Kabanata 31

1.7K 62 2
                                    

Wala pang gagawin
xMaligaya©August2023

"WAKE up, princess." Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong may tumatapik-tapik sa aking pisngi.

Sumasakit ang aking sintido at tila nanlalambot pa rin ang aking katawan ngunit napamulagat ako sa pag-aalalang nasa panganib ako.

Abot-abot ang aking kaba nang bumulaga sa aking paningin ang lalaking dumukot sa akin habang nakangisi. Nagpupumiglas tuloy ako ngunit hindi ako makagalaw nang maayos.

Para bang mayroong pumipigil sa akin. Doon ko lang napagtanto ang aking pwesto. Nakaupo ako at nakatali ang aking mga kamay at paa sa isang upuang kahoy habang nakabusal naman ng tape ang aking bibig.

"You're finally awake," mapanuksong salaysay ng lalaki bago niya sinubukan na haplusin ang aking mukha, mabuti na lamang ay mabilis akong nakaiwas.

Nanginginig ang aking mga kalamnan at gusto kong sumigaw upang humingi ng tulong. Nang makita naman nito kung paano ako mataranta ay humalakhak lamang ito na punong-puno ng panunuya.

Hindi ko namalayan na may nakatakas na palang luha sa aking mga mata. Lalo tuloy bumigat ang aking dibdib at nahirapan akong huminga.

"Bakit ka umiiyak? Wala pa akong ginagawa sa'yo," komento niya kaya umiling-iling ako at nagsimulang magmakaawa.

Gusto ko nang bumalik sa mansion.

Gusto ko nang makita at makausap ulit si Bryan.

Sinubukan kong lumingon sa aming paligid upang subukang alamin kung nasaang lupalop ako ngunit wala akong nakitang sagot.

Madilim na. Nakatitiyak akong hinahanap na ako ng apat dahil sinabi ko sa kanila na hindi ako magtatagal sa Mall.

"Pst! Tawagan mo ulit!" sigaw ng lalaki kaya para akong aatakihin sa puso. Pilit kong nilingon ang kung sino mang tinatawag niya sa aking likuran at nang makita kong mayroon siyang mga kasamahang lalaki ay dumoble ang pangambang bumalot sa aking sistema.

Kailangan kong makatakas dito.

Tumingala ako upang pag-aralan ang lugar. Madilim man ang paligid ngunit mayroon namang pulang ilaw na nagsisilbing liwanag namin.

Mayroon ding maliit na mesa sa aking harapan at sa gilid ko naman ay malalaki at mahahabang kahoy na para bang katatabas lamang sa puno nito.

Sa tingin ko ay nasa bodega ako. Hindi ko lang alam kung saan at kung ano'ng lugar ang pinagdalhan niya sa akin.

"Boss, hindi mabuksan ang cellphone niya. May pin code," nagrereklamong pahayag ng kaniyang tauhan bago nagmamadaling tumakbo papunta sa kaniyang amo.

Nanlaki naman ang aking mga mata nang makita kong hawak nito ang aking cellphone. Iyon lang ang tangi kong pag-asa upang makahingi ng tulong, pero paano ko 'yon makukuha kung nakagapos ako?

"Bobo! May finger print iyan, syempre. Kuhanin mo sa kaniya!" Narindi ako sa lakas ng sigaw ng lalaking dumukot sa akin. Wala rin akong nagawa nang lumapit sa akin ang kaniyang tauhan upang itapat sa fingerprint scanner ng cellphone ko ang aking hinlalaki.

Nang magtagumpay ay kaagad nitong hinablot ang cellphone ko sa kaniyang tauhan. Patawa-tawa rin ito habang tinitingnan ang nilalaman ng aking cellphone.

"Let's call your savior," he said, making me scream again and again. Kahit walang boses ang lumalabas sa aking bibig ay sumasakit ang aking lalamunan.

Kahit gusto kong malaman ni Miah kung nasaan ako ay nabalot pa rin ako ng pangamba dahil sigurado akong may pinaplano siyang masama laban sa aking kaibigan.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now