C4-A #30: The Last Seconds of the Second

1.2K 20 0
                                    

"Time. Slow, when you're waiting. Fast, when you're afraid. Long, when you're sad. Short, when you're happy. Time can only be determined by your feelings, not by the clock. It is deadly when someone is bored."

-----------------------------------------------x

RHOD's

NANGANGATOG AKONG BUMANGON ng kama. Masakit ang pangangatawan ko pero hindi ko alam kung bakit. Lumingon ako sa buong kwarto at nakitang natutulog pa ang dalawa kong kasama sa kwartong ito. Napatingin ako sa bukas na bintana at tanaw ko ang kalangitang puno pa ng mga bituin. Anong oras na ba? Agad kong hinanap ang phone ko at nakitang alas-dos pa lang ng madaling-araw. Masyado pa palang maaga para bumangon ako. Pero bakit parang hindi ako mapakali? Parang may gumugulo sa isip ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at nagpalinga-linga ako sa buong hallway. Madilim at malamang ay tulog pa ang lahat. Muli akong pumasok sa loob at bumalik sa pagkakahiga ko. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko ngunit hindi ko na magawa pang matulog ulit. Naiinis na ko ah!

Ano nga bang gumugulo sa isip ko?

Dahil ba ito sa mga nakaraan na muling bumabalik sa isip ko? Dahil ba ito sa mga kasalanan ko na pilit akong binabagabag? Pero.. dapat ko nang kalimutan iyon. Ang mga sikreto, hindi na dapat muling inaalala. Ang mga oras na iyon ay dapat nang kalimutan. Dahil nangyari na ang lahat. Hindi na muling maibabalik pa ang mga oras na iyon.

Kinuha kong muli ang phone ko at nagulat ako nang makatanggap ako ng isang mensahe... mula sa isang hindi kilalang numero. Sino ito? At bakit siya magtetext nang ganitong oras?

Puno ng pagtataka ang isip ko habang tinititigan ko lang ang screen ng phone ko. Nanginginig kong itinapat ang hinlalaking daliri ko sa keypad, nagdadalawang-isip kung babasahin ko ba o hindi. Hindi ko alam ang nangyayari ngayon pero bakit parang ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako masyado.

Pero bakit? Isang text message lang ito. Baka prank texter lang at walang magawa. Ngunit nangangatog pa rin ang mga kamay ko. Nang mabuksan ko ang mensahe ay halos mapasigaw ako sa nabasa ko. Nanlalaki ang mga mata ko at nagsimula akong pagpawisan.

S-Si.. Siya ang k-killer?

Hindi ako makapaniwala. Muli ko itong binasa.

"Kamusta ka na Roden? Isang taon na ang nakakalipas.. pero hindi ko pa rin makalimutan iyon. Pinatay mo ang kapatid niya. Maghanda ka sa paghihiganti niya. —M"

Mula sa letrang iyon. Siya nga. Pero——

"Ely!"

Halos mapatalon ako sa higaan ko nang bigla akong makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto namin. Binuksan ko ito at nakita si Cardenas.

"Bakit? Anong kailangan mo kay Punzalan?" tanong ko.

"Uh.. gusto ko lang siya makausap." sagot niya. Tumango naman ako sa kanya at pinapasok siya sa kwarto namin saka pumunta kay Punzalan at ginising ito. Bumalik naman ako sa higaan ko at itinago sa ilalim ng unan ang phone ko. Siya nga.. hindi ako nagkakamali. Isang kasalanan ang ginawa ko sa nakaraan. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko at tuluyan na akong nakatulog.

Pakiramdam ko ay umidlip lang ako. Ngunit nasilaw ako ng liwanag ng araw nang tumapat ako sa may bintana. Wala na ang dalawa kong kasama dito at ako na lang mag-isa.

Ano bang nangyari kagabi? Totoo ba iyon?

Muli kong tiningnan ang phone ko at laking gulat ko nang makatanggap ako ulit ng mensahe mula sa parehong numero. Nang basahin ko ito ay halos malaglag ako sa higaan ko dahil sa kaba na naramdaman ko.

The Class 4-A of Seihoudo HighDove le storie prendono vita. Scoprilo ora