C4-A #23: Secret

1.1K 24 1
                                    

"I think capital punishment works great. Every killer you kill never kills again." -Bill Maher

-----------------------------------------------x

KATHERINE's

NAG-AAWAY-AWAY NA SILA. Ito ang pinakahihintay niya. Ang magsisihan sila. Nakakatawang isipin na halos nababasa ko ang mga galaw at kilos na binibigay niya. Sino nga ba sya? O sila? Sino-sino ba sila? Sikreto. Isang malaking sikreto na itinatago ko. Hindi pa ito ang tamang oras at panahon.

Bakit nga ba napakatanga ng mga tao? Hindi nila napapansin ang taong may kagagawan ng lahat. Hindi nila alam na kasama namin siya, sila. Hindi nila nakikilala kung sino. Madali lang naman sila kilalanin eh. Subukan kaya nilang kumalma at magmasid. Malay natin, makilala nila ako. Na ako pala ang killer dito at nagpapanggap lang ako. Na nagsisinungaling. Mga tanga.

Napakaingay nila, napakagulo dahil wala kaming teacher. Ito ang tunay na anyo nila. Sino sa atin ang makapagsasabi na sa mga mala-anghel na itsura nila ah nagtatago ang mga demonyo? Sino sa atin ang makakaalam kung may napatay na ba sila o wala? Kung nadumihan na ba ang kanilang kamay ng dugo o hindi pa? Tsk tsk tsk. Kaya lang naman kami nagtatago eh dahil sa mga itinuro ng walang kwenta naming adviser. Ang Mizaki na iyon, tss.

Naitago na ang katawan ni Kathy. Nadagdagan na naman ang upuan sa likuran ng classroom. Napakaingay nila, nagsisisihan. Puro daldal. Kinuha ko ang eraser ng blackboard at ibinato sa taong kasalukuyang nagsasalita ngayon. Si Jhem. . . Napatigil siya sa pagsasalita at napatingin sa akin nang natalim. Nagsimulang magtawanan ang lahat.

"Katherine, anong ginawa mo? Nahihibang ka na ba?" bulong sa akin ni Shy. Tumingin lang ako sa kanya ay ngumiti. Ibinalik kong muli ang tingin ko kay Jhem na punong-puno ng chalkdust ang buhok at nananatili pa ring nakatayo.

"Ang ingay mo, para kang batang nakalunok ng isang sili at ngawa nang ngawa." sambit ko.

"Ano bang problema mong babae ka?! Bakit mo ko binato nun?!" galit na galit na tanong niya. Pilit naman siyang pinapakalma ni Mhai. At nakikita ko rin ang iba niya pang mga kaibigan na pinipilit na hindi tumawa.

"Napakadaldal mo kasi. Nakakairita." sabi ko.

"Tama na, Katherine." pigil sa akin ni Shy.

"Anong sinabi mo?! Huwag na huwag kang lalapit sa aking babae ka! Mapapatay kita——" napatigil siya sa pagsigaw niya nang ma-realized niya ang sinabi niya. Napatingin ang lahat at nanlalaki ang mga matang tiningnan si Jhem. Hindi makapaniwala sa narinig nila.

"Kaya mong pumatay?" mapang-asar kong tanong sa kanya. Napangiti ako. Lumabas din ang sikreto mo, sa wakas.

"H-hindi, teka. . . nagkakamali kayo ng narinig niyo." napatakip siya ng kanyang bibig at umiling-iling. Napaupo siya sa upuang nasa likuran niya na tila nanghihina at nagsimulang mangilid ang mga luha sa mata niya.

"P-papatay ka, Jhem?" tanong ni Shy dito na hindi rin makapaniwala sa kanyang narinig.

"Ahm, guys. Wag kayong maniwala sa sinabi ni Jhem. Nabigla lang siya. Wala siyang sinabi. . . hindi ba? Hindi niya sinabi iyon!" saad ni Mhai.

"Hindi! H-hindi! Hindi ko ginawa yun! Ang bagay na iyon, h-hindi ko yun ginawa! Wala akong ginawang gaya nun! Ayoko!" halos parang nababaliw na sigaw ni Jhem. Tumayo siya at tiningnan kaming lahat na parang mga kriminal kami saka siya tumakbo palabas ng room habang nagsisigaw pa rin. Sinundan naman siya ni Mhai.

The Class 4-A of Seihoudo HighDonde viven las historias. Descúbrelo ahora