Kabanata 24

1.7K 62 7
                                    

Kaibigan
xMaligaya©July2023

“U-UMALIS ka na, Miah,” pagtataboy ko sa kaniya bago ako umatras papalayo habang pinupunasan ko ang mga luhang isa-isang naglandas sa aking magkabilang-pisngi.

Gusto ko na siyang talikuran at pumasok sa loob ng classroom upang magtago sa kaniya ngunit nanlalambot naman ang aking mga tuhod kaya’t tila hindi ko yata kayang ihakbang ang aking mga paa.

“Joy, I just don't want you to get hurt.” Nakikiusap ang kaniyang boses pagkatapos ay sinubukan niya ulit na lumapit sa akin. Nangingilid ang mga luha sa kaniyang mga mata kasabay ng pagsilay ng iba't-ibang emosyon sa kaniyang mukha.

“Ayaw kong masaktan ka ulit na ako na naman ang dahilan,” mahina niya pang salaysay bago tuluyang tumulo ang kaniyang mga luha.

Pinipilit ko naman ang aking sarili na huwag siyang paniwalaan. Sarado pa rin ang aking puso sa kaniyang sinasabi kahit na pakiramdam ko'y apektadong-apektado na ako sa aking nalaman.

Paano nga kung nagsasabi siya ng totoo?

“H-hindi,” umiiling kong tugon upang iwaksi ang aking naiisip. “Hindi magagawa iyon sa akin ni Bryan,” pagbubulag-bulagan ko sa posibilidad bago ko pinalis ang maiinit na likido na umagos sa aking mga pisngi.

Nagkakamali lamang siya sa kaniyang ibinibintang. Malaki ang tiwala ko kay Bryan.

“Believe me. He will hurt you. Makipaghiwalay ka na sa kaniya habang maaga pa,” he still convinced me as he also wiped his tears away using his palm. Mabuti na lamang ay walang mga estudyante sa hallway kaya walang nakakakita ng eksena naming dalawa.

“Ang hirap mo naman kasing paniwalaan, Miah. Bakit mo ba 'to ginagawa? Ikakasal ka na. Huwag mo na akong guluhin pa,” pag-iiba ko sa aming diskusyon pagkatapos ay inilayo ko ang aking tingin sa kaniya.

“Hindi rin maganda na pinatawag mo pa ako sa kaklase ko para makipag-usap lang sa'yo. Baka kung ano'ng isipin nila sa atin,” pagpapatuloy ko na mabilis niya namang inalmahan.

“Hindi ako nanggugulo. Nagsasabi ako ng totoo,” pakikipagtalo niya bago niya hinawakan ang aking kamay. “Just like what you said, I will get married soon. Kapag nangyari iyon hindi na kita maipagtatanggol,” pagdadalamhati niya na naging dahilan upang kalasin ko ang pagkakahawak niya sa akin.

“Sino ba ang may sabi na kailangan mo akong protektahan? Alam mo, umalis ka na. Kung nag-aalala ka talaga sa akin. . . hiwalay na kami ni Bryan. Masaya ka na?” mahaba kong litanya na para bang hindi ako nanghingi ng halik sa kaniya noong nakaraan na nalasing ako.

Natigilan naman siya. “Alam mo nang ginagamit ka lang niya?” May pagkabigla sa kaniyang tanong kaya napakurap-kurap na lang ako habang dinadama ang kakaibang hapdi na dulot ng tanong na iyon.

“Hindi ko alam. Hindi ko alam ang sinasabi mo,” pahina nang pahina kong sagot habang umiiling.

Hindi ko na alam ang totoo.

“We've talked. Siya mismo ang nagsabi sa'kin na hindi siya seryoso sa'yo.” Lumukob ang matinding kirot sa aking puso nang marinig ko ang kaniyang isinambit.

Bigla-biglang pumasok sa isip kong baka nga totoo. Kaya hindi siya nagpapakita sa akin at kaya niya natitiis na hindi kami mag-usap ay hindi dahil sa binibigyan niya lang ako ng oras upang makapag-isip kundi dahil pinaglalaruan niya lang naman ako.

Hindi pa rin ako naniniwala pero bakit ang sakit-sakit isipin?

“T-tumigil ka na, Miah,” pagpapatigil ko sa kaniya habang pinipigilan ko ang mahapding pakiramdam na dumapo sa aking dibdib. Nag-uunahan na namang tumulo ang aking mga luha na unti-unti ring sinabayan ng aking mga paghikbi.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now