C4-A #1: Four are Dead

3.1K 51 10
                                    

"Seeing death as the end of life is like seeing the horizon as the end of the ocean."  -David Searls

------------------------------------------------x

JIRO's

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

Napatayo kaming pito sa hagdan nang marinig namin yung tili na nanggagaling sa room namin.

"Sht. Ano na namang nangyari?" yamot na sabi ni Shy, isa sa naging pinakamatalik kong kaibigan simula first year pa lamang ako. Hinawakan ko ang kamay niya sa tumingin sa kanya at sa lima ko pang kaibigan.

"Tara na." sambit ko saka tumakbo kami papasok sa classroom namin.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa pinto, eh nagulantang kaming lahat sa nakita namin.

Si Aldrin..

Nakabulagta ang katawan nya sa gitna ng classroom. Wala na syang buhay at puro dugo ang katawan nya.

"Pano 'to nangyari? Sure akong wala pa 'to kanina nung dumating tayo." sabi ni Precious. Isa sa mga kaibigan ko.

Tiningnan ko si Joyce na umiiyak, kakarating niya lang dito. At sigaw nya yung narinig namin kanina. Unti-unting nagdatingan pa yung mga kaklase namin. At lahat sila nagugulat at nagsisigawan. Lahat ng babae, umiiyak at nasusuka.

"Joyce. Nung dumating ka, ano ang naabutan mo dito?" tanong ni Remo kay Joyce habang hinihimas yung likod nito. Si Remo, isa pa sa mga kaibigan ko.

"W-wala. S-sarado naman yung room at walang katao-tao. Pagkabukas ko ng room... ayan na. Nakita ko syang nakaganyan." sabi ni Joyce.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Chris. Isa siya sa pinakatinitingala sa buong campus dahil siya ang leader ng grupo niya. "Saan natin yan ilalagay?"

"Eh kung sa loob ng malaking basurahan?" sabi ni Ely, ang pinakamakulit sa klase ngunit bakas sa mukha niya ang takot at pag-aalala. 

"Hindi pwede dun. Mangangamoy yan. Eh kung dun sa bodega sa likod nitong building?" sabi naman ni Carlo, isa sa mga kaibigan ni Chris.

"Tama, tama. Dun natin ilagay. Dun tayo dumaan sa backdoor ng building. Anthony, Ivan, Carlo. Tulungan nyo ko, tayo na ang gumawa."

"Guys. Mag-ingat kayo ah. Walang dapat na makaalam nito." sabi ni Chie.

Bago nila balutan ng tela yung katawan ni Aldrin, pinagmasdan ko muna to.

May saksak sya sa magkabilang braso nya. Sira-sira ang uniform nya, at puro dugo. May bakat sya ng parang tali o parang manipis na wire sa leeg nya. Parang sinakal sya gamit ang wire na to. Kung titingnan mo siya nang mabuti ay parang sariwa lang ang mga sugat niya. Panigurado akong kani-kanina lang itong nangyari. Isa siya sa pinakamaagang pumasok sa klase bukod sa aming pito. Sigurado ako.. kanina lang nangyari ang lahat. At hindi man lang namin namalayan.

Pagkatapos nilang balutan ang katawan ni Aldrin, binuhat na nila ito at dinala palabas ng room.

Ka-awa-awa naman sya. Parang kahapon lang, eh masaya pa sya dahil sinagot na sya ng babaeng nililigawan nya. At yung sinabi nya sakin kahapon..


"Jiro, may sasabihin ako sayo. Tungkol to sa mga nangyayari these past few days. Kilala ko ang taong gumagawa nito satin. Di man natin alam, pero galit sya sa'tin. Nakita ko sya bago mawala si Ella. Kilang-kilala natin sya."

"Sigurado ka ba dyan?"

"Oo. Malapit lang sya sa'tin. Malapit na malapit."

Sino kaya ang tinutukoy niya?

"Apat na ang nawawala sa klase natin."

Nakabalik ako sa realidad nang marinig kong nagsalita si Raymond, isa sa mga kaibigan. Nasa tabi ko sya at nakatingin din kila Chris palabas ng classroom.

Tama, apat na ang nawawala. Una, ang class president namin na si Cindie. Nagulat na lang kami nang biglang bumagsak ang katawan nya pagbukas namin ng pinto. Nakitaan namin ang katawan nya ng hiwa sa pulso sa kamay at sa leeg. Katulad ng sakin, bago sya mawala, may sinabi rin sya kay Remo tungkol sa taong pumapatay. Galit na galit ito. Pangalawa ay si Rhod, nakita namin syang patay sa likod ng classroom pagbalik namin galing sa gym. Nagpaalam sya samin nun na malelate sya dahil may kailangan syang tapusin at susunod na lang daw sya sa'min. Pero pagbalik namin, ayun ang nadatnan namin. Bumaha ng dugo sa buong sahig ng classroom. Bago rin sya mamatay, may sinabi sya kay Raymond tungkol sa taong yun. Lalaki sya. Anino ng lalaking matangkad ang nagpakita sa kanya nung gabing nsa room pa sya bago ang araw na nangyari sa kanya. Pangatlo, si Ella. Nawawala siya. Di namin alam kung nasaan sya. Pero may kutob kami na pinatay din sya ng taong yun. 

"Jiro, tingnan mo 'to. Ang headset ni Aldrin. May dugo ang wire nito. Feeling ko, ito yung pinangsakal sa kanya." kinuha ko yung headset na inabot sakin ni Ashley. Isa rin siya sa mga kaibigan ko. Sa mga ginagawa niya, masasabi ko na parang siya ang kumukuha sa lahat ng nagiging ebidensya sa mga nangyayari.

Tama ang hinala. Sinakal nga sya gamit ang wire.

Nilinis na ng mga kaklase namin ang buong classroom bago pa man magsimula ang unang klase. Pagkatapos malinis, naupo na ang lahat sa kanya-kanyang upuan.

"Okay guys. Act normal. Wag nyong ipahalata na may masamang nangyari ah? Sa ngayon, let us keep this as a secret. Walang dapat na makaalam ng bagay na ito. Tandaan niyo ang mga pinanghahawakan natin, ng klase natin." sabi ng class vice-president na si Yanna.

Tumango kaming lahat at inantay na lang ang unang teacher namin sa unang klase.

"Hindi ko alam kung bakit nya to ginagawa. Pero may kutob ako.. na may malaking-malaki syang dahilan para gawin sa'tin 'to." napatingin ako kay Katherine na katabi ko lang. Isa rin siya sa mga kaibigan ko. Tama. Dapat naming malaman kung sino ang taong yun. Kelangan naming malaman ang dahilan nya. Sama-sama naming haharapin ang kamatayan.

xxx

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now