Kabanata 22

1.8K 61 2
                                    

Not yet done
xMaligaya©June2023

HINDI natuloy ang usapan naming pag-iinoman nina Jeffrei at Benj nang mabalitaan naming bigla na lamang sumakit ang tiyan ni Monique. Lahat kami ay sobrang nag-alala at nataranta dahil hindi lang basta sakit sa tiyan ang kaniyang iniinda.

She was limping in pain, and she was calling Miah's name. Iyon nga lang ay mas mabilis si Bryan kaya siya ang bumuhat kay Monique upang dalhin ito agad sa loob ng bahay. Lahat naman kami ay napasunod at inantabayanan ang kaniyang kalagayan.

"Mabuti na lang at hindi siya dinugo. I told her to take care of herself." Narinig kong pahayag ni Tita Elaine kay Tita Amara na mukhang nag-aalala rin kay Monique.

Pumasok na lang ako sa kusina dahil ayaw ko munang makigulo sa komosyon ng kanilang pamilya. Inimis ko ang mga baso at pinggan pagkatapos ay nagsimula akong magligpit upang aliwin ang aking sarili at ilayo na rin ako sa pakiramdam na hindi ako nabibilang sa kanilang lahat.

"Joy," mahinang tawag sa akin ni Bryan habang naghuhugas ako ng pinggan kaya napalingon ako sa kaniyang gawi. Nginitian ko naman siya saka ko siya inayang lumapit sa akin.

"Kumusta si Monique? May nasakit pa rin ba sa kaniya?" sunod-sunod kong tanong nang makalapit siya sa aking pwesto. Binitiwan ko naman ang aking ginagawa upang makapag-usap kami nang maayos.

"Hindi na raw masyadong nasakit. She's now asleep," pagbabalita niya sa akin na tila problemadong-problemado kaya bumalik na lang ako sa aking gawain.

"Is that what I've bought you?" bigla niyang tanong kaya wala sa sariling napatingin ako sa kaniya bago ako tumungo para tingnan ang aking sarili.

Basang-basa pa nga rin pala ang manipis na damit ko dahil sa pagligo ko sa dagat kanina. Nakaramdam tuloy ako ng panlalagkit sa aking katawan.

"O-oo. Bakit, nakakatawa ba'ng tingnan ang itsura ko?" pag-uusisa ko ngunit bigla na lamang namula ang kaniyang mga pisngi pagkatapos ay lumingon siya sa ibang direksyon.

"Magpalit ka na ng damit," utos niya na hindi pa rin tumitingin sa akin kaya nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.

Siguro nga'y nakakaasiwa akong tingnan ngayong bumakat sa aking katawan ang aking panloob.

"S-sige. Sandali lang," pagmamadali ko ngunit bigla niya na lang hinigit ang aking palapulsuhan.

"Bakit?" pag-uusisa ko nang magtama ang aming mga mata pero umiling lang siya at binitiwan na ako. Nakasisiguro akong mayroon siyang gustong sabihin na hindi niya lang kayang banggitin.

"Ano ba iyon? Bakit mo ako pinuntahan dito sa kusina?" tanong ko pa kaya parang lalo siyang nahirapang magsalita.

Naghihintay lang naman ako sa kaniya kahit na mayroon na akong ideya na patungkol kay Monique ang kaniyang isasangguni.

"P3rvert, Lolo wants to go to the hospital because of Monique. Sa kabilang isla lang. Sandali lang ang biyahe dahil mabilis naman ang yate." Para siyang batang nang-uulok sa akin pagkatapos ay hinawakan niyang muli ang aking kamay at marahang pinagsiklop ang aming mga palad.

"Gusto mo bang sumama?" Muntik na akong pumiyok dahil sa dambuhalang sakit na tila nakabara sa aking lalamunan.

Bakit ganito? Malinaw naman talaga sa akin mula noon hanggang ngayon na hindi siya magiging akin, pero bakit nahulog pa rin ako?

"Gusto akong isama ni Monique. Ang sabi ko magpapaalam muna ako sa'yo. Kung ayaw mo, hindi na ako-" sagot niya na naputol nang mabilis kong kalasin ang kamay niyang nakahawak sa akin. Hindi ko na kayang makitang nasasaktan ako at nagiging kawawa.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Onde histórias criam vida. Descubra agora