J P A R R K S

996 17 2
                                    

Author's Epal Note.

Special chapter. Ito po ang nangyari before magkaroon ng usok sa classroom habang nag-uusap ang lahat, at ito rin po ang nangyari after nilang lahat na mawalan ng malay.

Enjoy reading!

-----------------------------------------------x

SOMEONE/MR. MIZAKI's

MAGSISIMULA NA ANG tunay na laro ngayong araw na ito.

Kinuha ko ang itim na jacket at maskara na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Sinuot kong pareho ang mga ito at kinuha ko rin ang kutsilyong nasa tabi ng mga ito.

Maaga pa, pero para sa akin, ito ay ang perpektong oras para makumbinsi ko ang pitong mga batang iyon.

"Ihanda mo na 'yang tear gas," saad ko kay Ace. Tumango naman siya at kinuha ang mga ito saka lumabas ng kwarto. Napangiti ako.

Si Ace ang natira sa kanila. Siya lang ang natira sa dating Class 4-A na pinatay ng mga Class 4-A ngayon. Sa 34 na estudyante ko, siya lang ang natira. Pinatay nila ang lahat, pinatay nila ng mga mahal kong estudyante. At ngayon, konti na lang at makukumpleto ko na ang buhay na nawala. Hahaha!

Lumapit ako sa litrato ng dati kong klase na nakadikit sa pader. Katabi nito ay ang litrato ng klase ko ngayon, kinuha ko ang pulang marker at nilagyan ng ekis ang mukha ni Paula.

Malapit ko na silang makumpleto.

Lumabas na ako ng kwartong iyon at pumunta sa classroom ng Class 4-A. Sa likod ako ng mga buildings dumaan dahil baka may makakita sa akin. Alam ko kasing alam na ng lahat ang mga nangyayari dahil sa nangyari kay Jhem at Mhai na siyang sinadya ko para matakot lalo ang Class 4-A. Maingat akong naglalakad ngayon dahil kapag nakita nila ako, malamang ay magtatanong ang mga iyan. Mga walang magawa.

Nakakatuwa nga, dahil ang galing magtago ng Class 4-A. Tunay na may katalinuhang mga taglay, yun nga lang. . . mga tanga. Hindi nila napapansin ang lahat ng kilos ko, at ng traydor sa kanilang klase. Naniniwala sila sa lahat ng sinabi ko; ang pagsusumbong, ang pagtakas, ang pagsisiwalat ng katotohanan, lahat ng iyon ay pinaniwalaan nila. Hahaha! Hindi nila alam na ang lahat ng iyon ay kasinungalingan ko lamang. Mga panakot, na agad naman nilang pinaniwalaan. Mga tanga talaga, dahil sila-sila mismo ang nagpapatayan. Tiwala, sikreto, pagkakaibigan, relasyon, paghihiganti. Lahat ng iyan ay ang mga naging dahilan para maging tanga sila. Binuklat nila ang nakaraan para lang makilala ang tunay na pumapatay— na hindi naman nila napagtagumpayan.

Nang makarating na ako sa lumang building ay maingat akong pumasok sa pinto sa likod nito. Konektado ito sa hagdan sa likod ng building namin paakyat sa classroom. Napatakip ako ng ilong dahil sa masangsang na amoy ng mga bangkay na naririto. Napangiti ako. Maging ang mga ito rin ay alam kong dito nila itinatago. Simula pa lang, napansin ko na ang mga kilos nila, ang mga upuang bakante sa loob ng classroom, ang pagpapalusot nila sa mga lumibang kaklase—na siyang patay na. Alam ko ang lahat. Marami akong alam.

Pagdating ko sa corridor ng third floor ay nakita kong nakatayo si Ace sa nagsosolong kwarto ng Class 4-A. Napansin niya ako kaya napalingon siya sa akin.

"Anong ginagawa nila?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot ngunit binuksan niya nang kaonti ang pinto na sumilip ako doon. Mga nag-uusap pala sila. Binalik ko ang tingin kay Ace at tinanguan siya. Agad naman siyang kumilos at kinuha sa dala niyang bag ang mga tear gas. Binuksan niya nang mas malaki ang pinto at sabay-sabay na inihagis ang mga ito. Napangiti akong muli.

Oras na.

Mula sa kinatatayuan ko dito sa labas ay naririnig ko ang sigawan nila. Mahina man, dahil may pagkasoundproof ang classroom, ay natutuwa ako sa mga takot na sigaw nila. Makalipas ang ilang minuto ay nagsuot ako ng mask at eye gear, binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Kitang-kita ko kung paano sila isa-isang humandusay sa sahig bukod sa dalawang natitirang nakatayo. . . siya at si Mariel na patuloy lang sa pagsigaw.

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now