Kabanata 13

1.9K 66 4
                                    

I'm okay
xMaligaya©February2023

HINDI ako naniwala sa sinabi sa akin ni Bryan dahil kinabukasan ay bumawi at inanunsyo na agad ni Miah sa lahat ang tungkol sa amin. Ipinagpaalam niya rin ako kay Sir Alejandro at sa kaniyang mommy na hindi ko akalaing gagawin niya.

Tila naging sobrang bilis ng mga pangyayari. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala, lalo na sa tuwing hindi na namin kailangang magtago sa lahat at sa buong school.

Sobrang saya ko at hindi ko mapigilan ang mapangiti lalo pa't umaayon sa amin ang lahat. Ang akala kong magagalit na Sir Alejandro ay natuwa pa noong nalaman ang tungkol sa amin ng kaniyang apo.

"Joy, mahal, sabay tayong umuwi. I'll wait for you on the parking lot, after class. I love you." I smiled as I looked at him. He was grinning and then I giggled secretly. Ginawaran niya ako ng mumunting halik sa aking kaliwang pisngi, dahilan upang hindi ko na mapigilan ang tuwa sa loob ng aking dibdib.

We are in front of my classroom. Magkasabay kaming nag-lunch kaya inihatid niya ako ngayon.

Nakakatuwa na naka-complete uniform siya, ngunit hindi ang school council ang dahilan kung bakit tila napakabuti niyang estudyante ngayon. He told me that he wanted us to have matchy clothes. Kahit pag-u-uniform namin ay binibigyan niya pa ng ibig sabihin.

"Gusto na kitang masolo. Kung pwede lang kitang iuwi ngayon, gagawin ko," pahabol niya pa kaya nakagat ko ang aking pang-ibabang labi kasunod ng pag-iwas ko ng tingin sa kaniya.

Alam na alam niya talaga kung paano magpakilig! Sa nakalipas na linggo ay palagi siyang ganito. Nawala 'yong Miah na walang pakialam sa nararamdaman ko noong nakaraan. Bumalik ulit siya sa dati na ikinatanggal ng lahat ng aking pagkabahala.

"Pa-kiss pa nga," he demanded before he pouted his lips in front of me. Kunwari ko naman siyang sinaway at itinaboy dahil maraming mga estudyante sa paligid na halatang nanonood sa aming dalawa.

"Tama na," I told him while I was hiding my smile. "I-ki-kiss kita mamaya," dugtong ko na nagpatigil sa kaniya ng ilang sandali. Ni minsan kasi ay hindi pa ako nag-initiate ng halik sa kaniya dahil nahihiya ako.

"You can't take it back," he muttered in excitement. "Sa lips, mahal. I want to feel your lips with mine," walang preno niyang dagdag kaya ako naman ang nagulat.

Bakit ba hindi pa ako masanay-sanay na ganito na talaga ang bibig niya?

"I love you," he announced loudly, making everyone around us heard his statement. "I'm excited with the kiss," walang tigil niyang pagpapaalala sa akin.

Hindi niya pa kasi ako nahahalikan sa labi kaya siya ngiting-ngiti, dahilan upang lumabas ang malalim niyang dimples.

Bago pa kami mapagana sa pagkukwentuhan ay malambing ko na siyang itinaboy. Malayo rin kasi rito ang classroom nila at baka ma-late na siya. Nakailang pagpapaalam naman muna siya sa akin bago siya tuluyang umalis.

"Normal bang ngumiti nang mag-isa habang nakatingin sa kawalan?" Nabura nang bigla ang nakaguhit na ngiti sa aking mga labi nang marinig ko ang boses ni Jeffrei.

Alam kong nasa likod ko lamang siya kaya nagsimula na akong maimbyerna. Nang lingonin ko siya upang sagutin ay saka ko lamang napansin na kasama niya rin pala si Benj. Hindi ko na tuloy naisip na ituloy ang dapat na pamimilosopo ko.

"What do you want me to do? Hindi pa tapos ang klase namin ni Benj." Napabuntonghininga ako at napairap sa hangin nang ngitian niya ako nang malapad. Para bang nanunukso siya at nang-iinis.

Mukhang hindi na naman siya papasok sa klase dahil naka-basketball uniform na naman siya at may hawak-hawak pang bola.

"Baby, I can no longer tell you to go to the basketball gym. It's Miah's fault. Pero I know na nami-miss mo na ako, kaya kita dinadalaw," paghahangin niya kaya napailing na lamang ako. Grabe naman siya kung mag-feeling. Hindi naman ganito si Bryan.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon