C4-A #26: Morthan

1.1K 22 7
                                    


"In every effort to know the truth, there's always a big sacrifice. Need to face the consequence."

---------------------------------------------x

JIRO's

NAGSIMULA NANG MAG-ALISAN ang mga estudyante sa AVR at tanging kaming tatlo na lang at ibang mga teachers at pulis na lang ang naririto. Tumayo ako para bumalik na ng classroom. Mamaya na lang namin siguro iisipin ang lahat ng sasabihin tungkol dito, tungkol sa sikreto ng klase.

"Balik na tayo ng classroom." sabi ko sa dalawa nang hindi man lang tumitingin. Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman sila agad. Ngunit napatigil ako nang biglang lumitaw sa harap ko si Mr. Mizaki na nakatingin lang sa mga mata ko at binibigyan ako ng seryosong ekspresyon.

"Sir. . ." kinakabahang sabi ko. Naibaling naman agad ang tingin niya kay Shy at Katherine na nasa likod ko lamang. Napatingin ako sa kanila at tanging reaksyon lang ni Katherine ang napansin ko. Bigla siyang umirap kasabay ng pag-tss. Galit nga pala siya kay Mr. Mizaki... sa hindi ko malamang dahilan.

"Uh, halina kayong tatlo sa classroom. May pag-uusapan tayo." pagkasabi na pagkasabi ni Sir nun ay agad na hindi mapalagay ang loob ko. Nagsimula na siyang maglakad at sinundan naman namin siya.

Isang katahimikan ang bumabalot sa bawat hallway na dinaraanan namin. Bukod sa wala nang tao sa paligid eh wala ring nagsasalita sa aming apat. Nararamdaman kong gustong magsalita ni Shy at kausapin ako dahil bigla niya akong hinawakan sa balikat, pero parang hindi niya maibuka ang bibig niya. Maski ako, gusto kong tanungin sila sa kung anong pwedeng sabihin namin ngunit di ko magawa.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa classroom ay automatic na nagsipuntahan sa kanya-kanyang upuan ang lahat at biglang nanahimik ang buong paligid. Walang umiimik.

Umubo si Sir na siyang bumasag sa katahimikan. "Uh, class. May gusto akong malaman.." napalunok ako at sobrang kinabahan na naman ako. "Alam kong alam niyo na na alam ko na pero.. class, ano ba talaga ang nangyayari? May nakaaway ba ang dalawang iyon? Bakit hindi niyo man lang sinasabi sa akin kung meron man? Para naman matulungan ko kayo. Nandito lang ako para sa inyo, class. Wag niyo nang ibalik ang dating kayo, ipinangako niyo sa akin na magiging mabuti na kayo hindi ba? Magiging tapat."

Napayuko ako, at ramdam ko na bawat isa sa amin ay gustong magsalita ngunit walang makagawa. Maya-maya ay bigla akong nakarinig ng paghikbi na siyang ikinagulat ko. Napatingin ang lahat sa unahan ng classroom at makitang umiiyak si Sir. Biglang kumirot ang dibdib ko at tila sinuntok ako ng ilang beses. Bakit nga ba hindi namin sa kanya sinasabi ang lahat? Dahil ba sa takot namin? Dahil ba sa pagbabanta niya?

"Sir.. sorry po." sabay-sabay na sabi ng ilan sa amin.

"Ano ba talaga ang nangyayari?" tanong ulit ni Sir.

Biglang nanahimik muli ang lahat. Sasabihin ba namin ang lahat? Ang lahat-lahat? Kung sasabihin namin kay Sir, maaaring... madamay pa siya. Hindi namin pwedeng pabayaan na madamay pa ang ibang tao. Mabuting tao si Sir kumpara sa amin na marami nang nagawang masama. Marami nang nagawa si Sir para sa amin. Binago niya kami, ginawa niya kaming sikat sa campus, at mahal na mahal niya kami higit pa sa pagmamahal ng mga magulang namin. Pinagkakatiwalaan niya kami, at alam kong malakas rin ang pagtitiwala niya sa amin. Pero kung sasabihin namin ang totoo, madadamay siya. Malalaman ito agad ng killer, ng mga killers, dahil maaaring nasa paligid lang sila. Ano ba ang dapat naming gawin?

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now