Kabanata 59

Mulai dari awal
                                    

Gusto ko siyang makita, pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang gusto ko lang siyang titigan sa huling pagkakataon. Gusto kong sulitin 'yong oras na puwede ko siyang matignan bago ako umalis.

Tahimik kami pareho ni kuya Ryan habang nagmamaneho siya papunta sa bahay ni Troy. Sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko na para bang sasabog na 'to kapag nakita ko siya. Nang tiningnan ko naman sa salamin ang mga mata ko kanina, halatang sobra ang iniyak ko sa sobrang maga nito.

Halos lubayan ako ng kaluluwa ko nang tumigil na ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Troy. 

"Bumaba ka na, dito na lang ako maghihintay." sambit ni kuya Ryan sabay tingin sa'kin.

Hindi ako nakakilos agad. Saglit muna akong natulala bago tumingin pabalik sa kapatid ko.

"Anong sasabihin ko sa kanya?"

"Aba, malay ko! Sinamahan na nga kita rito tapos ako pa gagawa ng script mo."

"Kuya naman e! Seryoso kasi! Gusto ko siyang makita pero hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya."

"Sabihin mo sa kanya kung anong nararamdaman mo. Sabihin mong mahal mo siya, na miss mo na siya. At mag paalam ka na rin sa kanya. Bukas na ang alis mo kaya sulitin mo na lang ang oras na puwede mo pa siyang makausap."

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para bumaba at mag lakad papalapit sa pinto ng bahay ni Troy. Ilang beses na akong kumatok pero wala pa ring bumubukas ng pinto. Siguro wala siya rito? Baka pumunta sa bukidnon? Nag hintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa rin talaga. Mukhang wala talagang tao.

Balak ko na sanang bumalik sa kotse at umuwi nang makitang wala na ang sasakyan do'n!

"Gago, iniwan niya ako?" gulat kong tanong at lalakad na sana palayo sa pinto ng bahay ni Troy nang bigla itong bumukas.

"Anong kailangan mo?"

Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi ko siya agad naharap sa sobrang gulat. Akala ko walang tao!

"Tinatanong kita, anong kailangan mo? Bakit ka nandito?"

Nakaramdam na lang ako ng hapdi sa puso ko dahil sa tanong niya. Huminga muna ako nang malalim bago siya nilingon. 

"Ahm, gusto k-ko lang mag pa--"

"Mag paalam? Okay, bye. Mag ingat ka." aniya at bigla na lang sinarado ang pinto.

Laglag ang panga ko sa sobrang gulat. Gago ba siya?!

"Hoy! Troy! Hindi pa ako tapos mag salita! Gago, buksan mo ang pinto!" sigaw ko at paulit-ulit na hinampas ang pinto niya.

Nang bumukas ito ulit, nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa'kin.

"Gusto mong mag paalam, 'di ba? Edi bye, mag iingat ka. Alagaan mo ang sarili mo. At sana maging masaya ka."

"Ganyan lang ba kadali para sa'yo ang magpaalam?" hindi ko na maitago pa ang galit at sakit sa tono nang pananalita ko.

"At gano'n lang din ba kadali para sa'yo ang mag desisyon na iwan ako?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Parang gusto kong umatras ngayon, tumakbo at mag tago. Hindi naman ako naging handa para sa ganito e. 

"Ni hindi mo man lang ako kinausap bago ka nag desisyon. Tapos ngayon magpapaalam ka? Pinuntahan mo muna sana ako! Inalam mo muna sana kung anong balak kong gawin bago mo kinausap ang mga magulang mo."

"Ginawa ko lang 'yon para sa'yo. Kakausapin naman dapat kita kahapon, pero hindi ko kinaya, Troy. Hindi ko kayang nakikita kang nando'n, puro pasa. Hindi ka nababagay sa lugar na 'yon."

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang