Simula

6.8K 137 31
                                    

Different colors of  yarn
©xMaligaya

Ang sabi nila, lahat daw ng nangyayari sa ating lahat ay kagagawan ng tadhana. Our fate always intertwined with one another like a tiny yarn. Ang sabi pa ng ilan ay may tatlong kulay raw ng sinulid ayon kay tadhana. White for friendship, red for love and black for misery.

Hindi ako naniniwala noong una sa sinasabi nilang tadhana at sa binabanggit nilang iba't-ibang kulay nito. Sino pa nga bang maniniwala roon ngayong 21st century? The world was progressing and our customs often bent to make another, that's why I strongly disagree.

Kung may gusto akong tao na maging parte ng buhay ko, mapa-kaibigan o special someone ay hindi ko na ipauubaya pa kay tadhana. The concept of destiny was just making people hopeless when it comes to love and to life.

We often say, que sera sera, what ever will be will be. How ironic that we're being taught by a wrong philosophy. Hindi ba mas maganda na kung gusto ng isang tao ang taong iyon, kumilos siya at gumawa ng paraan kaysa tumunganga at hintayin si kupido na panain ang kapareha niya?

I was still forcing myself to stick with that principle but after what happened in my life these fast few weeks, my philosophy was slowly shattering into ashes.

“Kung wala ka na palang maibabayad, hala sige. Lumayas ka na rito, hindi 'yung mangangako ka pero hindi mo pala tutuparin!” my landlord shouted at my face as she thrown my things on the ground.

I sighed then I blown a large sum of air. My hair was flowing messily onto my face as my forehead was filled by sweat. Napakagat-labi ako bago napakamot ng aking ulo. Ang aga-aga, haggard na ako kaagad.

“Aling Selma, hindi po ba pwedeng mamaya niyo na lang po ako paalisin? Male-late po ako sa klase. I picked up all the things she threw away outside the gate of her apartment, then I clasped my two hands to beg.

“Nag-aaral ka sa magandang unibersidad pero wala kang pambayad ng tatlong buwan na renta?” pagtataray niya habang nakapameywang. Taas na taas ang isang kilay at halos maunat na ang kulot niyang buhok dahil sa pagkainis sa akin, kaya naman napapikit ako nang mariin bago nagbuntong-hininga.

“Ilang beses ko po bang sasabihin na kaya lang po ako nakakapag-aral sa DASU ay gawa ng scholarship ko? Saka Aling Selma, tatlong taon na po ako sa inyo, ngayon lang ako hindi nakabayad ng tama.” Hindi ko na napigilan ang aking sarili na maglabas ng sama ng loob at wala sa sariling nahilamos ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad.

“Aba't sumasagot ka pang bata ka, ha!” singhal niya gamit ang kaniyang matinis na boses kaya napapikit ako at napalabi, mukhang nabasag ang eardrums ko sa sigaw niya. Hindi maipinta ang itsura ng kaniyang mukha, namumula ito at tila sasabog na.

Nakakapanggigil din!

Kung hindi sana ako napadaan sa lugar ng mga mang-gogoyong fortune teller ay hindi mangyayari ito sa buhay ko. The fortune teller said that I'll be meeting special someones but they aren't really special. Nakita raw nito ang  kulay ng laso na nag-uugnay sa amin.

Puti, pula, itim. . . Nakangiti pa siya nang banggitin niya sa akin iyon, maging ako ay nadala sa pagkurba ng kaniyang mga labi. Nawala lang ang ngiti ko nang sabihin niyang magsisimulang malasin ang buhay ko dahil ang mga taong makikilala ko ay itim na laso ang hawak.

“Huwag ka nang babalik pa rito sa bahay ko, maliwanag?!” Aling Selma scorned, causing me to come back in reality. Natigil ang pag-alaala ko sa hindi magagandang bagay na nangyari sa akin nitong mga nakaraan para habulin ang may-ari ng apartment na tinutuluyan ko.

“Aling Sel-” Malakas niyang sinaraduhan ang gate sa harap ng apartment kaya naiwan akong nakatulala ng ilang minuto.

Unti-unti na tuloy akong naniniwala sa lalaking intsik na iyon. Minamalas na nga talaga ang buhay ko.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now