Kabanata 12

101 5 2
                                    

Fool
xMaligaya©January2023

TUMATAK talaga sa isip ko ang sinabi ni Benj sa akin kahit na isang linggo na ang lumipas mula noong tagpong iyon, para bang ginising nito ang diwa ko na hindi talaga kami bagay ni Miah.

Tila gusto kong magdamdam dahil sa pagbigat ng aking kalooban. Kaya ko nga ba talagang panagutan kung sakaling sabihin ni Miah sa lahat na may pagkakaintindihan na kami?

Malakas at malalim na lamang na buntonghininga ang aking pinakawalan habang nakaupo sa tapat ng nakasaradong pinto ng bahay. Hindi kasi ako makatulog, dahil iniisip ko kung ano ang hinaharap na mayroon sa aming dalawa.

“Miah, nasaan ka na ba?” nagngingitngit kong tanong sa aking sarili habang walang buhay kong pinagmamasdan ang aking cellphone. Kanina pa kasi ako tawag nang tawag sa kaniya ngunit hindi niya naman ako sinasagot.

Nakakainis dahil hindi siya nagpaalam sa akin kung saan siya pupunta. Hindi rin ako sigurado kung uuwi ba siya ngayon o hindi. Sa isang linggo na nagdaan ay tila napakarami nang nangyari sa aming lahat. Si Jeffrei at si Benj na lang ang madalas kong nakakasama kaya sa tuwing magtatanong si Sir Alejandro ay silang dalawa lamang ang naikukwento ko palagi.

Nalulungkot nga ako dahil paminsan-minsan niya na lamang kung i-text at i-chat niya ako. Minsan nga ay kahit ako na ang unang nag-message sa kaniya ay hindi niya pa masasagot. Palagi niyang sinasabi na busy siya sa school projects nila kaya hinayaan ko na lang muna siya.

“Don’t tell me that you will still wait for him? It’s already two in the morning,” Bryan suddenly announced as I heard his yawn. Napalingon tuloy ako sa aking likuran at nakita kong nakatingin siya sa kaniyang relong pambisig.

“Wala namang pasok bukas, saka hindi rin ako makatulog. Ikaw, bakit lumabas ka?” mahina kong tanong bago ako tumayo sa aking pwesto. Tipid na ngiti lang naman ang kaniyang isinagot bago niya inilihis ang kaniyang tingin sa akin. Naisip kong ito yata ang unang pagkakataon na hindi kami nagtatalo.

“I need air,” matipid niyang usal bago niya ako muling sinulyapan. Naintindihan niya naman agad na nalilito ako sa kaniyang tinuran kaya ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit.

“My girlfriend broke up with me. She’s saying that I am not good enough,” dagdag niya pa na aking ikinabigla. Dahan-dahan din siyang lumapit sa akin pagkatapos niyang magbuntonghininga.

Sa unang pagkakataon ay nag-open siya ng nararamdaman. Then, I felt his sadness while he was sharing his story. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng payo ang ibibigay ko sa kaniya para lang pagaanin ang kaniyang loob, kaya sa huli ay nakinig na lamang ako sa kaniya at hindi nagsalita.

“Monique is my world. I won’t fall in love again, if I lost her.” Pareho kaming huminga nang malalim at sabay rin kaming tumingin sa mga bituin sa langit.

“I will win her back. Hindi ako madaling sumuko, Miss Palmes.” Hindi ko napigilan ang mapatawa nang mahina. Medyo corny kasi.

“Why are you laughing? Am I funny?” sunod-sunod na pagtatanong niya kaya lalong lumakas ang aking halaklak. Now I know that Bryan might be cold, but he got a heart of hopeless romantic.

“Baka naman kasi ang sungit-sungit mo sa kaniya. Tapos ang sama pa ng ugali mo,” pagbibiro ko pa, ngunit hindi niya yata nahimigan na niloloko ko lamang siya. He took my joke seriously, then he shook his head to defend himself.

“I am not like that,” he blurted before he looked at me. Tumigil naman ako sa aking pagtawa, hindi dahil sa magkasalubong na ang kaniyang mga kilay kundi upang malaman niya na ganoon talaga siya.

“Ilang beses ka lang ba magsalita sa isang araw? Mabibilang lang din sa daliri ang pagngiti mo. Madalas na nakasimangot ka at masama ang tingin sa mga tao,” mahaba kong paliwanag habang binibilang ko sa aking mga daliri ang mga pagsusungit episode niya rito sa mansion.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon