Kabanata 18

1.8K 63 10
                                    

Ako lang
xMaligaya©June2023

“YOU made me full and happy,” pahayag ni Bryan habang inaalalayan niya akong bumaba ng kaniyang saasakyan. Nagpahatid na kasi ako pauwi at hindi na kami bumalik sa school.

Ngiti lang naman ang aking isinagot dahil ganoon din ang nararamdaman ko. Masaya rin akong kasama siya.

“Umuwi ka na. Tatawid na lang naman ako ng kalsada,” salaysay ko habang nakaturo sa tinutuluyan kong apartment na nasa tapat lang namin. Iyon nga lang ay hindi siya pumayag. Ihahatid niya raw ako hanggang sa gate kaya pinagbigyan ko na lang.

“P3rvert,” biglang tawag niya gamit ang ibinigay niyang palayaw sa akin kaya napasulyap ako sa kaniyang gawi.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya bago ako lumilingon sa aming kaliwa at kanan, tinitingnan ko kung mayroon bang paparating na sasakyan.

“Take this,” he said as he handed me two thousand pesos. Nagtataka ko namang tinitigan ang pera na ibinibigay niya sa akin habang nakakunot ang aking noo.

“Bakit binibigyan mo ako ng dalawang libo? Hindi ba nakabayad ka na sa akin kanina?” naguguluhan kong pag-uusisa kaya napangiti siya at napatungo.

“Kasi hahawak ulit ako sa'yo,” tila nasisiyahan niyang sagot bago inilagay sa kamay ko ang two thousand pesos niya. Nang tanggapin ko naman iyon ay mabilis niya nang pinagdikit agad ang aming mga palad.

Natawa at napailing na lang tuloy ako pagkatapos ay inaya ko na siyang tumawid ng kalsada.

“Masarap 'yong kinain natin gawa mo,” he muttered before he looked down on our hands. Tutuksuhin ko pa sana siya pero may motor na bumusina kaya mabilis na kaming lumakad papunta sa kabilang gilid ng kalsada.

I was thankful that he appreciated the food, even if it’s not that special. Mayaman siya at alam kong iba ang panlasa niya kumpara sa akin na dukha pero ramdam ko naman na nasarapan nga siya sa mga kinain namin.

Ako kasi ang pumili kung saan kami pupunta kaya wala siyang nagawa noong nakarating kami sa kalye upang bumili ng street foods.

Noong una ay nagrereklamo pa siya at tila ba nandidiri sa lahat ng nakita niyang tinda, ngunit nang matikman niya ang mga ito ay bigla na lamang nagbago ang kaniyang isip.

Napapangiti tuloy ako sa tuwing babanggitin niyang pinakapaborito niya ang isaw sa lahat ng streetfoods na kinakain namin. Favorite ko rin kasi iyon.

“Thank you,” he muttered after we crossed the road. May panlalambing sa kaniyang boses na kaagad kong ikinangiwi. Sa tono ng kaniyang pananalita ay tila mayroon siyang gustong makuha sa akin.

“Parang baliw ito. Hindi mo ako madadaan sa paganiyan-ganiyan mo, Bryan Lovin. May kailangan ka, 'no?” tanong ko habang tumatawa nang mahina. Napakamot tuloy siya sa ulo pagkatapos ay nginitian niya pa ako.

Nasa tapat na kami ng gate ng tinutuluyan ko at dapat ay nagpapaalam na ako sa kaniya pero parang ayaw ko pa yatang pumasok.

“Actually, yes. May kailangan nga ako sa'yo,” pag-amin niya bago niya pinakawalan ang aking kamay.

Sabi na nga ba. Kilala ko na kasi siya kahit na sandali pa lamang noong maging official friend ko siya.

Hindi ko alam at hindi ko rin maintindihan. Sa tuwing kasama ko kasi siya, pati mga bagay na hindi ko naman dapat sinasabi ay nakukwento ko kaya ganoon din ang nangyayari sa kaniya dahil dinadaldal ko siya.

Maybe it's because of our whirlwind friendship. Bigla na lang kaming naging komportable sa isa't isa.

“What do you need?” taas-noo kong sambit at napa-english pa ako. He patted my head then he leaned closer and he leveled his face on me. Napaatras naman ako dahil sa pagkagulantang ng aking sistema.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon