Kabanata 32

1.8K 53 2
                                    

Huwag sasagutin
xMaligaya@August2023

HINDI dumating si Miah.

Kahit gusto ko pa siyang hintayin ay hindi na kinaya ng aking katawan dahil sa pagod kaya nagdesisyon na akong umakyat sa itaas upang magpahinga.

Sinamahan at hinatid naman ako ni Bryan hanggang sa tapat ng pinto ng aking kwarto.

“It's already three in the morning. Matulog ka na. Ako na lang ang maghihintay sa kaniya.” Hinuli niya ang aking paningin pagkatapos ay binigyan niya ako ng nakatutunaw na ngiti.

Siya na rin ang nagbukas ng pinto ng aking kwarto at nagpapasok sa akin sa loob kaya tawang-tawa ako sa nangyari.

“Gigisingin kita kapag nandito na si Miah,” dagdag niya bago siya tuluyang nagpaalam sa akin. Napanguso naman ako dahil hindi niya na ako binigyan ng panahon para makapagsalita.

Naglakad ako papunta sa aking kama at saka ako humiga. Pumikit ako at pilit kong kinalimutan ang mga masasamang nangyari upang makatulog ako nang mahimbing ngunit kahit sa aking panaginip ay hinahabol pa rin ako ng lalaki.

Kitang-kita ko ang kaniyang nakakatakot na ngisi habang pilit niya akong hinihila papalabas ng mansion. Sumisigaw ako at humingi ng tulong ngunit bigla niya akong sinikmuraan, dahilan upang impit akong mapaiyak.

“Misis.” Boses ni Bryan ang aking narinig kaya mabilis kong iminulat ang aking mga mata at saka ako bumalikwas ng bangon. Hingal na hingal ako habang hawak-hawak ko ang aking tiyan.

“You’re having a nightmare,” pagpapakalma niya sa akin kaya ako napatitig sa kaniya.

Lumapit naman siya sa akin at tinabihan ako upang aloin ngunit sa halip na bumuti ang aking pakiramdam ay tumulo nang magkakasunod ang aking mga luha.

“You're safe. I am here.” Marahan niya akong ikinulong sa kaniyang mga bisig, para bang nakikiramdam siya kung tututolan ko siya. Nang wala siyang nakitang pag-aalangan sa aking ekspresyon ay hinigpitan niya na ang kaniyang pagyakap sa akin.

Lumipas ang ilang minutong walang imikan sa pagitan naming dalawa. Tila nakatulong naman iyon sa akin upang mapagtanto kong magkaiba ang panaginip kaysa sa realidad.

Unti-unti akong kumalma at tumahan hanggang sa maging normal na ulit ang aking paghinga.
Lubos-lubos tuloy ang pasasalamat ko sa kaniya dahil nandito siya sa aking tabi.

“Misis, do you want me to sing you a song?” bulong niya sa akin habang hinahaplos niya ang aking likod. Sinalubong ko ang kaniyang tingin saka ako tumango upang sumang-ayon.

Ngunit bago pa man may lumabas na likiro sa kaniyang bibig ay napaigik na naman ako at napahawak sa aking tiyan.

“W-what's wrong?” pag-uusisa niya pagkatapos ay kumalas siya sa pagkakayakap sa akin upang suriin kung ano'ng nangyayari sa akin.

“B-Bryan, sumasakit ang tiyan ko,” kagat-labi kong sagot kaya pinahiga niya na ako muli sa kama. Inayos niya ang aking unan pagkatapos ay kinumutan niya rin ako.

“Are you hungry or gusto mong pumunta sa banyo?” tanong niya kaya umiling ako upang sabihin na wala sa mga iyon ang aking problema.

“Ang sakit,” pigil-hininga kong komento  matapos kong mabigkas ang isang mahinang daing dahil hindi ko matunton kung saang bahagi ng tiyan ko ang totoong masakit.

Tumagilid ako ng higa at tinalikuran ko siya habang minamasahe ko ang aking tiyan. Narinig ko naman ang kaniyang buntonghininga bago ko naramdaman na tinabihan niya ako sa kama.

“B-Bryan,” naiilang kong tawag sa kaniyang pangalan dahil hindi ako sanay na mayroong katabi.

“Umaayos ka ng higa. I will massage your tummy,” deklara niya na hindi ko naman sinunod, sa halip ay lumayo ako nang kaunti sa kaniya. Iyon nga lang ay mabilis niya 'yong nahalata kaya niyakap niya ako.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now