Kabanata 21

1.7K 66 0
                                    

Iinom na lang natin
xMaligaya©June2023

NANG sa wakas ay makatakas ako kay Bryan ay sinubukan ko na ang lahat ng maaari kong gawin upang patigilin ang kakaibang pagpintig ng aking puso ngunit wala akong nakuhang solusyon. 

Mabuti na lamang ay nakiayon sa akin ang panahon. Pagkagising ko kinabukasan ay umuulan nang malakas kaya hindi natuloy ang plano nilang maligo ng dagat.

Nagkunwari na lang din akong maysakit sa pagpaplanong baka maiwasan ko si Bryan. Iyon nga lang ay sa halip na hindi ko muna siya makita ay nagpupumilit pa rin siyang kausapin ako.

“Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” Bryan questioned after I opened the door of my room for the nth time. Sa buong maghapon yata ay nakalimang beses na siyang pabalik-balik at nagtatanong sa akin.

“O-oo, pero nakainom na ako ng gamot. Kaya ko na 'to,” kinakabahan at nauutal kong sagot habang inilalayo ko sa kaniya ang aking mga paningin. Baka lalo lang kasing lumakas ang dagundong sa loob ng aking dibdib sa oras na makita ko ang kaniyang mukha.

“Pwede na ba akong pumasok?” pag-uusisa niya na naman kaya nahigit ko ang aking hininga kaya mabilis akong sumagot.

“Hindi pwede!” Napalakas ang aking sabi at nang mapagtanto ko iyon ay nakagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi.

Baka mahalata niyang iniiwasan ko siya!

Kanina niya pa kasi gustong-gustong pumasok, siguro ay dahil doon sa pag-uusapan naming plano niya para kina Monique at Miah. Lalo tuloy akong nanlalambot at nahahabag para sa aking sarili.

“A-ang ibig kong sabihin, baka kasi mahawa kita. S-sige na, magpapahinga na ako ulit,” paliwanag ko bago ko mabilis na sinaraduhan ang pinto. Sana ay hindi siya magtaka sa aking ikinikilos ngayon.

“Joy, hindi ka pwedeng ma-inlove kay Bryan. Hindi pwede. Mali,” pangangaral ko sa aking sarili pagkatapos ay tamad na tamad akong bumalik sa aking kama at humiga.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil naninikip na naman ang aking dibdib. Gusto ko siyang makita pero hindi ko siya kayang harapin nang hindi bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin.

“Tama! Nalilito lang ako. Si Miah, iisipin ko si Miah,” pangungumbinsi ko pa sa makulit kong puso bago ako bumangon sa pagkakahiga.

I am just confused. Syempre, si Bryan ang palagi kong kasama kaya na-attach ako sa kaniya.

“Oo nga. Wala akong gusto kay Bryan. Na-attach lang ako, saka natural lang na makaramdam ako ng selos dahil magkaibigan kami,” monologo ko kahit na parang wala ng context ang aking mga pinagsasabi.

Ngunit dumaan lamang ang ilang sandali ay pinanghinaan na naman ako ng loob kaya pumikit na lang ako upang iwaksi ang mga bagay na tumatakbo sa aking isip. Dahan-dahan din akong nag-inhale at exhale upang pagaanin ang aking nararamdaman at upang makapag-isip na rin ng gagawin kong plano.

Natigil lang ako sa aking ginagawa at napamulat ako nang tila mayroong pumasok na solusyon sa aking isip.

Si Miah!

Baka kapag nakausap ko siya nang kaming dalawa lamang ay bumalik ang dati kong nararamdaman para sa kaniya.

Masigla kong kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan. Mabilis ko ring hinanap ang kaniyang pangalan sa messenger app pagkatapos ay mabilis akong nagtipa.

“Pero ano naman ang sasabihin ko kay Miah?” parang baliw kong tanong sa aking sarili bago ko binura ang mga katagang natipa ko na dahil nawalan ako ng lakas ng loob.

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin