Kabanata 15

1.9K 61 4
                                    

Marriage
xMaligaya©April2023

I immediately turned down Bryan's offer without a second thought. Wala akong balak na maghiganti laban sa ginawa sa akin ni Miah dahil ang tanging gusto ko lamang ngayon ay takasan na ang lahat ng ito.

Nagpaalam na ako kay Sir Diego na aalis na ako rito sa mansion. Sinabi ko rin hindi ko na kayang makasama si Miah sa iisang bahay dahil sa nangyari. He didn’t give me an answer, but he told me that he would relay my words to Lolo Alejandro.

“If I were you, I would try to get even,” mariin niyang sambit habang hinuhuli ang aking tingin. He was so hurt, that's why he was really hyped up about his revenge plan.

Kahit tumanggi na ako ay hindi pa rin siya umaalis upang mangumbinsi. He was still here, outside my room. Pakiramdam ko nga’y gusto niyang pumasok sa loob ng aking kwarto para ilatag ang kaniyang mga plano.

“Aren’t you in pain?” may pagtataka niya pang tanong, para bang hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon ay mahinahon niya pa rin akong nakakausap.

Nagkibit-balikat lang naman ako at lumihis ng tingin sa kaniya habang nakahawak sa doorknob ng aking pinto. Balak ko na siyang pagsarahan ng pinto, ngunit bigla niya na lamang nakuha ang aking kuryosidad.

“Sige nga, bakit gusto mong maghiganti? Masasaktan mo rin si Monique.” I sighed as I matched his gaze. Napansin ko namang natigilan siya sa aking sinabi kaya napailing na lamang ako at napabuntonghininga.

“Bryan, uulitin ko. Hindi ako sang-ayon sa plano mo kaya walang pupuntahan ang pag-uusap natin na 'to,” pagpapatuloy ko pa bago ko akmang sasaraduhan ang pinto ng aking kwarto ngunit mabilis niya 'yong napigilan at bigla na lamang siyang pumasok sa loob.

Is he really eager to push his plan?

Nataranta tuloy ako at nagmamadali akong pumunta sa aking sa aking kama. Nandoon kasi ang lahat ng aking mga damit at mga underwear.

“Sino ba’ng nagsabi sa’yo na basta-basta ka na lang pumasok sa kwarto ng babae?” pagrereklamo ko pa kasabay ng pagtakip ko ng comforter sa aking mga gamit.

“Aalis ka?” parang nagulat niyang tanong bago nagtama ang aming mga paningin. Napatawa naman ako nang mahina pagkatapos napaupo sa kama habang pinagmamasdan ang sira-sira kong luggage.

“Iyon naman ang gusto mo noon pa man, hindi ba?” kunwaring tumatawa ko pa ring tanong, pero nang tumagal ay kusa na lamang bumagsak ang aking mga luha hanggang sa mapahagulhol na ako.

Bakit ang sakit, gayong halos magdadalawang linggo pa lang naman ang relasyon namin? This whirlwind romance is making me fool and crazy.

Bigla-bigla na lamang umagos ang luha sa aking magkabilang pisngi kasabay nang aking pagdadalamhati. Pakiramdam ko nga ay aatakihin ako sa puso dahil sobrang kirot ng aking dibdib.

Hindi ko na kayang itago. Hindi ko na kayang magpanggap na okay lang ako dahil hindi naman talaga.

“First love?” seryoso niyang tanong kaya napatango na lamang ako. Maingat naman siyang lumapit sa akin kasunod ng pag-upo niya rin sa kabilang dulo ng aking kama.

“S-sabi niya, hindi niya ako sasaktan. Sabi niya, iba siya sa Papa ko na iniwan kami ng Mama ko. Sabi niya. . . s-sabi niya—” I trembled in sorrow while I was catching my breath. I felt the pain as I hid my face using my two hands.

“I didn't end up with my first love, too. Her name is Lauren. Iniwan niya ako,” he muttered as he let out a deep sigh. Wala sa sarili tuloy akong napatingin sa kaniya.

Is he trying to comfort me?

“Bryan, I’m sorry. K-Kung siguro sinagot ko lang siya agad—”

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now