Kabanata 4

2.4K 78 0
                                    

A genie?

Isinugod namin sa loob Hospital ng Liazarde si lolo nang bumaba kami sa ambulansya. Lahat ng mga doktor ay nakaabang, hinihintay na bumaba ng sasakyan ang matanda.

Maingat nilang isinakay ng stretcher si lolo. Kahit sinabi nitong hindi na kailangan, ipinilit pa rin ng mga doktor ang kanilang kagustuhan. Doon ko na-realize na ma-impluwesyang tao pala ang tinulungan ko.

“Sumunod tayo sa kanila, Joy. Kakausapin ka ni Sir Alejandro mamaya,” banggit ni Sir Diego na body guard at tagapagsalita ng matanda.

Mabilis ang mga kilos namin, halos lakad at takbo ang ginawa ko dahil sa sobrang bilis ng paggulong ng stretcher na hinihigaan ni Lolo Alejandro. Parang may emergency talagang nangyayari.

Ganito ba talaga kung ituring ang mga VIP?

Kung ang mga ordinaryong mamamayan lang ay kailangan pang pumila nang napagkahaba-haba, magpakapagod at magutom sa pilahan, ang mga tulad ni Sir Alejandro na mayayaman ay ganito kadaling magpagamot, may pag-abang pa sa labas ng hospital.

“Si lolo po ba ang may-ari nitong hospital na ito?” pag-usisa ko kay Sir Diego na seryoso lang na nakatayo sa labas ng pribadong kwarto ni lolo.

Ayaw kong magpaka-judgmental masyado, baka naman may nagawang napakabuti si lolo kaya ganito ang treatment sa kaniya ng buong hospital.

“Hindi, pero pinopondohan niya itong hospital na ito. Ito lang ang kaisa-isang hospital sa kapitolyo ng bansa na libre ang lahat. Mula sa pakikipag-usap sa doktor hanggang sa mga operasyon at gamot ay walang bayad,” paliwanag niya.

Napaawang ang aking mga labi, “Wow,” hindi makapaniwalang sambit ko bago napatingin sa kabuuan ng hospital.

“Mga mararalita lamang ang tinatanggap ng hospital na ito. Ang gusto kasi ni sir ay tumulong sa mga mahihirap,” pagkukwento ni Sir Diego bago bumaling ang tingin sa mga pasyenteng dumaraan sa harap namin.

“Katulad nila. Okay lang ba ang paa mo? Kanina pa kita napapansing paika-ika maglakad,” banggit niya bago tinanguan ang mga tao.

“Okay lang po. Natapilok lang po ako kahapon, pero maayos na naman po,” pahayag ko ngunit hindi ito kumbinsido. Ipagamot ko raw ang sprained ankle ko mamaya.

“Thank you po, Sir. . . Hindi ko po akalain na may good samaritan pala sa totoong buhay, katulad ni lolo.” Napangiti si Sir Diego bago napatingin sa nakabukas na pinto ng kwarto ni lolo, pinagmamasdan kung paano mag-panic at mag-alala ang mga doktor, habang si lolo ay tumatawa lang.

“You will not believe me if I say he has numbers of foundations, charities, orphanage and even home for the aged, will you?” He asked then he enumerated all the good deeds of lolo, making my lips formed an 'o'.

“He is addicted to helping people. Kaya naman nang makakita ng katulad niya ay tuwang-tuwa,” he mentioned. Pareho kaming nakatingin kay lolo at nang sumulyap siya sa amin ay kumuway pa ito. Kaagad ko naman siyang nginitian pagkatapos ay kumuway rin.

Ang gaan ng pakiramdam ko kay Lolo Alejandro. Biglang ang taas-taas ng tingin ko sa kaniya. Ang swerte naman ng mga anak at apo niya, nagkaroon sila ng tatay at lolo, mga miyembro ng pamilya na wala ako.

Lolo Alejandro was already 74 years old, yet he can still do what other old people cannot do anymore. Malakas at masigla pa si lolo, ang inaalala lang ng mga taong nakapalibot sa kaniya ay ang sakit niya sa puso.

“Daddy!” A beautiful lady in her forties, shouted as she stormed inside the room, causing every doctors startled.

She then quickly approached lolo, “I thought something bad has happened to you. Glad to know that you’re fine,” she exclaimed, earning loud laughters from lolo. Umupo ang anak na babae ni lolo sa bahaging paahan ng hospital bed nito.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon