C4-A #47: Last Piece of the Pact

911 20 0
                                    

"All those who try to unveil the mysteries always have tragic lives. At the end, they are always punished." —Anaïs Nin

---------------------------------------------x

KATHERINE's

NAGKAMALI NA NAMAN ako. Mali na naman ang naging desisyon ko. Kahit na anong gawin ko, mali ang palaging nagiging resulta. Sinabi ko na dapat sa kanila sa simula pa lang, pero ano ang ginawa ko? Inilihim ko pa rin sa kanila ang totoong katauhan ni Jiro. Na siya at si Morthan, ay iisa.

"Gising ka na pala, Jiro," mapang-asar na sabi ni Mizaki habang madiin na nakahawaka sa nakagapos na si Mille.

Marahas lamang na nakatitig sa kanya si Jiro. Hindi ito nagrereact lamang o nagsasalita. Tanging titig lamang ang ibinibigay nito sa taong nasa harapan ng lugar na ito.

"Tigilan mo na 'to!" sigaw ni Shy habang patuloy ang pagtulo ng mga luha niya. "Ni hindi namin alam ang dahilan mo para gawin mo ang lahat ng ito, wala kaming kinalaman sa'yo!"

"Manahimik ka! Oo, wala nga kayong kinalaman dito. Pero siya! at ang iba niyong kaklase, meron! Kung di dahil sa walang kwentang samahan nila, hindi sana ako naghihirap ngayon! Hindi sana ako nangungulila sa kanila," galit na galit na sigaw ni Mizaki habang sinasakal si Mille. Panay lang naman ang pag-ungol nito dahil sa pagkakaramdam ng sakit.

"Paano nangyari yon?! Hindi ba't alam nating lahat na may sumpa ang section A? Lahat ng estudyanteng nakakapasok dito ay hindi nakakapagtapos dahil sa sumpa na pumapatay sa kanila! Pano mo nasabing sila ang may kasalanan ng pagkawala nila?!" sabat naman ni Remo.

Nagbagong muli ang ekspresyon ng muka ni Mizaki, nagsimula itong tumawa nang tumawa. "Wala talaga kayong alam, ano? Mga bobo kayo, mangmang! Kwentong gawa-gawa lang ang sumpang iyon! Hahahahaha."

"Tama na! Tama na! Sabihin mo nga, ano ba'ng dahilan mo para gawin sa amin ito? Eh ano kung pinatay nila ang mga estudyante mo? Bakit kami nadamay dito? Bakit nadamay kaming pito?" pag-iyak din ni Precious.

"MANAHIMIK NA KAYO!" tinanggal ni Mizaki ang busal sa bibig ni Mille. "Ayan! Sa kanya niyo mismo itanong ang lahat. Mabuti pang magkaroon siya ng kwenta sa inyo bago ko siya patayin."

Natahimik kami at napatingin lamang kay Mille na nakayuko lamang. Hindi siya gumagalaw.

"Sabihin mo ang lahat, Mille. Ipaalam mo sa kanila ang lahat," mapang-asar na sabi ni Mizaki, ngunit hindi pa rin nagsasalita si Mille. Nakita ko ang pagka-inis sa muka ni Mizaki kaya't kumuha ito ng isang kahoy at pinalo ito sa likod ni Mille. Sa upuan ang pagkakapalo na iyon, ngunit alam kong masakit iyon dahil sa lakas at pwersa na nalikha niya.

"MAGSALITA KA!" sigaw ni Mizaki. Nanatiling tahimik pa rin si Mille, ngunit maya-maya ay nakarinig kami ng mga pagbuntong-hininga mula sa kanya. May tumulong tubig mula sa hita niya na sigurado akong luha iyon na galing sa mga mata niya. Nagsimula siyang umiyak.

"Kasalanan namin ang lahat. Kasalanan namin," nagsimula siyang magsalita. Nababasag man ang boses niya dahil sa pag-iyak, malinaw ko pa ring naririnig ang lahat ng sinsabi niya.

"Ano ba'ng ginawa niyo, Mille? Ano'ng nangyari noong nakaraang taon? May kinalaman ba kayo sa pagkamatay ng mga seniors natin?" ma-otoridad na tanong ni Ashley.

"Oo, Ashley. May kinalaman kami sa lahat, pinatay namin isa-isa ang mga dating 4-A," sagot niya. Nakayuko pa rin siya at hindi kami tinitingnan.

"Pero bakit? Bakit niyo kinailangang patayin sila?" tanong naman ni Raymond.

"Dahil sa isang misyon ng samahan namin."

"Misyon? Samahan?" tanong ko.

"Oo. Bumuo kami ng isang lihim na samahan para malaman kung totoo ba ang sumpang nababalita sa school natin at para malipat sa atin ang kasikatan nila. Nabulag kaming lahat ng bagay na yun—kasikatan. Bukod sa paglayo sa kanila ng mga tao, kinaiinggitan din sila. Tinitingala, at pinupuri kahit na ganoon ang tingin nila sa mga estudyante ng Class A. Isang araw, nagulat na lamang kami dahil sa mga nangyaring patayan ng iba nating kaklase. Sila Rye, Jean, Charlene, at Celine—nang mapatay sila ng ilan nating kaklase noong third year tayo, doon namin nalaman na kaya pala namin gawin ang bagay na iyon. Na kaya pala naming pumutol ng buhay, na kaya pala naming pumatay. Nabuo ang grupo dahil doon, pinagpasyahan namin na gumawa ng misyon na palitan ang Class 4-A. Bawat isa sa amin, may nakatakdang isang tao. Ang ilan ay dalawa pa dahil sila ang itinuturing na mataas sa amin. Hindi ko alam na hahantong pala sa ganito ang lahat. Hindi ko alam na maaari pa palang mabunyag pa ang sikretong iyon na binaon na namin sa limot."

Hindi ko alam ang dapat na magiging reaksyon ko ngayon dahil sadyang nagulat ako sa mga narinig ko. Masyado nilang pinairal ang inggit sa mga puso at utak nila, hindi nila inisip ang ibang bagay.

"Ibinaon sa limot? Ibig-sabihin, simula pa lang, alam niyo na ang lahat?" naguguluhang tanong ni Ashley.

Sa unang pagkakataon ay tumingin sa amin si Mille. "Hindi. Hindi ko—namin inakala na ayun pala ang magiging dahilan ng lahat ng ito. Tulad ng sinabi ko, binaon naming lahat sa limot ang misyon na iyon. Gumamit kami ng gamot na magpapawala ng ilang ala-ala namin kaya sa tuwing may lumalabas na sikreto sa klase natin ay halos hindi makapaniwala ang iba. Maging ako, nagugulat sa lahat ng mga oras na iyon. Pero ngayon, bumalik lahat ng ala-ala ko. Naging sariwa ang lahat ng nangyari sa nakaraan. G-gusto kong humingi ng tawad," nagsimula muling tumulo ang luha sa mga mata niya. Iyak siya nang iyak.

"Kaya pala.. kaya pala may mga syringe sa kwartong iyon."

Napalingon kaming lahat nang tulalang magsalita si Jiro. Maging si Mille ay napatigil sandali sa pag-iyak.

"A-ang Room 306.. Jiro, J-jiro, bakit mo alam iyon? Paano mo n-nalaman?" takot na takot na tanong ni Mille.

Hindi sinagot ni Jiro si Mille, kundi ay si Mizaki pa ang nilingon nito. "Pakawalan mo na ko, ayoko nang magpanggap."

Nanlaki ang mga mata ko sa salitang binitawan niya. Totoo pala talaga ang lahat ng nalalaman ko. Isa nga siya sa kanila, siya nga si Morthan.

Tumayo siya nang nakagapos pa rin ang mga kamay. "Ace, kalagan mo na ako." Lalapit na sana si Ace sa kanya nang pigilan ito ni Mizaki.

"Sandali lang, Jiro. Masyado kang excited. Hahahaha!" saad ni Mizaki na para na namang nababaliw. Inilabas niya ang isang bagay na napakapamilyar sa akin. Ang class picture. May inilabas rin siyang pulang panulat saka inilapit ang bibig niya sa tenga ni Mille. "Sa oras na ito, ikaw na ang huli kong papatayin dahil ang anim na natitira ay gagawin ng iba—Morthan, hindi ba? Paalam, Mille."

Pagkatapos ng huli niyang sinabi ay mabilis niyang inilabas ang isang mahabang itak. Iwinagayway niya ito at biglang tumalsik ang ulo ni Mille sa kabilang dako ng gym.

Nanlaki ang mata ko. Nagulat, dahil sa mismong harap ko ay nagawa niya iyon. Isa na talaga siyang baliw. Isa na siyang demonyo!

xxx

Author's Epal Note.

Last one chapter and an epilogue. Wohooo, ramdam ko ang pagkabitin niyo. Hahaha, hayaan niyo na. Di kasi ako marunong magsulat eh. :)

Abangan..

~wattyfandude

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now