Kabanata 6

2.5K 74 3
                                    

“M-Miah, sorry. Kung alam ko lang na lolo niyo pala si Lolo Alejandro, sana hindi ko na lang tinanggap ang alok niyang trabaho kanina,” I told him as I tried not to stammer, however my heart was shaking like there's an earthquake, leaving a lot of tremors inside my chest.

“Gusto ko nang umalis. Pwede bang tulungan mo ako kay Lolo? Pwede bang sabihin natin na nagbago na ang isip ko. Hindi na ako tutuloy rito sa mansion.” Hindi ko ma-appreciate ang ganda ng istilo ng kwarto na pinasukan namin nang dahil sa pag-aalala sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko.

Hinihintay ko siyang sumagot, ngunit hindi ako nakarinig ng anumang salita mula sa kaniya, sa halip ay nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo at nang lingunin niya ako ay kumalampag ng malakas ang aking didib, dahilan upang mapaatras ako ng kaunti papalayo sa kaniya.

Ano‘ng nangyayari sa akin? Hindi ba‘t masyado pang mabilis para makaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko?

“Why? Didn't you tell me that you have no place to stay? Hindi kita pababayaan sa labas nang mag-isa lang.” His expression was serious as he darted his eyes on me. Nalilito ako at nagtatanong, bakit kung magsalita siya parang matagal na kaming magkakilala?

Ganito ba siya sa lahat ng babaeng kaki-kilala niya pa lang?

Mariin akong umiling habang nakapikit, bumuntonghininga rin ako upang tanggalin ang gumugulo sa akin. Sigurado akong isa ito sa mga fvckboy move niya kaya pilit kong isinawalang-bahala ang sinabi niya.

“Tinanggap ko lang naman ang trabaho at ang pagpapatuloy sa akin ni lolo rito dahil ang sabi niya ay mga bata lang ang kasama ko rito. Hindi ko alam na malalaki na pala kayo.” Sinapo ko ang aking noo at inilayo ko ang tingin sa kaniya dahil masyado akong pinakakaba ng kaniyang mga ngiti.

Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa akin dito sa mansion ng mga Sandoval, lalo na nang pumasok sa isip ko na hindi ko nga pala sila gaanong kilala. Hindi ko alam kung ano ang mga ugali nila at kung paano tumakbo ang kanilang mga isip.

Natatakot ako. Wala akong tiwala, maski kay Miah. Nangangamba akong maulit ang nangyari kagabi. Nakakapag-alala na baka maling desisyon ang ginawa kong pagsama kay Lolo Alejandro rito sa mansion kasama ng apat niyang mga apo.

“Joy, I know that you‘re still not okay, but you are more safe here. At isa pa, grandpa's words are rules that we couldn't break. Minsan lang siya matuwa sa isang tao kaya ang swerte mo.” Hindi ko alam kung pinalalakas niya ang loob ko o binibigyan niya ako ng babala tungkol kay Lolo.

“Ang sabi niya, bantayan ko ang mga bata. Ang lalaki niyo na, paano ko pa kayo aalagaan?”

“You can still take care of me—us. Huwag ka lang masyadong lalapit sa tatlo.”

“Bakit naman?”

“Just listen to me, I am your best friend, and best friend knows best.”

Hindi ba, mother knows best iyon?

“Sige na, umalis ka na. Ayos na ako rito,” pagtataboy ko sa kaniya bago ko siya marahang itinulak papalabas ng kwarto.

“Aalis ka pa ba?” pahabol niyang tanong kaya sandali akong napatigil bago lumukot ang aking mukha.

“Pag-iisipan ko, Miah. Hindi ako makapag-isip kapag nandito ka.” Tumigil siya sa harap ng pintuan pagkatapos ay matamang tumitig sa akin.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now