Kabanata 10

2.2K 72 9
                                    

Pag-asa
Chanak©March2022

WALA sa sariling naglakad ako pabalik ng classroom. Pakiramdam ko’y lumulutang ako sa hangin at walang pagsidlan ang aking tuwa dahil sa katagang binigkas ni Miah kanina.

Tila mapupunit na ang aking mga labi dahil hindi ko mapigilan ang pagngiti, pati na  rin ang aking puso ay nakikiisa, umaawit ito at umaasang totoo ang sinabi niya.

Sa loob ng classroom ay nakatulala lamang ako buong klase. Kunwaring nakikinig pero sa tuwing babalik sa isip ko ang eksena kanina ay naititikom ko kaagad ang aking mga labi at tutungo nang hindi mapansin ng aming professor.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko, siguro ay dahil nasanay na ako sa pagiging kaibigan niya at . . .

“Miss Palmes, are you listening?” Nagulantang ako nang bigla na lamang akong tawagin ng aming guro kaya mabilis akong napatayo.

“Yes, Sir! Present!” sigaw ko pero nang makita ko ang calculations sa white board ay nakasisiguro akong tapos nang mag-check si Prof. Kasunod ng pagkadiskubre ko niyon ay ang unti-unting pamumula ng aking magkabilang pisngi dahil pagkapahiya.

Gusto ko nang magpakain sa lupa lalo na nang mapuno ng tawanan ang buong klase at hanggang sa makaupo ako ay wala pa ring tigil ang kanilang panunukso.

Nagkasalubong naman ang mga paningin namin ni Benj na nasa unahan. Nag-aalala ang kaniyang ekspresyon kaya sinenyasan ko siya na okay lang ako.

Sa kabuuan ay wala akong natutuhan. Milyon-milyon kasing mga tanong ang namutawi sa aking isip nang dahil kay Miah.

Pagkatapos ba ng araw na ito ay hindi na kami magkaibigan?

Nagsimula na akong madismaya sa sarili pagkatapos na pagkatapos ng klase. Marubdob ang pagtibok ng aking puso habang nanginginig ang aking mga daliri sa kamay dahil sa kaba at excitement na nadarama.

“J-Joy, ayos ka lang ba?” ani Benj na sumadya pang lumapit sa akin habang inaayos ko ang aking mga gamit. Nilingon naman kami ng iba naming mga kaklase, tila inaalam kung ano ang mayroon sa amin ni Benj.

“Masama ba ang pakiramdam mo? You should go home. Ako na ang bahala sa project proposal natin,” dagdag niya nang magsalubong ang aming mga mata. Napangiti naman ako at napatango.

“Salamat, Benj. Tutulungan kita, promise,” I stated as I raised my right hand on air. Isinara ko ang zipper ng aking bag pagkatapos ay muling humarap sa kaniya. “Kita na lang tayo mamaya. Promise, kahit mag-overnight pa tayo sa library roon, payag ako. Wala namang pasok bukas, ‘di ba?”

“S-sige. Ingat. Mamaya na lang sa bahay,” he stated which startled the both of us. He mentioned the forbidden word, home!

Malalagot kami kay Bryan na binabalaan pa kami ng mga pinsan niya na huwag pag-uusapan ang tungkol sa bagay na ito rito sa school.

Pareho kaming napatingin sa kabuuan ng classroom at sabay kaming bumuga ng hangin nang makalabas na pala ang mga kaklase namin.

“We are still safe.” I laughed a little and just like a contagious virus he shyly chuckled, too.

Sandali pa kaming nagkwentuhan bago kami nagpaalamanan at naghiwalay ng daan. Siya ay papunta sa school library at ako naman ay sa parking lot.

I let out a deep but excited sigh after Benj and I parted our ways. Pinunasan ko muna ng panyo ang aking mukha at habang naglalakad ay inayos ko rin ang hawi ng aking mahabang buhok gamit ang suklay.

Sa parking lot.

Sa parking lot ako pupunta dahil doon raw siya maghihintay.

Bumalik ang pangangatog ng aking tuhod pati na rin ang pagdagundong sa loob ng aking dibdib. Hindi ako mapakali at parang gusto ko nang umurong dahil tila sasabog na ang aking puso. Nakakagat ko na nga ang aking pang-ibabang labi para lamang patigilin ang aking kaba.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now