Kabanata 2

2.9K 99 4
                                    

Friends

Kumirot ang aking sentido at nahilamos ko ang aking mukha nang maalimpungatan ako. Nangingimay ang aking kanang kamay, nagkamali yata ako ng higa sa malambot na kama.

Malambot na kama? Teka, hindi naman ganito kalambot ang kutson ko!

Bumalikwas ako ng bangon, nalilito at naguguluhan kong pinagmasdan ang buong paligid ng kwarto kung nasaan ako. The room was filled with sophisticated materials. I got dizzy looking up on the ceiling. There was a luxurious chandelier above the king-sized bed. Nagpalinga-linga akong muli, wala yata akong nakitang ibang color kundi cream at brown.

Tila paulit-ulit na may bumabangga sa aking dibdib para bumigat ang aking pakiramdam. Fear started to consume me as I overthink. The sound of the ticking clock added to the heaviness I was feeling. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi pagkatapos kong makatakas mula sa lalaking muntik nang gumahasa sa akin.

I rubbed my eyes then I palmed my forehead, still trying to figure things out as my heart continued to thump in fear. Kinagat ko ang aking mga kuko sa daliri bago ko ginulo ang aking buhok. Hindi ko talaga maalala.

Nasaan ako? Naabutan ba ako ng gagong na iyon at dinala rito?

I checked myself if I was still wearing something and if I was hurting down there. Luckily, I have a comfy clothes and it was not hurting. Napahawak ako sa aking dibdib at napabuga ng hangin nang sandaling gumaan ang pakiramdam ko.

“Thank you, G. Nothing bad happened to me,” I muttered as I closed my eyes. Nilanghap ko ang mabangong aroma ng kwarto, dahil sa sobrang bango ay lumaki na ang butas ng aking ilong. Tila nalimutan ko ng bahagya ang naging sitwasyon ko kagabi.

“Teka!” sigaw ko nang may maalala. Muli kong tiningnan ang suot kong damit at kinapa ang aking sarili, “H-hindi ito ang suot ko kagabi. Naka-uniform ako.” Nagpalinga-linga akong muli sa aking paligid at tulirong humiga ulit sa kama. Binagabag ulit ako ng iba't-ibang masasamang ideya.

I covered my eyes using my arms while I was questioning myself. Anong pangyayari kagabi ang nakaligtaan ko? At sino ang nagpalit ng damit ko?

Nagpagulong-gulong ako sa kama, kinuha ang mga unan, nagtakip ng kumot, dumapa, tumihaya at tumagilid pero wala pa rin akong nakuhang sagot. Pinunasan ko ang aking pawis sa noo at inililis ang kumot.

Nang alisin ko ang kumot sa akin ay biglang sumikdo ang aking dibdib at lumuwa ang aking mga mata nang makita kung sino ang nakasandal sa hamba ng pintuan, “K-kanina ka pa ba riyan?” nauutal kong tanong. It seems like there's a race inside my chest, it's throbbing really hard.

Si Jeremiah ang nasa harapan ko. Si Jeremiah.

Pasimple akong napapikit. Sa lahat ba naman ng pwede kong sabihin ay iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

My cheeks burnt out when he nodded. He bit his lower lip and he chuckled softly. Nakapagdala iyon ng kakaibang kiliti sa aking pagkatao, tila ba ang tawa niya ang nagpapatanggal ng takot sa aking dibdib.

Inilihis ko ang aking tingin, ayaw kong makita niyang namumula ako sa pagkapahiya. Humigpit din ang pagkapit ko sa kumot at bahagya itong itinaas hanggang sa leeg. Nang masilayan ko ang kaniyang mukha ay unti-unting nabuo ang mga piraso ng aking alaala.

“Good morning.” His baritone voice echoed, bringing shivers to my spine. Iniwan niyang nakabukas ang pinto pagkatapos ay naglakad siya papalapit sa kama.

“How are you feeling? Masakit pa ba paa mo? Ano'ng kailangan kong gawin?” sunod-sunod niyang tanong habang lumalapit. Umurong ako hanggang sa hindi ko namalayan na sumagad na pala ang aking likod sa headboard ng kama.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon