Kabanata 26

1.6K 58 2
                                    

Hindi aalis
xMaligaya©July2023

“PAANO'NG gagawin ko?” natutuliro kong tanong sa aking sarili nang makabababa ako sa sasakyan ni Jeffrei. Naguguluhan ako at hindi makapaniwala sa aking narinig.

Bakit nagawa ni Monique ang bagay na iyon? May mabigat ba siyang dahilan para paasahin si Miah at ang mga Sandoval?

Sa pag-iisip ng mga katanungan na hindi ko naman alam ang sagot ay hindi ako mapakali kaya mabilis na lamang akong umalis sa parking lot, bitbit ang brown envelope.

“Maniniwala kaya sila sa akin kapag sinabi ko?” tanong ko muli sa aking sarili habang naglalakad ako papunta sa basketball gym upang ibigay kay Jeffrei ang pinapakuha niya sa akin.

Habang papalapit ako sa gym ay palakas nang palakas ang pagtibok ng aking puso. Para ding hinahalukay ang aking tiyan dahil sa kaba na aking nararamdaman.

“Hindi siya maniniwala sa akin. Kilala ko si Jeffrei. Kailangan ko muna ng ebidensiya bago ko sabihin sa kaniya at sa mga pinsan niya,” bulong ko at nayakap ko na lamang ang brown envelope na hawak ko bago ako tumigil sa gitna ng open field.

Uuwi na lang muna ako para makapag-isip ako ng magandang plano upang mabuking ang kalokohan ni Monique. Hindi ako dapat magpadalos-dalos dahil madali lang para sa babaeng iyon na itanggi ang aking paratang. 

Sa huli ay napagdesisyunan kong huwag na munang ibigay kay Jeffrei ang envelope. Mag-me-message na lang ako sa kaniya na kuhanin niya na lang ito sa akin bukas. Tungkol naman sa susi ng kaniyang kotse, marami naman siyang mga kaibigan. Magpahatid na lang muna siya sa mansion.

“Kung kay Miah ko kaya sabihin? Sigurado akong maniniwala agad siya sa akin. Naging magkaibigan naman kami dati at siya naman talaga ang niloloko ng babaeng iyon,” masigla kong salaysay ngunit napailing na lang din ako at napabuntonghininga nang magbago agad ang aking isip.

Ebidensiya talaga ang kailangan ko.

Lugo-lugo na lamang akong umuwi  habang kinikimkim ang lahat ng mga pasakit na ibinibigay sa akin ng mundo. Napapansin kong nitong mga nagdaang araw ay pabigat nang pabigat ang nakakasalubong kong problema. Wala ba itong katapusan?

Mabigat ang aking mga hakbang nang pumasok ako sa loob ng apartment. Naririnig ko si Tita Riza at ang aking mga kasama na nagtatawanan sa kusina pero dahil wala akong gana na makipag-usap sa kanila ngayon ay nagdiretso na lang ako papunta sa aking kwarto.

“Joy, nandito ka na,” Jeremiah announced as he welcomed me with a bright smile. Napatigil naman ako sa harap ng aking kwarto at napalingon sa aming paligid. Ano'ng ginagawa niya rito?

“I visited you and I brought some foods in the kitchen. Pinauna ko na si Tita Riza pati 'yong mga kasama mo,” tuloy-tuloy niyang sabi bago siya humakbang papalapit sa akin kaya bahagya akong napaatras.

Mukhang narinig naman ng mga kasama namin sa bahay ang sinabi niya kaya sumilip ang mga ito at tiningnan kaming dalawa.

“Ano'ng gusto mo? I cooked your favorite sweet and spicy adobo with pineapple chunks. Kung hindi mo naman gusto, pwede tayong magpa-deliver na lang,” he bubbly chatted as he ushered me to the kitchen. Hindi naman agad ako naka-react dahil hindi pa rin nag-si-sink in sa akin na nasa harap ko siya.

“Bakit ka nandito?” pag-uusisa ko bago ko tiningnan ang aking mga kasama sa bahay para sana manghingi ng tulong. Iyon nga lang ay tila natutuwa pa silang panoorin kaming dalawa ni Miah.

“Binibisita kita dahil nag-aalala ako sa'yo. Sabi nila, hindi ka raw kumain kagabi at hindi ka rin daw nag-agahan kanina,” pagkukwento niya kaya kaagad na nakatikim sa akin ng matalim na titig ang mga kasama ko. Pandalas tuloy sila ng iwas ng tingin at isa-isa rin silang nagsibalikan sa kusina.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now