Kabanata 23

1.7K 58 4
                                    

Ginamit
xMaligaya©July2023

“ANG sakit,” mahina kong daing nang magising ako dahil sa braso na nakadantay sa aking baywang. Hindi ako makamulat nang maayos dahil ang sakit-sakit ng aking ulo. Hindi ko rin masyadong maalala kung ano'ng nangyari sa akin kagabi at kung paano ako nakarating dito sa aking kama.

Isang daing pa ang lumabas mula sa aking bibig bago ko tinanggal ang braso na nakapulupot sa akin. Lumipat din ako ng pwesto at tumingin sa kabilang direksyon upang makita ko kung sino ang aking katabi.

Nanlaki na lamang bigla ang aking mga mata nang makita ko si Bryan na tulog na tulog sa aking tabi.

Oo nga pala! Natatandaan kong magkausap kami ni Miah kagabi nang biglang siyang dumating sa eksena pero. . .

“B-bakit siya nandito?” natataranta kong tanong sa aking sarili bago ako bumalikwas ng bangon. Kinapa ko rin ang aking damit at tiningnan kung mayroon pa akong suot.

Guminhawa naman ang aking pakiramdam nang makita kong kumpleto pa ang aking damit at wala namang masakit sa aking katawan.

Tiningnan ko rin kung mayroong mantsa ng dugo sa cover ng kama dahil iyon ang sabi ng marami kung may nakakuha na ng perlas ng aking silangan. Isang buntonghininga na naman ang kumuwala sa akin nang makita kong malinis ang kobre kama.

“Misis, bakit ang likot-likot mo? It’s too early.” Nahigit ko ang aking hininga at wala sa sariling napatingin sa kaniyang direksyon.

“A-ano'ng ginagawa mo rito? Wala ka bang sariling kwarto?” sunod-sunod kong tanong bago ko tinakpan ng kumot ang aking sarili. Nang imulat niya naman ang kaniyang mga mata at tumingin sa akin ay napangisi siya sa nadatnan niyang pwesto ko.

Nasa gilid na gilid na kasi ako nang kama at hindi rin ako mapakali. Bumangon din tuloy siya at marahan akong hinila papalayo sa kanto ng kama upang hindi ako mahulog sa sahig.

“Wala ka bang natatandaan?” tanong niyang tila kidlat na tumama sa aking isip. Bigla-biglang bumalik ako mga pangyayari kagabi at isa-isang nanumbalik ang aking alaala mula umpisa hanggang sa. . .

Hinalikan niya ako?

Totoo ba iyon o nanaginip lang ako?

“B-bakit ano'ng nangyari?” nauutal kong tanong at hindi ko alam kung saang direksyon ako titingin.

Hindi ko sigurado kung totoo ang nangyari kagabi, pero kung nangyari nga, bakit niya ako hinalikan?

“M-may nangyari ba kagabi?” muli kong pag-uusisa habang dumadagundong nang malakas ang pagtatambol sa loob ng aking dibdib. Naglakas-loob din akong salubungin ang kaniyang tingin kasabay nang pagpipigil ko ng aking damdamin.

“Nothing. We just argued,” he answered as if he was avoiding my question. Inilayo niya ang kaniyang paningin sa akin pagkatapos ay muli siyang komportable na humiga sa kama. Naguguluhan tuloy ako at hindi malaman kung totoo ang halik na iyon.

“What are you thinking? Come here. Let's just cuddle,” pag-aaya niya pa kasunod nang pagtapik niya sa kama kaya lalo akong napayakap sa aking sarili.

Hindi ko pa napoproseso ang lahat ng aking mga alaala tapos heto siya at gustong makipagyakapan sa akin. Ano ba'ng plano niya? Wala naman kaming audience, bakit kailangan niya pang maging sweet?

“U-umalis ka na. Baka kung ano pang isipin nila na ginagawa natin,” umiiling kong pagtanggi kaya bumangon siyang muli at pagkatapos ay hinarap niya ako.

“Are you still mad at me? I quickly went home, Misis. Pinasalubungan pa nga kita. Tinanggihan mo lang kagabi.” He sounded sad while he was staring at me. Itinuro niya rin sa akin ang box ng doughnut na binili niya para sa akin, para bang umaasa siyang tatanggapin ko na iyon ngayong hindi na ako lasing.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Where stories live. Discover now