Kabanata 17

1.8K 57 2
                                    

Kakain lang tayo
xMaligaya©June2023

PIKIT mata akong pumayag sa kaniyang plano kahit na mayroong pag-aalingan sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ako sumang-ayon.

Sinabi kong ayaw ko na ng gulo, ngunit heto ako at gumagawa na naman yata ng panibago.

“Hindi ka naman naghihiganti, hindi ba?” malumanay kong tanong kay Bryan habang naglalakad kaming dalawa sa open field papunta sa basketball gym upang panoorin ang basketball game ni Jeffrei.

Nang marinig niya ang aking sinabi ay agad siyang napatigil sa paglalakad, pagkatapos ay kunot-noo niya akong tiningnan na para bang hindi siya makapaniwala sa aking binanggit.

“What are you saying? We're doing this to get them back,” he defended himself, but I’m still not satisfied with his answer. Para kasing ang bilis-bilis ng mga pangyayari at mukhang napasubo ako sa kaniya.

Hindi ako sigurado kaya natural lamang na tanungin ko siya tungkol sa totoo niyang motibo.

“Bryan,” I seriously called his name while I was staring straight in his eyes. Plano ko siyang paaminin ngunit nang makipaglaban siya ng titigan sa akin ay tila nahipnotismo ako at hindi nakapagsalita.

“Joy, I won't do that, promise. Ginagawa natin 'to para hindi matuloy ang kasal. If Jeremiah backs out, we'll happily end our relationship, right away,” paninigurado niya katulad ng sinabi niya noong nakaraan.

Bigla niya ring pinagsiklop ang aming mga palad kaya wala sa sariling napatanga ako, ngunit nang makabawi ako sa kaniyang ginawa ay siya naman ang aking ginulat.

“Two thousand!” masaya kong sigaw kaya muntik na niyang mabitiwan ang aking kamay, mabuti na lamang at hinigpitan ko agad ang kapit sa kaniya.

Tumatawa kong itinaas ang magkasiklop naming kamay dahil alam kong magkakapera na naman ako. Mukha tuloy siyang natalo sa sugal nang mapagtanto niya ang nangyari.

“Damn it. Yayaman ka dahil sa akin,” kunwaring naiirita niyang sambit ngunit nakita ko naman ang  unti-unting pagguhit ng ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti rin. Ewan ko kung dahil ba iyon sa sinabi niyang yayaman ako o dahil sa nakita kong reaksyon niya.

“My love language is definitely not physical touch, but I’m liking our skinship. I don’t know why.” Sumeryoso siya at tila iniisip kung ano raw ang dahilan ng pagbabago niya nitong mga nakaraang araw.

“Baka crush mo na ako,” panunukso ko na umani ng isang simangot mula sa kaniya. Natawa naman ulit ako pagkatapos ay nagtuloy kami sa paglalakad habang magkasiklop ang aming kamay.

Dalawang linggo na kaming nagkukunwari. Noong mga unang araw ay hindi namin alam kung paano ang gagawin dahil naiilang ako sa kaniya kaya gumawa siya ng paraan para mas magkakilala pa kami.

We shared a lot of things with each other. Mula kaliit-liitang bagay hanggang sa mga pangarap namin ay palagi naming pinag-uusapan. Araw-araw din kaming may dagdag na nalalaman sa isa't-isa dahil iyon ang pinag-usapan namin. Para tuloy ang tagal-tagal na naming magkakilala ngayon.

Dahil sa kaniya ay pansamantala kong nalimutan si Miah na kahit na isang beses ay hindi man lamang nagpakita sa akin. Nabalitaan kong pumapasok naman siya sa school pero parang pinagtataguan niya talaga ako.

Then, I heard Monique has dropped out. Siguro ay para na rin itago ang sitwasyon niya. Ayon kasi kay Jeffrei, gusto munang ilihim ng dalawang pamilya na buntis si Monique hangga't hindi pa sila naikakasal ni Miah.

“They're looking at us. Sikat ka na rin,” Bryan muttered, making me come back to reality. Napatingin naman ako sa aming paligid at halos lahat na pala ng mga estudyanteng nasa open field ay nakatingin sa amin dahil agaw-atensiyon siya.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon