"Mama, why?" bungad ni Dennis

"Naisip ko lang na mag out of town tayo, babalik na naman kami ng Papa mo sa America next week. What do you think?" masigla ang boses ng ginang habang kausap ang anak.

"That's good idea. Okay lang ba sa schedule ni kuya?" nahawa si Dennis sa excitement ng ina.

Matagal na rin ang huling family outing nila. Kaya naman talagang natuwa si Dennis sa narinig mula sa ina.

"Hijo, naisip ko rin na isama natin si Emer." hirit pa ng ginang.

Hindi nakasagot si Dennis dahil hindi sya sigurado kung papayag ang dalaga. Pero iisipin pa lamang nyang makakasama si Emer ng ilang araw ay may kakaibang kasiyahan na syang nararamdaman. 

"Ma, I'm not sure kung makakasama sya medyo busy sya ngayon."

"Please ask her, gusto ko syang makasama para makilala ko rin sya ng husto." 

Walang nagawa si Dennis kundi sumang-ayon na lang sa ina. Napag-usapan nilang magkapatid na hangga't maaari ay ayaw nilang saktan ang damdamin ng ina dahil sa maselan nitong kalagayan. 

Nang maibaba ni Dennis ang telepono ay sunud sunod ang tanong ni Michelle.

"Kailan mo ako ipapakilala sa parents mo?  seryoso ka ba sa akin or I'm just like your past girlfriends?" 

"Since the beginning alam mo ang set up natin. As of now wala pa akong gustong ipakilala sa parents ko." inayos na ni Dennis ang mga gamit sa ibabaw ng mesa. May luncheon meeting sya sa isang restaurant sa Makati. 

"Dam you! pinaglalaruan mo lang ako." halos mag hysterical na sa galit ang babae.

Hindi pinapansin ni Dennis si Michelle kapag ganitong nasa hysterical mood sya. Ayaw nyang makipagtalo dito lalo na nasa loob sila ng opisina.

"May meeting ako sa Makati, I'll just call you later babe." nilapitan nito si Michelle at binigyan ng makapugtong hiningang halik. Alam na alam ni Dennis ang weakness ng mga babae. 

Aalis na sana sila ng nagmamadaling pumasok si Lisa. 'Sir, I just received a call from Mr. Sarmiento's secretary, cancel daw po ang luncheon meeting nyo. May emergency daw pong aasikasuhin si Mr. Sarmiento. They will schedule it next week." 

Tumango lang si Dennis, mabuti na lang hindi pa sya nakakaalis. 

'Tayo na lang ang mag lunch. May alam akong bagong restaurant, masarap ang food nila dun." nakangiti na si Michelle.

Wala ng nagawa si Dennis kundi pagbigyan ang babae. Sabagay kanina pa rin sya nakakaramdam ng gutom. 

Samantalang si Emer naman ay inimbitahan ng isang kaibigan na mag lunch sa bagong bukas nitong restaurant.

Nang dumating si Emer sa restaurant ng kaibigan ay marami ng taong kumakain. May nakareserve na palang table sa kailang magkakaibigan. 

Habang hinihintay ang mga kaibigan ay iniikot nya ang paningin sa kabuuan ng restaurant. Nanlaki ang mga mata nya ng makita nya si Dennis na papasok at may kasamang magandang babae. 

Napansin nyang napaka sweet ni Dennis sa kasama, pinaghila pa nito ng upuan at inalalayan hanggang makaupo. Nakaramdam ng kakaibang kirot sa dibdib si Emer habang pinagmamasdan sila. 

Biglang nawalan ng ganang kumain si Emer, at ang gusto nyang gawin sa mga oras na yun ay umuwi at magkulong sa kanyang kwarto. 

Playful HeartWhere stories live. Discover now