Kabanata 5

2.3K 80 20
                                    

Your other friend

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Pwede ka pang umatras habang nasa biyahe pa lamang tayo,” paalala ni Sir Diego na nasa tabi ng driver ni Lolo Alejandro.

Kanina pa siya paulit ulit sa pangungumbinsi na tanggihan ko na lang ang alok ni Lolo, ngunit paulit ulit ko rin naman siyang tinatanggihan.

I didn't know if he was doing this because he's seeing me as an incompetent girl who's unable to take care of lolo's grandchildren or he's just concern because based from how he looked at me, Sir Diego seems to be anxious and stress.

Inabutan na kami ng gabi sa daan dahil hindi kaagad kami nakaalis sa hospital, bukod sa pinatingnan nila ang namamaga kong paa ay naglibot pa si Lolo Alejandro sa hospital upang batiin ang mga kaibigan niyang pasyente roon.

“Diego, itigil mo na iyan,” saway ni lolo pagkatapos ay mahinang tumawa. "Malapit na tayo sa bahay, apo," salaysay niya bago iminuwestra ang daan patungo sa kanilang bahay.

“Sir, she can't handle those kids,” pagrereklamo ni Sir Diego bago hinampas ang sarili niyang mga hita. Sumulyap pa siya sa akin bago nagbuntong-hininga, hindi ko alam pero napansin kong nag-o-over-reacting si Sir Diego.

Lolo Alejandro didn't answer, but I saw a proud grin written on his lips. Nagtaka naman ako kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ni lolo ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Ngayong gabi, wala akong mga bagay na iisipin. Tutulungan ako ni lolo sa scholarship at sa trabaho, mayroon pa akong bahay na matutuluyan. Magandang balita ito para sa amin ni nanay.

“Nasaan na nga pala ang mga gamit mo kanina, Joy?” Lolo suddenly asked, making me thought of my things. Bigla kong nasapo ang aking noo. Sana ay hindi itinapon ni Bryan ang aking mga gamit.

Lolo looked at me like he was asking why, making me smile a bit and scratched my head. “Pinatago ko po muna sa kaibigan ko,” sagot ko bago kinakabahang tumawa.

“It's nice to have friends. Missing my good old days,” lolo commented, nodding. May bahid ng saya ang kaniyang mukha habang tila inaalala ang kaniyang nakaraan.

“Masarap magkaroon ng mga kaibigan. Kasama mo sa tuwa, sa lungkot at sa kahit saan. Those are the things I missed. Ang mga kaibigan ko kasi ay nagkarerahan na patungong kabilang buhay, ako na lang ang natitirang humihinga,” He proudly muttered like he was reminiscing the past. Lumungkot lang ang kaniyang awra nang banggitin niyang pumanaw na ang lahat ng kaniyang kaibigan.

Napangiti na lang ako ng pilit bago tumungo. Kung mayroon nga lang sana akong totoong kaibigan, siguro ay magiging makulay rin ang buhay ko. Masarap kaya talaga sa pakiramdam kapag may kaibigan akong masasabihan ng sama ng loob?

How I wish I have a friend. Hindi ko kailangan ng marami, kahit isa lang ay ayos na sa akin. Ni minsan kasi kahit sa probinsiya namin sa Elhora ay wala akong naging kaibigan dahil hindi ako palalabas ng bahay.

Tila may isang switch naman sa aking isip ang bumanggit sa pangalan ni Miah. Hindi ba at sinabi niyang magkaibigan na kami?

Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na pumasok na kami sa mataas na gate ng isang village. Napapanganga ako sa pagkamangha sa bawat bahay na nadaraanan namin. Kitang kita ang bakas ng karangyaan sa mga taong nakatira rito.

Ngunit napatigil ako at tila may bumara sa aking lalamunan. Kumunot ang aking noo nang mapansin na parang pamilyar sa akin ang lugar na ito. Marahan akong umiling habang pinagmamasdan ang aming paligid, para talagang nakarating na ako rito, hindi ko lang alam kung kailan.

“Here we are,” lolo introduced as the car turned right.

Nanlaki ang aking mga mata at biglang nagtatambol ang aking dibdib nang makita ko ang gate na papasukan namin. Ngayon ko na-realize kung bakit pamilyar ang lugar na ito sa akin.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now