C4-A #9: Hidden

1.4K 33 0
                                    

We killers are your friends, we are your enemies, we are everywhere. And there will be more of your classmates dead tomorrow, and the day after tomorrow.”

---------------------------------------------x

SOMEONE's


"Eenie meenie minee mo, sino sa inyo ang isusunod ko?" 


Nasa harap ako ng pader ng lugar na pinakamamahal ko kung saan nagagawa ko ang lahat ng mga plano ko sa kanila. 


Nakadikit sa pader ang class picture ng pinakamamahal ng lahat. Ang Class 4-A na walang ginawa kundi magmagaling sa lahat. Mga walang kwentang kaibigan, dapat lang na mamatay. 


Hawak ko ang kutsilyo at pinapantutok ito sa nakakasukang mga mukha nila. Namimili ako kung sino ang isusunod ko sa napakagandang si Marjoy. 


"Eenie.." natusok ang isa, si Abby. 


"Meenie.." si Raffy naman. 


"Minee.." ngayon naman ay si Kathryn. 


"Mo!--- Oops!" aksidente kong natutukan ng kutsilyo ang may pulang ekis na mukha ni Ella. "Bawal ka na.. tanggal ka na sa listahan eh. Ulitin natin. BWAHAHAHA." 


Ipinikit kong muli ang mata ko at nagsimulang mamili. 


"Eenie meenie minee mo, ikaw naman ang isusunod ko!" 


BAM! Nagmulat ako ng mata ko at natuwa ako sa kung saan nakatusok ang matulis na dulo ng kutsilyo. 


Gusto mong malaman kung saan? 


Well, nasa gitna lang naman ito ng dalawang magkaibigan. Dalawang magkaibigang babae. BWAHAHAHAHA. 


Masaya ang mga susunod na mangyayari. Abangan mo.. 

- - -

JIRO's


Panibagong araw. Panibagong araw na malamang ay may mangyayaring masama. 


Tumingin ako sa orasan sa kaliwa ko. 7: 45. 


Takte! Malelate na ko! Nagmadali akong maghanda at pumasok sa school. Kinuha ko ang phone ko at isa-isang binuksan ang mga message na natanggap ko. 


"Kuya, pakibilisan po." sabi ko sa driver. Binasa ko ang mga message at nabasa ko ang mga text nila Shy, mauuna na daw sila dahil antagal ko raw gumising. Ayun, pare-pareho sila ng message. 


Pagdating ko sa harap ng campus ay nagpaalam agad ako kay Kuya at pumasok na loob. 


Nagmadali akong umakyat sa hagdan papuntang 3rd floor kung nasaan ang nag-iisang classroom namin. Dumaan muna ako sa locker ko at bubuksan sana ito kaso hindi ko na tinuloy at nagsimulang tumakbo sa hallway. 


Nang dumating ako sa harap ng pinto ay madali akong kumatok. Walang ingay sa loob, lahat ay tahimik. Ano kayang nangyari? 


"Sorry, I'm late. Pwede na po bang pumasok?" sigaw ko sa harap ng pintuan. 


Matagal na hindi nagbubukas ang pintuan at ni isang ay wala akong naririnig. Wala ring sumagot man lang sa sagot ko kung pwede nang pumasok. 


Si Mr. Mizaki ang guro namin palagi sa unang klase ah. Ba't ayaw nyang buksan ang pinto? 


"Helloooo? Pwede bang pumasok?" sigaw ko ulit.

Naghintay muli ako ng ilang minuto upang may magbukas ng pinto. Pero wala. Walang nagbubukas. 


Hanggang sa kinabahan na ko na baka may kung anong nangyaring masama sa mga kaklase ko sa loob. 


Pinagsusuntok ko ang pinto upang masira ito at makapasok ako. 


"Papasukin nyo ko!!" pagsisisigaw ko. Tuloy pa rin ang pagsuntok ko sa pinto hanggang sa napagod din ako at napaupo. 

Maya-maya rin ay kusang nagbukas ang pinto. Napatayo ako sa harap at nagulantang sa mga nakita ko. Puro dugo.. 

Precious.. 
Ashley.. 
Remo.. 
Raymond.. 
Katherine.. 
Shy.. 

Nakasabit sila kisame at maraming dugo ang tumutulo mula sa katawan nila. Ano to?!! 


Napatingin ako sa mga upuan kung saan tabi-tabing nakaupo sina Anthony, Ivan, Justin, Raffy, Carlo, at Ely na nakatali doon. Mga wala na silang malay. 


Sa sahig naman ay ang mga natitirang mga babae kong kaklase na punit-punit ang mga uniform at puro walang buhay. Maraming dugo ang dumadanak sa sahig. 


Napatingin ako sa likod na parte ng classroom. Nandun ang anim na upuan na pagmamay-ari ng mga namatay naming kaklase, ang mga upuan nila na inilagay namin. Nakapatong dun ang mga ulo nila Cindie, Aldrin, Ella, Marjoy, Bryan, at Rhod. 


Halos masuka ako sa nakita ko, lalo na kay Mr. Mizaki na pira-piraso ang katawan sa ibabaw ng mesa. Tumutulo ang dugo mula rito. 


Pumasok ako sa classroom at walang ginawa kundi umiyak. 


Napakasama ng taong yun. Napakasama nya. Demonyo sya. Anong ginawa nya sa mga kaibigan ko?!! 


Napatingin ako sa pinto. Bigla itong nagsarado at nakita ang isang lalaking nakamaskara na nakatayo. Naka-crossed arms sya, at humahalakhak nang napasama. 


"Kamusta Jiro? Ayos ba? BWAHAHAHA." 


Tumayo ako at tumakbo papalapit sa kanya. Sinimulan kong suntukin ang muka nya. 


"Napakasama mo!! Wala kang puso! Dapat ka sa impyerno!!" 


"Jiro!" 


"Jiro!" 

"Jiro!" 

"JIRO!!" 

Nahulog ako sa upuan kung saan ako nakaupo nang marinig ko ang malakas na sigaw sakin ni Paula. 


"Anong.. nangyayari?" tanong ko sa mga kaklase kong nakatingin sakin at nakapalibot. 


"Nananaginip ka pare." 


Napatingala ulit ako at tumingin sa mga mukha ng mga kaklase ko. Lahat ata sila nagtataka kung bakit ako sumisigaw.

Panaginip? Panaginip ang lahat. Pero bakit parang.. Parang totoo?

xxx

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now