Kabanata 16

1.8K 65 0
                                    

Babayaran ko na lang
xMaligaya©June2023

MAGIGING maayos din ang lahat,” pangungumbinsi ko sa aking sarili habang inaayos ko ang aking mga gamit sa bago kong inuupahang kwarto. Mag-iisang linggo na ako rito pero dahil sa aking pagdadalamhati ay ngayon ko lamang nagagawang ayusin ang aking mga gamit.

Maayos naman ako rito. Maliit ang tinutuluyan ko ngunit mababait naman ang mga kasama ko sa bahay. We are all girls who are still studying, sa iba't-ibang university nga lang. Nagulat nga silang lahat noong nalaman nilang sa DASU ako nag-aaral dahil puro mayayaman daw ang lahat ng estudyante roon.

“Joy, nasa labas na naman ng apartment natin 'yong lalaki noong isang araw,” bulalas ng isa sa mga kasama ko sa bahay kaya napabuntonghininga na lamang ako at dismayadong napapikit.

Nakatitiyak akong si Bryan na naman ang nasa labas. Ilang beses ko na siyang ipinagtatabuyan, subalit makulit talaga siya. Noong isang araw nga ay pinilit niya pang isama si Benj para daw wala akong magagawa kundi makipagkita sa kanila.

After what happened to their house, I immediately went to Lolo, asking if I could leave the mansion immediately. Lalo pang nag-alab ang aking damdamin na umalis noong nalaman ko mula sa matanda na pumayag si Miah sa itinakdang kasal ng dalawang pamilya.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung bakit niya nagagawa sa akin ang bagay na iyon. Ang sabi niya'y mahal niya ako at hindi niya ako kayang mawala sa kaniya, pero nakuha niyang pumayag na magpakasal sa iba.

Naguguluhan ako at nasasaktan. Siguro. . . siguro nga'y hindi niya talaga ako mahal. Hindi siguro ganoon kalalim ang nararamdaman niya para sa akin.

Nakusot ko ang aking mga mata nang unti-unti na namang nanubig ang mga ito. Isang linggo ko nang pinipigilang umiyak ngunit hindi ko na yata kaya ngayon.

“Joy, umuulan na. 'Yong bisita mo sa labas,” pagpapaalala muli ng aking kasama sa bahay kaya napabalik ako sa aking katinuan. Mabilis akong bumalikwas at lumabas ng aking kwarto upang puntahan siya.

Bryan somehow helped me. Sa tuwing maiisip ko ang panloloko sa akin ng pinsan niya, bigla-bigla na lamang siyang darating para guluhin ako.

“Imposibleng magpaulan siya. Maarte 'yon, e,” bulong ko sa aking sarili bago ako nanghiram ng payong sa aking mga kasamahan. Nagmamadali rin akong lumabas ng apartment upang hanapin siya.

Malakas ang hangin at malalaki rin ang patak ng ulan nang makalabas ako sa kalsada. At nang sandaling mahagip siya ng aking mga mata ay napailing na lamang ako.

He was standing in the rain. Nakayuko siya at umaalog-alog din ang kaniyang mga balikat. Sandali. . . umiiyak ba siya?

“Bryan!” tawag ko agad sa kaniyang pangalan bago ako tumakbo papalapit sa kaniya, saka ko siya pinayungan. “Wala ka rin sa hulog, 'no? Alam mong umuulan, hindi ka sumilong sa—”

“P3rvert,” he called my nickname as he hid his pain with a smile.

“Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?” tila naiinis kong tanong bago ako lumapit pa nang kaunti sa kaniyang pwesto, nababasa na rin kasi ako ng ulan dahil maliit lang ang payong na hawak ko.

“How's the exam? Nakapag-aral ka ba?” ganti niya ring pag-uusisa upang ilihis ang aming diskusyon.

Kung sa tingin niya'y may taong nakakapag-aral pa nang mabuti pagkatapos ng mabibigat na pasakit ay nakasisiguro akong hindi ako iyon. Sinubukan ko namang mag-aral, ngunit ilang minuto pa lamang ang lumilipas ay bumibigat na agad ang aking dibdib.

“I failed the exams,” he answered his own question then he let out a deep sigh. Malakas ang buhos ng ulan at dumadagundong din ang kulog at kidlat, ngunit ang pagdadalamhati niya lamang yata ang aking naririnig.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now