng gym.

Humanda sya sa gagawin ko. Kinuha ko ang isang jalousy na nakita ko sa gilid ng gym. Binasag ko ang dulo nito at naglakad papunta sa classroom.

T.ng.na ka Bryan. G.go ka. Humanda kang harapin ang kamatayan. Iaalay ko ang kaluluwa mo sa demonyo.

Umakyat ako ng third floor. Iniisip ang mga susunod na mangyayari. Mamamatay sya.. Mamamatay sya.

Pagdating ko sa hallway ng corridor, napatigil ako.

May lalaki.. Isang lalaking naka-maskara. Maskarang puti ang suot nya. P.tang.na, sino sya?!!

Pupuntahan ko sana sya pero biglang bumukas ang pinto at lumabas si Bryan. Nakita kong parang nag-uusap sila, pero maya-maya ay nagulat ako sa ginawa ng lalaki.

Siniko nya si Bryan sa batok. Dahilan para matumba sya at bumagsak sa sahig.

"Hoy! Sino ka?!!" ibinagsak ko ang bag ko at tumakbo ako papalapit sa kanila. Tumingin sakin ang lalaki, at agad na sinalubong ako. Kinuha nya ang jalousy na hawak ko at tinulak ako sa may bintana. Nauntog ang ulo ko at nagkandabasag-basag ang mga salamin sa bintana ng classroom. Masyado syang malakas. Di ko kinaya. Sandali akong nakatulog.

Pagmulat ng mata ko. Nanlumo ako sa nakita kong ginawa ng lalaki kay Bryan. Ang hawak kong salamin kanina.. pinagsasaksak nya sa katawan ang kaibigan ko.

"Pakshit!" tumayo ako at sinuntok ko sya sa mukha.

Pinagmasdan ko si Bryan na puro dugo ang katawan. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya.

Isang pagkakamali. Di ko dapat inisip ang bagay na yun sa kanya. Ang mamatay sya.. Di ko dapat yun iniisip. Kaibigan ko pa rin sya kahit anong mangyari. Kaibigan ko sya.

Tumingin ako nang masama sa lalaki na nakatayo lang ngayon sa harap ko at naka-crossed arms. Tumayo ako at sinimulan syang bugbugin.

"T.ng.na! Ano'ng ginawa mo sa kaibigan ko?!! Sino ka?!! G.go ka!!"

Papatayin ko sya! Sinuntok ko sya nang sinuntok. Di sya lumalaban. Isa na lang, at mapapatulog ko na ang ungas na to. Pero tinulak nya ko at mabilis na tinutok sa'kin ang basag na salamin.

"Mamamatay.. kayong.. LAHAT!"

Sa pagkakasabi nya nun, nakaramdam ako bigla ng kakaiba. Binalot ng kaba ang pakiramdam ko. Umalis sa harap ang lalaki at naglakad paalis. Napaupo na lang ako at napatulala.

Ano'ng nangyayari? Mamamatay ba talaga kami? Lahat sila? Ang mga kaibigan ko...

- - -

"Sh.t!" pagdabog ulit ni Chris sa desk nya. Saka sinabutan ang sarili at nagsisigaw. "P.tang.na! Ang hina ko!! Sorry Bryan. Sorry tol!! Di kita naligtas sa lalaking yun!! ARRRGHH!"

Pinatigil sya ng mga kaklase ko at sinusubukang pakalmahin. Sa nakikita ko.. Lahat ng kaklase ko, nakakaramdam ng kaba at takot.

Naglakad ako palabas ng classroom at tumayo sa corridor.

Basag ang mga jalousy ng bintana ng classroom namin. Kita pa rin ang bakas ng dugo sa sahig.

"Mamamatay.. kayong.. LAHAT!" napatingin ako kay Katherine na biglang sumulpot sa harap ko. Binabanggit nya ang mga salitang sinabi ng lalaki kay Chris.

"Kilala mo na ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling sya at hinawakan ang bintana. "Maskara.. May maskara syang puti. Sino kaya ang mayroong maskara sa klase?"

"Sa klase? Sino ba sya? Naguguluhan na ko. Lima na ang namamatay. Ano bang nangyayari? Di ko na alam."

Biglang umalis si Katherine sa tabi ko at bumalik sa loob ng classroom. Sumunod naman ako sa kanya at naupo na sa upuan ko.

Lima na ang namamatay  sa klase. Sabi ng iba, lalaki raw ang gumagawa  nito. Matangkad. At may puting maskara. May susunod pa bang clue? May susunod pa bang mangyayari? Kung meron man, sino sa amin ang susunod? Natatakot ako.

xxx

The Class 4-A of Seihoudo HighDär berättelser lever. Upptäck nu