Natawa si Emer, hindi na nya napigilan ang sarili. Natutuwa syang nakikitang talunan ang isang Dennis Almonte na ubod ng yabang. 

Tiningnan ni Dennis ng masama si Emer. "Anong nakakatawa? Hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari sa atin?" kung pwede lang nyang pilipitin ang leeg ni Emer para matauhan ay ginawa na nya. 

"Sana bago ka nagdesisyon alam mo na mangyayari ito. Wala na tayong magagawa we must deal with it, but you have two choices."  seryoso this time si Emer. 

"What do you mean?" natutuwa si Dennis dahil may sense na ang kanyang kausap.

Umupo din sa pasamano si Emer sa tabi ni Dennis. "First, aminin na natin sa mga magulang mo na hindi mo ako totoong girlfriend." 

"Are you out of your mind?! Malalaman din nila na tumanggap ka ng 20 million para magpanggap na girlfriend ko, at pwede kang ipahiya ni Mama sa circle nya. At for sure ang magsusuffer ay ang new business mo." Umiiling na sabi ni Dennis. 

"Then ang second option na lang." nakangising sabi ni Emer. 

"Emer, just make sure na magugustuhan ko yang sasabihin mo." binigyan pa ng warning look ni Dennis ang dalaga.

"Mister ito na lang ang solusyon na naiisip ko. Pumayag na lang tayo sa gusto ng Mama mo, para naman mapapadali ang recovery nya." lihim na natutuwa si Emer ng makita ang naging reaksiyon ni Dennis pagkarinig sa sinabi nya. 

"Don't you ever say that again, marriage is not the solution with our problem." medyo napalakas na ang boses ni Dennis. 

"If you don't want to accept my suggestions, ano ang sasabihin ko kapag kinausap ako ng mga magulang mo?" 

"Basta hwag kang papayag na ikasal tayo, bahala ka ng gumawa ng dahilan." naguguluhang sagot ni Dennis.

Hindi pa handa si Dennis na i-give up ang kalayaan nya. He's still enjoying his life at ayaw nya rin matulad sa bestfriend nya na namomoroblema sa ngayon dahil na inlove na rin ito sa asawa kaya lang missing in action si Althea. 

Umiling na lamang si Emer, pero may mga nabubuo na syang plano para matapos na ang mga kalokohan ni Dennis. 

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila, pareho silang nag-iisip kung ano ang tamang gawin sa mga oras na yun. 

Playful HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora