Kabanata 30

1.7K 61 10
                                    

Miss Promdi
xMaligaya©August2023

“KAELEV, give me the red christmas balls,” utos ko sa batang nasa aking tabi nakaupo sa couch habang kumakain ng sandwich na inihanda ni Bryan para sa kaniya.

Hindi ko namalayan na mabilis na palang lumipas ang mga araw. Tatlong araw na lamang ay pasko na at sa abente-kwatro ako nakatakdang umuwi upang makahabol sa noche buena namin sa probinsya.

Medyo nalulungkot na nga ako dahil tila nakuha na agad ni Kaelev ang loob ko sa sandaling panahon na binabantayan ko siya. Mami-miss ko ang batang 'to pag-alis ko.

“Joy, Kuya Bryan said that this is yours. Ginawa niya raw ito with extra care,” salaysay niya na tila hindi narinig ang aking inuutos. Napatigil naman ako sa pag-aayos sa malaki at mataas nilang christmas tree pagkatapos ay nilingon ko siya.

Napangiti na lamang ako nang makita kong inaabot niya sa akin ang isang sandwich na gawa raw ng pinsan niya para sa akin.

Kaelev said that he loves Bryan so much. Sa apat kasing magpipinsan ay si Bryan lang ang tanging sumeseryoso na magbantay sa kaniya. Palagi rin siyang busog kapag Kuya Bryan niya ang nag-aalaga sa kaniya.

Iyon nga lang, kung ano ang ikinagusto niya kay Bryan ay ikinainis niya naman kay Jeffrei at Benj na nagpaiyak sa kaniya noong isang araw.

“Ayaw mo ba? Can I have this?” sunod-sunod niyang tanong kaya napatawa na ako nang mahina. Napatulala lang naman siya sa akin at mukhang nalilito sa aking inaakto kaya tumigil na ako.

“Kung tutulungan mo ako, ibibigay ko 'yan sa'yo,” pangungumbinsi ko sa kaniya dahil ayaw niya pa yatang tumayo sa pagkakaupo sa sahig.

Nangangalay na ako sa kakayuko at tunghay sa christmas tree na ginagawa ko. Nasa labas kasi ang apat at nag-aayos naman sila ng mga mesa at upuan na gagamitin nila para sa noche buena ng kanilang pamilya.

Nakagawian na ni Lolo Alejandro na pagbakasyunin ang lahat ng kanilang mga empleyado sa tuwing sasapit ang ika-20 ng Disyembre upang makauwi sa kanikanilang pamilya. Kaya naman kaming anim lamang ang natitirang tao sa mansion.

“Hayaan mo na munang magpahinga ang bata. Ako na lang ang tutulong sa'yo.” Napatigil ako at napalingon nang marinig ko ang boses ni Bryan. Siya ang nag-abot ng red christmas balls sa akin, sa halip na si Kaelev.

“S-salamat,” naiilang kong tugon kasunod ng aking pagmamadali na makuha sa kaniyang kamay ang mga pulang christmas balls. Nahulog pa nga ang iba sa sahig dahil sa aking pagkataranta. Tumawa naman siya kaya hiyang-hiya ako.

“Joy, you look like my Mommy. Can we play?” May himig na nanlalambing ang boses ni Kaelev bago siya umalis sa couch at lumapit sa akin.

Dahil sa aming narinig ay nagkatinginan kami nang sandali ni Bryan na nasa aking tabi pagkatapos ay muli akong bumaling kay Kaelev.

Kung titingnan ang panlabas niyang anyo ay pwedeng-pwede kong ikumpara ang kaniyang kakisigan sa kaniyang mga pinsan, pero isip-bata talaga siya at nangangailangan pa siya ng matinding pag-aalaga.

Noong una ay hindi pa ako kumbinsido sa kaniya dahil sa sinabi ni Lolo Alejandro ngunit wala naman akong nahanap na butas na makapagtuturong nagsisinungaling siya. Kahit si Jeffrei ay sinasabi sa'kin na talagang mayroong sakit si Kaelev.

Hindi pa alam ng matanda ang aking obserbasyon at ang pagsama sa akin ng kaniyang mga apo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umuuwi ni Sir Diego. Hindi ko rin sila ma-contact.

“Please, please, let's play. I'm bored and I missed my Mommy.” Hinawakan ni Kaelev ang aking kamay kaya nagising ang aking diwa at napatingin ako sa kaniyang gawi.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें