PROLOGUE (version 3)

3.6K 62 12
                                    

Prologue

Class 4-A. Special Section.

Itinuturing kaming pinakamasayang klase sa buong Seihoudo High. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Dahil siguro sa sunod-sunod naming pagkapanalo sa iba't ibang kompetisyon, o dahil sa kadahilanang nasa section namin ang mga idolo at hinahangaan sa buong paaralan. Nasa section namin ang pinakamagagaling hindi lang sa academics kundi sa iba't iba pang larangan.

Ang turing samin ng lahat ay mga anghel — mga perpektong nilalang na animo'y nilikha upang hindi makitaan ng kahit na anong dungis at kapangitan.

Ang section namin ang tanging pinahahalagahan ng lahat dahil kung ikukumpara sa iba, kami ang pinakamaayos, kami ang pinakamatino, ngunit ang hindi nila alam. . .

"Ano bang nangyayari sa klase natin? Natatakot na ako!"

May mga kahindik-hindik na eksena ang mga nangyayari sa loob ng aming klase.

"Nawawala siya! Nasaan na siya?"

Isa-isa kaming nababawasan. Isa-isang nawawala.        

"May namatay pang iba nating mga kaklase. Sino ang may may kagagawan nu'n? Sino!"

Isa-isang nagkukulang. Isa-isang naglalaho.

"Natatakot na ko! Sabihin na natin sa iba ang lahat! Ayoko na! Ayoko nang madamay dito! Ayoko pang mamatay!"

At sunud-sunod na namamatay.

"Ayoko na! Papatayin niya tayong lahat!"

Hindi namin alam kung ano ang nangyari o kung ano ang mga naging kasalanan namin para mangyari 'to sa'min. Iniisa-isa nya kami, inuunti-unti. Isang demonyo ang nakikipaglaro sa'min sa larong kanyang nilikha, kung saan mga buhay namin ang nakataya. Gamit ang mga sikretong nakabaon sa nakaraan, hindi niya kami tinitigilan. Hindi niya kami tinatantanan. Hindi niya kami pinapatahimik.

Hindi pwedeng lumabas ang lahat ng nangyayari sa amin sa apat na sulok ng aming classroom. Hindi pwedeng mabunyag ang sikreto. Hindi pwedeng maungkat ang nakaraan. Hindi pwedeng malaman ng ibang tao ang karumal-dumal na nangyayari sa'min.

Dahil sa oras na mangyari 'yun, hindi niya na kami bibitawan.

At ang mas nakakatakot pa. . .

. . . baka isama ka niya sa impyerno.

———

Authordude's Note: Hi! It's been a long time since I ever came here. Hahaha! I miss you guys. Hope you're all doing well and great. I miss writing but I just don't know kung paano magsisimula ulit, but (again) I'll just try editing some stories muna to activate my creative juices. Hope it would help. Wish me luck. Hehe.

Anyways, this prologue is, yeah, another version. Tried rewriting this to make it better. Hope you like it! Ang pogi at ang ganda mo talaga! Hahahahaha. Pogi ko pa rin, anyways.

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now