C4-A #8: Anthony Arcilla

1.6K 35 0
                                    

"I just want to find out who he is. I am not sure if this doubt is right." -Jiro

-----------------------------------------------x

JIRO's

CINDIE, RHOD, ELLA, Aldrin, Marjoy. Lahat sila ay nagsabi ng clue bago sila mamatay. Lahat sila ay pinatay nang dahil sa may alam sila sa taong pumapatay.

Ayaw ng taong yun na malaman namin kung sino sya. Pero bakit si Bryan? Bakit nya inuna si Bryan kung wala rin naman syang alam? Si Chris. Nakita niya ang lahat ng ginawa ng taong yun kay Bryan. Bakit di siya ang isinunod? At ako, si Precious, si Ashley, si Remo, si Raymond, si Katherine, at si Shy. Marahil ay mas marami kaming alam kumpara sa mga nauna, pero bakit di pa kami ang inuna?

Magulo. Magulo ang lahat. Yan ang mga katanungang nabubuo sa utak ko. Lahat ay di pa nasasagot. Lahat ay hinahanapan pa.

"Hello Jiro."

Napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Hi Mille." nginitian ko sya at binalik ang tingin sa buong campus.

Tumabi siya sa'kin at tumingin sa mga estudyanteng nasa open field ng campus.

"Ang swerte nila no?" bigla nyang sabi. Napatingin ako sa kanya dahil nawirduhan ako sa tanong nya.

"Ha, bakit naman?"

"Hm, eh kasi di nila nararanasan ang ganitong mga pangyayari. Mas mabuti siguro kung naging section B na lang ako, o kaya C. Tayo.. Sana section C na lang tayo no? Sana walang namamatay at nagkukulang." malungkot na tono ang bumabalot sa boses nya. Ramdam ko rin ang lungkot nya.

"Wag mo ngang sabihin yan. Kung hindi tayo naging section A, edi hindi naging magkakaibigan ang lahat. Ikaw.. kung di tayo section A, edi sana hindi kita makikilala. Hindi sana kita magugustuhan."

"Ha? Anong sabi mo, Jiro?" gulat na tanong nya, na maski ako ay nagulat din.

"Ah! Wala, wala, wala!" iwinagayway ko ang dalawang kamay ko sa harap at umiling-iling, "W-wala yun. Ano... uhm, wag mo na lang pansinin yung sinabi ko. H-hehehehe." sh.t nakakahiya. Ano ba naman yung sinabi ko?

"Hahaha. Oh sige. Alam mo ba.." hinawakan nya ang pisngi ko at pinisil, "ang cute-cute mo. Pwede ka bang iuwi sa bahay?"

"Ar-ray nemann, Mille.. Mashaakit.."

"Ay! Hahaha. Sorry, sorry. Hehe, peace." sabay bitaw nya sa pisngi ko at nag-peace sign sa kamay.

Hinimas ko ang pisngi ko. Ramdam ko pa rin kasi ang sakit. Ang tigas kasi ng kamay nya eh, parang feeling ko tuloy ay namumula ang pisngi ko.

Napansin nya siguro na wala pa rin akong tigil sa paghimas ng pisngi ko kaya hinawakan nya ang kamay ko. Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

"Sorry, Jiro."

Pagkasabi nya nun, eh bigla akong nagulat sa ginawa nya. Hinalikan nya ang magkabilang pisngi ko. At pakiramdam ko ay sasabog na ko sa kapulahan ng mukha ko.

"Oh ayan, di na ba masakit?" tanong nya. Napatulala lang ako sa kanya, at umiling.

"Haha. Ang cute-cute mo talaga." pagkasabi nya nun ay umalis na sya.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Natulala sa kanya habang naglalakad papunta sa hagdan.

Nako naman oh! Ano bang ginawa nya? Nakakainis. Di ako makagalaw.. Nararamdaman ko pa rin yung-- ano.. yung halik nya. Sa. Pisngi. Ko. Ugh!

The Class 4-A of Seihoudo HighDonde viven las historias. Descúbrelo ahora