Kabanata 3

2.8K 87 4
                                    

P-panty ko iyan!

Hindi nga ako pumasok katulad ng sinabi ko kay Miah. Pinangatawanan ko talaga ang pangako kong hahanapin ko ang intsik na iyon, para kapag nakita ko ulit siya’y maitatanong ko kung ano ang mabisang solusyon at magandang gawin sa tadhana ko.

Pagkatapos gamutin ni Miah ang mga galos ko sa braso at binti na hindi ko nakita kanina at pagkatapos niyang masahiin ang aking natapilok na paa ay pumunta rin ako sandali sa DASU upang kuhanin ang aking mga gamit, ngayong araw na rin ako maghahanap ng bahay na pwedeng maupahan na malapit lang sa university.

Dahil katirikang tapat ngayon at nakasuot pa ako ng uniporme ng DASU ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Ang iba ay nagsasabing naglayas daw ako at huwag daw akong tularan, mahadera raw akong mayaman. Ang hindi nila alam, katulad lang din nila akong dukha.

Hindi pa rin nawala ang takot at kaba sa dibdib ko kapag may nakakasalubong akong mga lalaki, lalo na kung may suot itong salamin sa mata. Bumabalik kasi sa aking alaala ang gagong lalaking muntik ng sumira sa aking puri.

Maingay at mausok sa kalye, maraming mga batang naglalaro sa lansangan, ang iba pa nga'y nakikipagpatintero pa sa mga naglalakihang sasakyan. Araw-araw ay ganito ang nakikita ko sa siyudad. Maraming namamalimos, mga bata at matatanda, maraming mga snatchers, at kung ano-ano pa. Ganito palagi ang sitwasyon simula nang dumating ako rito sa siyudad.

Welcome to the Philippines, kung saan ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap ay lalong humihirap, sa bansang walang pangil ang batas, mga korap laging nakakatakas.

I stopped in front of a coffee shop when I saw an announcement, telling they need a part-time waitress. Lumawak ang ngiti sa aking mga labi at bigla akong nakaramdam ng kasiyahan. Gusto kong magpatalon-talon ngunit nang ma-realize kong naka-skirt nga lang pala ako ay pinili ko na lang na pagdikitin ang aking mga palad at pumikit upang magdasal.

“This is it, Joy,” I muttered as I took a deep breathe. Naaamoy ko na ang bago kong trabaho.

I was giggling and smiling not until I saw a familiar face of the man who went out of the glass door of the cafeteria. Maputi ito at may taglay na singkit na mata. I blinked slowly when our eyes met and when I realized that he was the Chinese I was telling about, I immediately pointed my index finger to him.

“Ikaw!” sigaw ko. Ang akala ko'y talagang matatakot na ako sa mga lalaki, ngunit nang makita ko itong intsik na nasa harap ko ngayon ay biglang nawala ang lahat ng pangamba sa dibdib ko.

My feelings changed, from a scared cat, I turned into a scary monter who wanted to eat this man. Nakaramdam ako ng masidhing pagkainis kasabay ng pagsasalubong ng aking dalawang kilay.

“Ako?” He innocently pointed himself as his eyes bugged out when he remembered my face. Nang unti-unting luminaw sa kaniyang alaala ang lahat ay kumurap ng mabagal ang kaniyang mga mata.

“Oo, ikaw nga!” singhal ko pero bigla na lamang siyang napaatras. Alangan siyang ngumiti pagkatapos ay akmang tatakbo, kaya inunahan ko na siya sa kaniyang daanan.

Para kaming naglalaro ng patintero sa harap ng cafeteria at kapag nataya ko siya'y mahahaklit ko talaga siya ng batok.

“Ayun, ang isang may itim na laso!” he shouted, pointing at my back. Ako namang si uto-uto ay lumingon kaya natuptop ko ang akinh noo nang nakawala siya sa akin.

“Bumalik ka rito! May itatanong lang ako.” Bumuntong-hininga na lang ako nang hindi niya ako pinakinggan.

Mabilis siyang nakalayo, pero dahil kailangang-kailangan ko ng tulong niya ay hinabol ko siya kahit na hindi pa masyadong magaling ang paa ko at kahit na mahirap ang ginawa kong pagbuhat at paghila ng luggage ko.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon