C4-A #14: The Call

1.4K 33 0
                                    

"This time around.. is for the second time of our fear to him."  -Class 4-A

------------------------------------------------x

(the ringtone, on the side.) --> 

JIRO's

SA HINDI MALAMANG dahilan ay biglang nagsisigaw si Jhem na parang may kung anong sumanib sa kanya. Na parang nakakita ng kung ano. Pinipilit syang pakalmahin ng ga kaibigan nya pero patuloy pa rin ito sa pagsasalita.

"Nakakainis! Nakakainis na! Hindi ba kayo natatakot na anytime ay pwede kayong mamatay nang dahil sa taong hindi naman natin kilala?! Hindi nyo man lang ba naisipang magsumbong?! O kaya umalis sa dorm?! Hindi nyo naisipan yun?!" sigaw nito.

Nakatingin lang kami sa kanya, nakatayo at ramdam na ramdam ang takot na kahit anong oras ay baka makasakit sya.

"Jhem.. tama na, please.." maiyak-iyak na pagmamakaawa ni Mhai dito.

"Sorry Mhai. Ayoko na kasi eh. Ayoko na. Ayokong madamay. Di ko na nagugustuhan ang mga nangyayari." sabi nito.

"JHEM!" galit na sigaw ni Paula, dahilan para mapunta ang atensyon sa kanya. "T.nga ka ba?! Sino bang may gusto nito? Sino bang may gusto na mamatayan ng mga kaibigan, ha?! WALANG MAY GUSTO NUN! WALA NI ISA SA ATIN! PARE-PAREHO LANG TAYONG NATATAKOT DITO, kaya wag kang makasarili. Sana isipin mo rin ang nararamdaman namin. Walang iwanan sa ere."

Marahas lang na tumingin si Jhem kay Paula at nagsalitang muli.

"Ayun naman pala eh! Pare-parehong tayong natatakot dito pero bakit parang wala kayong balak na ilabas ang mga nangyayari sa classroom na ito? Pinapatay tayo dito, iniisa-isa nya tayo. Gusto ko pang mabuhay kaya dapat lang na may makaalam na nito sa lalong madaling panahon."

"Teka lang! Hindi ito dapat na malaman ng iba. Kapag nangyari yun, mag-iiba ang tingin ng iba sa atin. Lalayuan nila tayo dahil sa sumpang nangyayari sa klase natin." pagsabat ni Joyce.

Ngumisi si Jhem nang matapos si Joyce sa sinasabi nito. Nagsimula syang ligpitin ang mga gamit nya.

"Ayan ang problema eh! Ang mga tanging bagay na iyan ang mga nasa isip nyo kung bakit nagpapakatanga kayong manatili sa eskwelahan na ito! Palagi nyong iniisip ng ibang tao sa inyo. Hindi nyo man lang ba naisip ang buhay nyo? Uulitin ko, gusto ko pang mabuhay. Kung iniisip nyo na sarili ko lang ang iniisip ko, eh nagkakamali kayo. Gagawin ko to para matigil na ang lahat, para wala nang mawala. Mag-isip nga kayo! Matatalino kayong tao pero hindi nyo naisip ang mga bagay na yun!"

Ipinasan nya sa likod ang bag nya at diretsong tumayo at nakatingin sa aming lahat.

Tama sya. Wala nang mangyayari pa kung magsusumbong na kami. Matitigil na ang lahat at magiging protektado na kami. Wala nang mamamatay at mawawala.

"So, ano na ang plano mo?" tanong ni Mariel dito.

"Gagawin ko ang nararapat na matagal na nating ginawa simula pa lang. Dadaan ako sa dorm natin para kunin ang mga gamit ko at aalis na." sagot ni Jhem. Nagsimula na rin syang maglakad papunta sa pinto nang magsimulang magbulungan ang lahat.

Matagal na nangibabaw ang katahimikan sa apat na sulok ng classroom.

"Jhem. . ." 

Napatigil sa paglalakad si Jhe, nang basagin ni Mhai ang katahimikan.

Nakayuko lang si Mhai habang nanginginig ang balikat at mahinang humahagulgol. Makikita mong may tila crystal ang tumutulo mula sa mga mata nya.

"Jhem.. Bakit ka ganyan? Parang hindi na ikaw ang Jhem na kaibigan ko. Ang Jhem na nakilala ko. Namimiss na kita Jhem. Sabihin mo naman na ikaw pa rin yan. Please naman oh.."

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now