Kabanata 7

2.2K 75 3
                                    

Friendly kiss

BUONG magdamag akong nakadilat, ni hindi man lamang ako tinamaan ng antok. Siguro ay dahil namamahay ako o dahil nagpapabalik-balik sa isip ko ang nakita kong kababalaghan sa kwarto ni Bryan.

“Bakit sa lahat ng pwede kong makita, iyon pa?” umiingit kong pamo-mroblema bago muling humiga sa aking kama. Nagpagulong-gulong ako hanggang sa hindi ko namalayan na napapunta na ako sa kanto at tuluyan akong nahulog sa kama kaya napaigik ako kasunod ng pagsapo ko sa aking pang-upo.

Ano’ng mukha ang maihaharap ko kay Bryan? Aakto ba akong parang walang nangyari o magtatago kapag nandyan na siya?

O bigyan ko na lang siya ng isang matamis na ngiti, pero baka isipin niyon na nagustuhan ko ang nakita ko kagabi!

Marahas akong umiling bago ako huminga ng malalim. Pinakakalma ko ang marubdob na pagtibok ng aking puso, ayaw nitong tumigil dahil sa kaba at sa antisipasyon ng paghaharap naming dalawa.

Kagat ko ang aking pang-ibabang labi habang nag-iisip kung papaano ko siya i-a-approach.

Kasalanan talaga ito ng Chen na iyon, e. Kung hindi siya tumakbo, kung kinausap niya lang sana ako, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

“Kung magkunwari kaya akong walang nangyari, magiging okay ba ang lahat?” Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa sahig kasabay ng pagguhit ng ngiti sa aking mga labi.

Sa tingin ko’y ang pagkakaroon ng amnesia ang pinakamabisang paraan para matakasan ang galit ni Bryan.

Gusto ko pa sanang matulog ngunit nang tumingin ako sa wall clock at nang makita kong alas-singko na ng madaling araw ay minabuti ko na lang na lumabas ng kwarto ko para tumulong sa paghahanda ng agahan. Makakatulong din na busy ako para hindi ako mag-isip ng kung ano-ano.

Tahimik ang bawat pasilyo, tanging ang yabag ko lamang ang aking naririnig. Sigurado akong tulog pa ang mga prinsipe dahil alas-otso pa ng umaga ang school hour ng DASU.

“Oh, iha, bakit bumaba ka agad? Mamaya pa dapat ang gising mo,” entrada sa akin ng isang matandang babae nang pumasok ako sa kitchen.

Nasaksihan ko ang mga kasambahay sa paghahanda ng ilulutong agahan para sa apat. Aligaga ang mga ito at hindi alam kung ano ang uunahing iluto.

Ganito ba talaga ang pagkain ng mayayaman? Agahan pa lang, bakit parang pang-fiesta ang inihahanda nila?

“L-lahat po ba iyan ay para sa agahan?” paninigurado ko pero tanging ngiti lamang ang isinukli sa akin ng matandang babae. Ngiti na nagpatiyak sa akin na tama ang aking hinala.

“Pwede po ba akong tumulong? Magaling din po akong magluto.”

“Bisita ka rito, iha. Saka ito ang kauna-unahang beses na nagdala ng ibang tao rito si Alejandro. Nakasisiguro akong espesyal ka.”

Napipilan ako sa aking nalaman kasunod ng nahihiya kong pagtawa. Upang mawala ang nakakailang na atmospera sa kusina ay nagpakilala na lamang ako sa kanilang lahat.

Mababait ang mga kasambahay lalo na si Inang Corazon. Matagal na raw siyang naninilbihan sa mansion at dito na nga raw siya tumandang-dalaga.

Sa pagtitig ko ng mabuti kay Inang ay nakinita kong maganda ito noong kaniyang kabataan, kaya kaagad na kumunot ang aking noo at nagtaka. Bakit wala siyang katuwang sa buhay?

“Inang, may nanligaw po ba sa inyo noon?” tanong ko. Kahit ako ay nagulat sa inusisa ko.

“Marami,” mabilis at maikli niyang sagot. “Iyon nga lang, sa isang lalaki lamang tumibok ang puso ko. Doon pa sa lalaking hindi ko kayang abutin.” Nanikip bigla ang aking dibdib kasabay ng paglungkot ng kislap ng mga mata ni Inang. Tila naramdaman ko ang bigat ng kaniyang giniit.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now