C4-A #19: The One Who First Leave

1.4K 27 2
                                    

"Today, I remember you. The things that you did. How you make my life miserable. All before. I'll never forget it. You'll regret it. I always remember your laughs and how it turns to screams. The things I always remember the details of how would be your death is."

---------------------------------------------x


CINDIE's

MASAYA ANG LAHAT dahil sa muling pagkikita ng buong klase. Hindi namin inakala na buo pa rin kami hanggang ngayon.. kahit na may isa sa amin ang nawala dahil hindi siya nakapasa sa exam last year. Nakakalungkot isipin ang bagay na iyon, ngunit para sa klase, isang malaking kasiyahan ang nangyari. Alam kong gusto niyong malaman kung sino siya.. ngunit mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa banggitin ang pangalan niya. Wala akong pakialam sa kanya. Walang pakialam ang klase sa kanya. Marami ang nagawa niya para sa klase, maraming problema. Siya ang dahilan ng alitan. Mga alitan na nagpabago sa tingin nila sa amin.

Ang mga nakaraang ginawa niya.. dapat nang kalimutan. Kailangang ibaon sa limot kasama siya. Kailangang makalimutan ng buong campus ang mga nangyari noong nakaraang taon. Wala nang dapat makaalala.

"Cindie.."

Muli akong nakabalik sa realidad nang marinig ko ang boses ng bago naming adviser, si Mr. Mizaki. Ilang beses kong ikinurap ang mga mata ko dahil sa gulat. Ni hindi ko man lang naintindihan ang halos lahat ng sinabi niya.

"Naintindihan mo ba ang lahat ng sinabi ko?" tanong niya nang seryoso ngunit makikita mong may halong pagkamaloko dahil sa ngiti niya.

"Aaaa~ O-opo. Oo naman, sir." sagot ko. Alam ko sa sarili ko na wala naman talaga akong na-gets, pero.. hayaan mo na. Muli kong inilibot ang paningin ko sa maliit na kwarto na ito. Isang oras na lang pala at malapit na ang pagtunog ng bell na hudyat ng uwian. Ngayon ko lang din napansin na nandirito pa rin pala ako sa cubicle niya kasama ang iba ko pang kaklase na napili raw niyang magiging 'Students' Council A'. Bakit may A? Kasi section A kami. Bawat section ay may ganito.

"Tulad ng sinabi ko.. kayo ang napili ko para hawakan ang section o ang klase kapag wala ako. Ikaw Cindie, ikaw ang napili kong maging presidente ng klase." napalingon naman ako kay Sir nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Po? Bakit naman po ako?"

"Napag-alaman ko kasi nung isang taon na magaling ka raw humandle ng isang bagay. Magaling kang maging leader. Totoo naman iyon, diba?" mapang-asar niyang tanong.

"Opo Sir! Magaling po yan si Cindie!" isa pang mapang-asar na gatong at sigaw ni Aldrin.

Tiningnan ko naman siya nang masama kaya't nanahimik siya bigla na naging dahilan ng malakas na pagtawa ni Sir.

"See? Sa 'tingin' mo pa lang, tumatahimik na agad." sabi pa niya. "Ikaw naman, Yanna, ikaw ang vice-president. Si Mhai ang list holder, or taga-check ng attendance-- ow! Speaking of attendance.. pakisabi na lang sa klase na bawal ang magkaroon ng kahit isang absent ah. Dahil ang magkaroon ng kahit isang absent ay may parusa."

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now